CHAPTER 29: DIE

307 43 1
                                    

Amira's POV


"Really? What if.. I like you?"

What did he say? Nabingi ata ako dun ah.

"What?" tanong ko dahil baka mamaya assuming lang talaga ako eh.

"Tss! Naniwala ka naman?"

Nakangisi pa ang loko. Pinagtripan lang pala talaga ako. Hype ka talaga, Kevin.

I just rolled my eyes from him at naglakad na talaga ng tuluyan.

"Whatever!" tanging lumabas sa bibig ko

"Sus! If I know, naniwala ka talaga sa sinabi ko," sabi niya at nakisabay na sa paglalakad ko.

"In your dreams!"

"What if I'm telling the truth? Do you want me to be your handsome boyfriend?" nakangisi niyang sabi.

"Tigilan mo nga ako Kevin."

Naiirita na ako pero hindi ko na lang pinahalata and finally tumigil na rin siya sa pantitrip pero nakasunod pa rin sa akin.

"Why are we here?" tanong niya

Nasa Canteen kami ngayon.

"Aba’y ewan ko sa ’yo. I want to buy something at kung wala ka namang bibilihin pwede ka ng umalis!" sabi ko sabay turo sa pinto.

Hindi niya pinansin ’yong sinabi ko at dumiretso na siya sa counter. Tamo itong lalaking ’to.

Pumunta na rin ako sa counter at bumili ng ice cream.

"Ice cream na lang din pala, ayoko nito," sabi ni Kevin at ibinalik 'yong binili niyang juice. Sinunod naman nung nagtitinda. Nanginginig pa nga eh.

"Gaya gaya," sambit ko naman at nauna na akong maglakad patungong classroom.

"Why do you want this?"

Tumingin ako kay Kevin sabay sabing "’Cause I want it."

"Eh ba’t ngayon ka lang papasok?"

"’cause I want it," sagot ko ulit. Tiningnan niya lang ako sandali at muling nagtanong.

Ba’t ba ito tanong ng tanong?

"Why did you tell Thea that I’m your boyfriend?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa kung saan.

"Why are you asking a lot?" balik kong tanong sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"’Cause I want it," sagot niya.

We don’t know why pero bigla na lang kaming natawa. Parang sira kasi si Kevin.

"Ewan ko sa ’yo, gaya gaya ka talaga," sabi ko sabay tawa ulit.

Para kaming tanga ni Kevin habang naglalakad. Tawa kasi kami ng tawa. Tapos ’yong ice cream namin natutunaw na.

Tapos puro kayat na rin ’yong mukha namin ng ice cream dahil sa katatawa.

"Wait.." sabi ni Kevin kaya napatingin ako sa kaniya.

Unti-unting inilapit ni Kevin ’yong kamay niya sa mukha ko kaya umiwas ako.

"What are you doing?"

"Don't move."

Hanggang sa maramdaman ko na lang ’yong thumb niya sa gilid ng labi ko. Parang nanigas tuloy ako dahil sa ginawa niya.

Ilang segundong nagtama ang mga mata namin.

"Ang kayat mo kumain," sabi niya at naglakad na ulit.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Ba’t ganon? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now