From Marfie

138 6 2
                                    

Dear Florie,

Miss na miss na miss na kita! Ewan ko kung ano nangyari sa ating dalawa, parang sa isang iglap parang nawala yung dating tayo na mag best friend. Parang magkaibigan lang tayo ngayon. Aaminin ko sayo nasasaktan ako pag nakikita ko kayo ni 'Another bff' mo na magkasamang kumain, laging magkasama, laging magkatabi, laging nagtatawanan, pag nanunuod ng movie magkatabi kayo na dati ganun tayo pero ngayon...wala na. Naalala ko yung mga dati nating pinaggagawa, malayong malayo sa atin ngayon.

Tinary ko namang ibalik yung dati eh. Sinusuyo kita kahit nagmu-mukha akong tanga, tinitiis ko kahit sinusungitan mo ako, sinisigawan at tinatarayan mabalik lang yung pagkakaibigan natin. Pero mukhang ayaw mo na eh.

Ilang beses akong nagdasal at humingi ng sign kay God kung itutuloy ko pa ba o hindi. Laging lumalabas sa resulta ay ituloy ko pa. Pero mehn nagsawa na din ako eh. Parang wala ng patutunguhan yung panunuyo ko sayo. Na pinipilit ko lang ibalik yung dati habang ikaw ayaw mo na. Kasi may ibang tao ka ng malalapitan pag may problema ka, ka-kwentuhan.

Ayos naman sa akin kahit may iba kang best friend eh, pero sana naman wag mo akong kalimutan. Para kasing hindi na ako nage-exist sa mundo mo eh. Na parang wala tayong pinagsamahan.

May ginawa ba akong mali sayo? Nasaktan ba kita masyado para layuan mo ako? Masyado ba akong selosa? Ramdam kong ayaw mo na akong makasama mehn. Wag kang magalala, pagbibigyan kita. Tinatry kong mag move on mehn and it's working. Sinabi ko na ito sayo habang maaga pa. Habang hindi pa siya 100% mehn.

Sana pigilan mo ako. Sana gusto mo ding ibalik yung dati nating pagkakabigan.

Pero kung ayaw mo na talaga ay matatanggap ko. Gusto ko lang din mailabas sayo at malaman yung point of view mo.

PS: Sana ay magreply ka sa sulat ko.

Sincerely yours,

Marfie

* * *

Tissue, comforter, scratch paper o kahit ano diyan pahingi, sinisipon kasi ako. Hahaha! Nakakalungkot ang sulat mo para sa bestfriend mo pero sinubukan kong may maramdaman, pero wala talaga. I've been there, pero okay na ako. Alam mo kung bakit? I embraced what happened. Dapat ganoon ka din para maging masaya ka.

LET GO. If she'll be happier without you, then be it. If your'e a true friend, you are willing to sacrifice your feelings for her to be happy. Sabi nga ni God, living is not about to be loved and give and take. Living is about giving and loving. Ang tunay na Christian, nagmamahal at kapag nagmamahal ka i-le let go mo siya ng buong buo. :))

Magmamadre na ang hacker. Hahahaha!

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon