" Tama na yung kakapalo mudra. Ang nasasaktan na yung katawang lupa ko. " dumipensa naman ako dahil akmang babatukan niya ako.

" Mudra...tom jones na ang beauty ketch. " punasok si Potchi sa kusina na naghihikab pa. Nasa likod naman niya yung mga back up tagasigaw niya.

" Kumain na kayo. " naghain naman sa lamesa si mudra.

" Sister, sinetch yung frog na kasama ni Papa Nate ? Nag split na ba kayetch ? " tanong ng impaktang si Olay. Pinanlakihan ko siya ng mata.

" Echosera to ! Palakihan ba ng mata gusto mo ? " gaga talaga ! Hindi naman ito contest ng palakihan ng mata. Napaka slow talaga. Napahawak na lang ako sa ulo ko.

" Hiwalay na kayo ng future son-in-law ko ? " hindi ako makatingin.

" Potchi, sasama kayo sa field trip. Wag kayong babalik dito hanggat hindi nagkakabalikan yung dalawang yan. " tuwang-tuwa naman si Potchi. Dahil syempre, makakakita siya ng nga handsome boys.

" Sabi ni Kuyang pogi, i seduce ko daw si Nate. " napatigil naman sila sa pagsubo. Bat ko ba sinabi ?

" Tama ! Magandang ideya yan ! Teka lang. Yung lingerie na ginamit ko sa pang-aakit sa papa niyo nasa itaas. Walang lalaking makakapagpigil kapag nakita kang suot yun. " sabi ni mudra na sobrang saya.

" Gravity mudra ! May taglay ka talagang kalandian ! " sabi ni Aniel.

Nag posing naman si mudra. Ang sagwa.

Tumakbo naman si mudra sa itaas. Pagkababa niya, may dala na siyang see through na lingerie. Napanganga naman kami nila Potchi. Napalunok naman yung mga bakla.

" Surprise. " iwinagayway pa nito yung lingerie.

" Mudra, baka naman ma rape ako bago pa ako makapunta kay Nate. " kinindatan ako ni mudra.

" Wag kang mag-alala. Walang magtatangkang mang rape sayo. Sa itsura mo pa lang, baka sila pa tumakbo. " hindi ko alam kung matutuwa ako, o maiinis sa sinabi ni mudra.

" Kami bahala sa make up mo. " sabi naman ni Olay.

" Gagawa tayo ng back up plan. Maraming back up plan. " sabi ni mudra na nag-iisip. Excited na ako.

Umalis sandali si mudra. Pagbalik niya, may dala na siyang bote ng beer. Inilapag nito iyon sa mesa.

" Plan number 1. Tignan mo ako nang mabuti ah. " inikot-ikot ni mudra yung hintuturo niya sa labi nung bote. Tapos yung itsura niya talaga, nagse seduce.

She's Scary ( completed )Where stories live. Discover now