Unknown

259 9 6
                                    

Hello world! Worldwide na ang Mailbox. Naks naman! Salamat sa mga fans ko diyan sa Qatar. Hahaha! Thank you din pala sa Funeraria Dela Paz for my hair and make-up, 168 Mall for my dress. Thank you din sa Angel's Burger! So iyon, wala na ba akong nakalimutan? Shoutout na tayo. 

Shoutout sa mga torpe diyan. Tagos ba? Magnapkin ka kasi! Hahahaha. PM niyo ako kung gusto niyo ng mga tips para sa panliligaw. Ay naku marami ako niyan. Ako kaya ang nanliligaw. Hahaha!

Ay siyanga pala, dedicate ko sayo iyong kanta sa multi. Paligoy-ligoy ka kasi. Maligoy ka din kasi para bumango. Ay iba pala iyon. Hahaha!

Dear Basha,

At last! NakapagSulat din ako! Wahah! XD Okay ito po kasi talaga yung problem ko XD

well umpisahan ko muna sa tanongIn love ako, pero ayokong ma-in love sa kanya?

Ayokong ma-in love sa kanya kasi ang Panget niya! XD ahahh dejoke XD Maganda siya siyempre magmamahal na nga lang ang pus-- bigas ko sa panget pa mapupunta XD (nahawa na ako kay basha XD)

Bakit ayaw ko sa kanyang ma-in love ?

Grabe ang hirap palang pumapag-ebeg. Ayaw ko sa kanya kasi hindi siya yung uri ng babaeng matino. In other words para siyang flirt na ewan at kung mag-isip ay di na maganda... MEDYO GREEEN siya kung mag-isip at siya rin yung taong naninigarilyo. ayoko sa taong ganun ni hindi nga ako marunong manigarilyo eh. Pero wala, na-inlababo etong si lolo mo eh...

May naisip naman akong paraan or siguro trip ko rin eh. Naghanap ako ng iba. May nahanap naman ako kaso siya pa rin eh. May mga pagkakataon nga na ang ginagawa niya eh nakaka-turn off na sa panigin ng iba kaso sa akin hindi. Hindi naman ako torpe, pero ayoko ko lang sakanya. Hindi naman ako yungtipo ng tao na kinikilig eh bihira lang. Marunong akong magtago ng feelings.

Siguro kaya napagtripan siya ni heart kasi...

kasi siguro nakakatawa siya? Oo mahilig kasi ako sa mga funny persons eh.

Siguro, matalino siya? I like geniuses!

Siguro ma appeal? wahahaha Ang landi ko! XD

Siguro, sweet siya? Oo kasi type ko yung mgat aong sweet.

Grabe, ang ma-in lababo!

Kayo po ba Basha? May alam po ba kayong ibang ways?

Nagmamahal...

na ako XD

~Mr. Unknown

* * *

Oh, my, God. In love ka nga. Gaaah! Look at your face, your'e smiling. Aminin mo na kasi, in love ka and yes you love her because you fell in love with her despite of soo many turn offs. Tinamaan ka na nga umiilag ka pa. Mukha ka lang tanga. Tanggapin mo na lang kasi iyan.  So what kung ayaw mo sa personality niya? Given na hindi siya ang ideal girl mo at kailanman hindi maaabot ang standards mo. But don't you see it? She wasn't able to meet your standards, but you were distracted. It's love, dude. Pero huwag kang mag-inarte diyan, hindi ka rin niya type. HAHAHAHA! Nagfefeeling ka na naman diyan. May paganyan-ganyan ka pa  for all you know wala naman siyang gusto sayo. So safe ka. LOL!

Saka uy, ano pinagsasabi mong ways? Ano ba tinatanong mong ways? Busy ako. Wag mo akong guluhin, naglalaro ako ng Hay Day. HAHAHAHA!

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon