Chapter 40: Lover's Quarrel ( Jealous )

238 17 0
                                    

Amira's POV

"Ate Mirs!?" napatingin ako sa nagtawag sa pangalan ko na nagmula sa boses ng maliit na bata.

"It's you nga, ate Mirs."

Teka.. familiar ang batang 'to. Napangiti ako ng maalala ko na siya.

"Joanna?" paninigurado ko.

"Yes I am. Finally, we met again."

Ang cute niya talaga.

"Wait, did you cried?" tanong ko ng makita kong namumula yung bilugan niyang mga mata, galing ata sa pag iyak. Natahimik naman siya.

"What's the problem, baby? Come on tell me!"

Lumapit naman siya sa'kin habang nakapout at yumakap. Nagkatinginan lang kami ni Kevin.

"Ate, si James!" umiiyak niyang sabi.

"What happened to James, baby?"

"He's leaving, waaaaah!" sabi niya at mas lalong umiyak.

"Joanna," napatingin kami kay James nang tawagin niya si Joanna.

"What are you doing here? I hate you."

"Joanna!"

"No, just leave. You will left me naman talaga 'eh. I hate you."

"Joanna, I told you that I will come back again.. for you," dahil sa sinabi ni baby James ay naalala ko na naman si Rylie.

Tumingin si Joanna kay James. "Promise?"

"Yes I promise, I will find you, Joanna!" sabi ni James habang nakataas ang kamay.

"Hihintayin kita ha," sabi ni Joanna at nagyakap silang dalawa.

"Ate Mirs, kuyaa.."

"Kevin. Call me kuya Kevin."

"Uhm no, I will call kuya Kevs," sabi ni Joanna at humagikhik sa tawa. Natawa na lang kami ni Kevin.

Maya maya ay nag ayang maglaro sina James at Joanna, kaya no choice kami ni Kevin.

"More push ate Mirs," sabi sa'kin ni Joanna kaya nilakasan ko pa ang pagtulak ko sa kaniya sa swing, pero syempre alalay pa rin.

Dinuduyan ko kasi si Joanna habang dinuduyan naman ni Kevin si James. Nang magsawa sila ay hinigit naman nila kami ni Kevin na mag slide. Pati tuloy kami ni Kevin ay nag slide buti na lang walang masyadong tao dito ngayon.

"Habulan tayo, taya si kuya Kevs," masayang sabi ni Joanna.

"Parang lugi ata ako ah," sabi ni Kevin dahilan para tumawa kaming tatlo.

"Ah pinagtulungan niyo 'ko ha, humanda kayo," sabi ni Kevin at nagsimula kaming habulin kaya nagsitakbo na kami.

Tumigil ako sa pagtakbo at pinanood si Kevin na hinahabol yung dalawang bata.

"Huli," masayang sabi ni Kevin nang maabutan niya si Joanna. Binuhat niya ito at iniikot habang tuwang tuwa naman si Joanna. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. Ang cute nilang tingnan. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin ko na magkapatid sila.

"Pa'no ba yan? Taya ka na rin bebe, magkakampi na tayo ha. Tayain naman natin sina James at ate Mirs," sabi ni Kevin at tumango naman si Joanna. 'Ate 'Mirs' pati, natawa na lang talaga ako. Nagpalinga linga naman si Kevin na tila hinahanap kami ni James.

"Ate Mirs!" tawag naman ni James sa pangalan ko.

Nagtinginan muna si Kevin at Joanna sabay tango at nagsimula na kaming habulin. Kaya agad naman kaming tumakbo ni James habang hawak ko ang kamay niya. At ganon din naman si Kevin at Joanna.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu