Catea

346 9 5
                                    

Bihira lang talaga ako maglagay ng kanta sa multimedia kaya sana patugtugin niyo. Para kay Catea iyan. :)

Dear Ate Basha,

Hihi, nahihiya ako. Ano lang may icchika lang ako XD Ganito kasi yun. Noong 3rdyr ako, naging Ms. Junior ako, may nanliligaw sa akin nung time na yun so pumunta siya sa school namin na may bitbit na cartolina pagkatapos mismo nung JStapos may nakalagay na .. Ayun alam mo na XD Masyadong cheesy eh. Eh di feeling ko ang ganda ko talaga! HAHAHA. Tapos natuloy yung panliligaw niya, alam niyang bawal akong magjowa pero tinuloy niya pa rin. After ng mga ilang buwan, parang naiilang na ako sa kanya, may mga times na sineseen ko na siya, basta iniiwasan ko siya. Hanggang sa pinalayo ko na siya sakin. Inaway niya ko nun. HAHAHA! Nagalit siya, pati yung mga kaibigan niya. After 2mos. kinausap niya ulit ako at humingi ng chance. Sabi ko, wala na talaga. Pero bakit ngayon, nagpapabalik balik pa rin ako sa wall niya, at may epekto pa rin sakin bawat post niya? Ano ba talaga yung naramdaman ko sa kanya?

Nagmamahal,

Catea <3

* * *

"Ako yung may problema. Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat na nasasaktan. Sana kaya kong tiisin ang sakita na nararamdaman ko kasi ako yung humiling nito di ba? Ako yung may gusto. Sana kaya kong sabihin na masaya ako para sayo, para sa inyo. Sana kaya ko. Pero hindi eh. Ang sama sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa akong sabihin mo na ako pa rin. Ako na lang- ako na lang ulit."  -Basha, One More Chance

Tagos ba? Mag-napkin ka kasi! HAHAHAHA! Alam mong meron ka tapos hindi ka magnanapkin?! Wag tanga. Oo, tanga ka teh. Na sayo na pinakawalan mo pa. 

Hindi kita maintindihan. Akala ko gusto mo siya kasi kinilig ka, but you pushed him away. Ilang beses ka niyang binalikan, ilang beses siyang nagpakatanga sayo tapos nung okay na siya saka ka namang naging stalker. Hahay.. Mga babae nga naman. Buti na lang lalake ako. Hahaha!

You have to clear your mind. Ipa-vacuum mo yan kasi nalilito ang tao sayo eh. I'm sure you like him pero nag-aalangan ka lang. Pero since bata ka pa naman at bawal mag-boyfriend, siguro charge it to experience na lang. At least nafeel mong ang ganda ganda mo, na once in your teen years naging mala-fairytale ang buhay mo kahit saglit lang. :)) Saka stop stalking his profile so it will hurt less. Tandaan mo, ikaw ang may gusto niyan so panindigan mo. Mabuhay si Gabriela Silang! Punitin ang cedula!

MailboxWhere stories live. Discover now