Ms. Loner

36 3 2
                                    

Hi Ate Basha

Napadpad ako dito sa Mailbox mo kasi may problema akong beri beri light lang naman.

Meron akong bestfriend since 1st yr high. Babae po siya ah. Ever since lagi na kaming magkasama. 1st to 3rd yr siya palaging kasama ko sa buong oras. Di talaga kami mapaghihiwalay eh. Pag sinabi yung pangalan ko, matic na kaagad na pangalan niya yung nakadikit sakin. Talagang bestfriends na kami

But then everything turned upside down nung nag 3rd yr na kami. Nung nagkaroon na siya ng lovelife. Nung una, indenial pa lang sila sa isa't-isa pero dahil isa akong napaka-supportive na kaibigan, nagsilbi akong bridge sa kanilang dalawa then *poof* M.U na sila. Meron na nga silang monthsary eh kahit wala pang sila. Tumulong pa nga ako sa pag-iisip ng idea for their 1st monthsary kahit na sobrang weird kasi di pa naman sila. Tapos every recess lagi na silang magkasama. Eh di ba nga siya lang yung natatanging kaibigan na meron ako? Wala akong ibang kasama kundi siya lang. Di po kasi ako friendly eh. Basta yun na nga, so pabor naman sa akin na magkasama sila tuwing recess kahit na wala akong kasama basta ba sa lunch ako naman yung kasama niyang kumain. Kasi syempre nahati na nga yung oras namin para sa chikahan eh. Sa lunch nalang talaga.

 Pero one time, nung recess. Pumunta ako sa pwesto niya kasi nga may ichi-chika ako eh. Sabi ko pa, "Uy babs may ichi-chika ako sayo. Haha! Exciting ‘to". Pag sinabi ko kasing exciting to, iiwan niya kaagad yung mga ginagawa niya tas aalamin na niya yung chika ko pero iba yung nangyari. Sabi niya, "Ay babs. Save it na lang muna. Tinatawag kasi ako ni *toot* eh. Sige bye". Tas ayun lumabas na siya.

 Di ko alam bigla akong nanlumo sa ginawa niya. Naisip ko na sige na nga mamayang lunch na lang. Maya-maya nag-bell na kasi nga lunch na. Pumunta kagad ako sa pwesto niya para ayain siyang pumunta sa canteen para kumain. Pagtingin ko sa pwesto niya, wala na siya. Nakita ko na kaagad siyang nasa labas kasama si *toot* Eh di pumunta na kaagad ako ng canteen para puntahan yung iba naming kasama kasi sampu kami sa isang mahabang table. Ineexpect ko na nandun si Babs pero wala. So umupo nalang ako. Magsisimula na sana akong kumain ng narinig ko yung boses niya "Uy guys, sasabay si *toot* sa lunch ah?" Wala ng nagawa yung mga kaibigan ko. Ako naman nagulat. Recess magkasama sila, pati ba naman lunch sila pa din? Limitation exceeds. Nainis na ako. Di ko na siya pinansin. Alam naman niyang di ko close yung mga so called kaibigan ko na kasama ko sa table eh. Siya lang talaga nagsasama sakin dito sa table tuwing lunch tas iiwan niya na din ako? Sino na lang kausap ko di ba. Dunno why pero naiiyak ako nung time na yun. Tinatawag niya ako pero di ko siya pinapansin. Pag nagtatanong siya, I'll just give her a nod ng di tumitingin. Ganyan ako ka cold sa kanya.

Ngayon po Lola Bashang, am I being selfish? Di ko po alam kung nasa lugar ba ‘tong pagseselos ko kasi kaibigan lang naman ako. Mas matagal kaming magkasama kesa diyan sa lalake niya no. Tama po bang maging ganto ako sa kanya or no. Ayoko naman mag-complain kasi ayaw kong magbago siya kasi napipilitan lang siya. Hahaha ewan.

PS: Di po ako tomboy ah. Grabe kayo hahahha!

- MS. LONER

ADVICE:

Grabe ang PS mo, natawa ako dun ah. May disclaimer ka kaagad eh hindi naman kita pinag-isipan na tomboy. Hahahaha!

Anyway, yes, nasa lugar ang pagseselos mo. Normal lang ang naramdaman mo dahil bestfriend mo siya at sanay ka na kayong dalawa lang, pero dapat mong intindihin na iba na ngayon. Bestfriend ka di ba? Dapat maintindihan mo ang nararamdaman ng bestfriend mo. She’s happy. Aren’t you happy that she’s happy? Oh di ba puro happy na lang. Hahaha! Hindi man ikaw ang nagpapasaya sa kanya ngayon, the fact na masaya siya, dapat maging masaya ka na rin.

Honestly, I kind of feel you kasi I also had a bestfriend na may iba ng bestfriend ngayon. Pero the fact na masaya siya ngayon, masaya na rin ako para sa kanya. Hindi issue kung sino ang nagpapasaya sa kanya, ang issue dito kung masaya siya o hindi. Dapat ganoon ka rin sa kanya.

Tsaka nasa first phase pa lang siya ng romance kaya ganoon siya kasaya to the extent na hindi niya nararamdaman ang pinagdadaanan mo, that’s why, as a bestfriend too, you have to tell her what you feel. She deserves to know, and as for you, you should make friends with others din. You have to come out of your comfort zone. Hindi naman ibig sabihin na kakalimutan mo siya, magkakaroon ka lang ng ibang friends, pero siya mananatiling bestfriend. Okay?

Sana nakatulong ako. I hope you’ll be okay.

Love,

Basha

MailboxWhere stories live. Discover now