Nataga Part II (I Got Tagged)

249 12 48
                                    

Anong trip niyo sakin at ako ang paborito niyong habulin ng itak.. Itak, ginagamit sa pagtaga. Taga, english ng tag.. 

HACKER: So ano pinaglalaban mo?

Yung hacker sumasabat. OP daw kasi siya sa laro. Sineseen zoned daw kasi. HAHAHAHA!

_________________________________________

20 FACTS ABOUT ME

1. Nakakahiya man aminin pero gumagamit pa rin ako ng daliri kapag nagbibilang. Hahaha! Mahina talaga utak ko pag numbers ang pinag-uusapan. Pero marunong akong mag-add. Yun talaga ang pinagmamalaki ko. Hahaha!

2. Bilang hirap akong mag-Math, hindi ko ugali ang magbilang ng sukli. 

3. Hanggang ngayon kinakanta ko pa rin mentally ang Alphabet Song kapag nag-aalphabetize ako. Hindi ko kasi madetermine kung alin ang nauuna, kung V ba o W. (Hacker: Bobo na sa Math, tanga pa sa alphabet. Magsulat ka na ng diary.)

4. Kaya kong mag-crip walk ng naka-heels. :)

5. Belieberakowagkayongano. Sana hindi niyo nagets. Hahaha!

6. Weird ako. Sinasabaw ko ang kape, inuulam ang saging at mangga, nilalagyan ng asukal ang lugaw. 

7. May sariling buhay ang katawan ko kapag nakakarinig ng upbeat music. Bigla na lang sumasayaw kahit sa grocery. HAHAHAHA! Nakakahiya, nag-flashmob mag-isa. LOL!

8. Mahilig akong mag-emote kapag nakaupo ako malapit sa bintana ng bus. Hahaha! Yung tipong kunyari music video tapos maglilip sync pa. Omaygad! Unti-unti na akong nasisiraan ng bait.

9. So communication graduate ako. Hindi lang halata.

10. Nung bata ako gusto ko wala akong kalaro. Hahaha! Bata palang pala may saltik na. LOL! Eee ayoko kasi yung magulo. Mga kalaro ko mga dahon, halaman, puno ng ipil-ipil, mga ganun. Kinakausap ko sila.

11. Natatakot ako sa palaka, manok, sisiw at pusa. Tingin ko sa kanila traydor. HAHAHAHA!

12. Mahilig akong magluto at mag-experiment ng mga dishes. And because of that, I think I am going to be a good wife and mother someday. Yan talaga ang batayan. Hahaha!

13. Mabilis akong matawa, at kahit naka-get over na ang lahat, ako natatawa pa rin. Bungisngis nga. 

14. I always have a heart for (homeless) children and for mothers.

15. Namimigay ako ng mga damit at shoes, basta huwag lang yung paborito ko.

16. Ako lang siguro ang babaeng hindi mahilig sa bulaklak at stuff toys. Praktikal kasi ako, jusko ha kung magreregalo ka i-cash mo na lang. Hahaha!

17. Gustong gustong gusto kong maging radio jock. Gusto ko kasi yung salita ako ng salita at... maganda boses ko. HAHAHAHA!

18. Hindi ako marunong lumangoy. Hahaha! Nag-swimming lesson ako twice pero wala din namang nangyari. 

19. Sumali ako dati sa crying contest, after few minutes lang naiyak na ako, therefore ako nanalo. Inisip ko kasing nag-crash ang sinasakyang eroplano ni tatay kahit nasa bahay lang naman siya. HAHAHAHA! Jusko mga pinag-iisip. 8yo ata ako nun. 

20. Meron akong pet dati, Sparkle pangalan niya at isa siyang pagong, kaso namatay. Nahulog kasi sa rooftop... pero slow motion siyang nahulog. HAHAHAHA! Jk! Pero nahulog talaga siya sa rooftop. 

________

1. Once tagged you are to write 20 facts about you

2. Dedicate it to the person who tagged you

3. Invite others to play by tagging them

Ang hindi raw mag-tag tutubuan ng tuhod sa mukha. Hahaha! Dinagdagan ko lang. Chain letter to, nasa Mailbox kasi. HAHAHAH!

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon