Chapter 47: Kienna in danger

Start from the beginning
                                    

"Here."

Agad kong kinuha yun kay Joanna. Nang makuha ko 'yon ay nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat.

"I trust you, Ija."

May halong lungkot at saya sa mga ngiti ni Tita Ruth. Alam ko ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya.

"Thank you po, Tita. Ako na po ang bahala."

Niyakap niya ako at gano'n din ako sa kaniya.

"Goodbye, Ate Mirs. Punta ka ulit dito next time, huh?"

"Ofcourse, baby. Be a good girl, huh?" tumango naman siya habang nakangiti kaya di ko napigilang pisilin yung mataba niyang pisngi.

"I have to go na po, tita. Mag iingat po kayo ni Joanna."

"Ikaw din, Ija."

Naglakad na ako palabas ng gate nila. Sumakay na ako sa kotse ko. Binuksan ko yung bintana ng kotse at tinanaw si Joanna na kumakaway sa 'kin habang nakangiti kaya kumaway din ako sa kaniya hanggang sa inistart ko na yung kotse.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng pagdadrive may bigla na lang sumulpot na lalaking naka black mask sa likod ko kaya naipreno ko yung sasakyan. Ipulupot ba naman niya ang braso niya sa leeg ko. Ramdam ko rin ang malamig na dulo ng baril sa sintido ko.

Mula sa mirror view ay nakita ko ang tattoo niya sa likod na kamay niya. Napakalinaw.

"It's you, again. May gusto ka ba sa 'kin at palagi kang nagpapapansin?" nakangisi kong sabi. Hindi na siya nagtaka na nakilala ko siya dahil nakita ko na naman noon yung tattoo at narinig ko na rin yung pangalan niya.

"Woah. You didn't forget me, huh?"

"Ofcourse, Xander. I will never forget you."

"So, baka naman ikaw yung may gusto sa 'kin?"

"Tss. Really, huh?" tinitigan ko siya mula mirror view. "What do you want?"

"Give me the tape."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Tape lang pala eh. Oh." ibinigay ko sa kaniya yung scatch tape na nasa bag ko.

"Wala akong panahon makipaglokohan, Amira."

Dumiin ang hawak niya sa baril. Ba't kaya 'di na lang niya iputok.

"Hindi ka ba nangangalay?"

"Ipuputok ko ito kapag nangalay ako."

"Ah okay." sarkastikong sabi ko. Muli kong iniandar yung sasakyan. Kaunti lang ang nadaan na sasakyan sa lugar na ito. Sa ngayon nga eh itong sasakyan na ito lang ang makikita dito. Unti unti ko ding tinanggal yung seat belt ko.

"Stop the car."

"Ayoko nga."

"Stop the car."

"No way."

"I SAID STOP THE CAR."

"I SAID NO WAY." At mas pinabilis ko pa ang pagtakbo ng sasakyan.

"STOP T--" pabigla kong ipinreno ng malakas yung sasakyan at dahil nga hindi siya nakaseatbelt ay halos tumalsik siya sa dito sa unahan. Ako naman ay handa kaya nakontrol ko ang sarili ko. At kinuha ko yung chance na 'yon para agawin yun baril niya at higitin yung maskara niya dahilan para makita ko ang mukha niya. Masasabi kong gwapo siya pero parang familiar ang mukha niya. Napatigil siya at binuksan ko naman yung pinto ng sasakyan at bumaba para tumakbo. Pero mukhang mali ang naging desisyon ko dahil hinabol niya ako gamit ang sasakyan ko kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Ayoko namang barilin yung sasakyan ko.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now