SS 3 : Nightmare

9.6K 167 2
                                    

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

 

SS 3 : Nightmare

 

 

[ Nate's  POV ]

Shes getting closer and closer. I want to run. But my body dont want to do so. Im scared. Why of all people, WHY ME ! Wala na akong magawa kung hindi pumikit. 

 


" Ha..Ha...Ha... " napanaginipan ko na naman siya. Natatakot na talaga ako. Halos dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng makita ko yung multo na iyon sa C.R sa school. Napa-paranoid na nga ako kakaisip.

Kahit yung mga kasama ko nung gabing pumunta kami sa school, na trauma na rin. Kailan ba ako papatahimikin nung ghost na yun ? Tumayo ako at nagpunta sa kitchen. Ano bang kailangan naming gawin para tigilan na niya kami ? 

Ilang araw na din akong hindi nakaka tulog ng maayos dahil sa panaginip ko. Paulit-ulit siya at natutuloy . Hindi ko nga alam kung pati sa panaginip nagpapakita siya sa akin o dala lang ng sobrang takot.

Pagkatapos kong uminom ng tubig umakyat uli ako sa kwarto ko. Pipilitin ko na lang matulog. Baka magkasakit pa ako ng malala kung palaging wala akong tulog.

[ Krizzia's POV ]

" Hoy Potchi ! Ano bang gagawin natin dito sa malaking bahay na ito ? " sigaw ko sa shupatid ko. Wala akong pakialam kung magising lahat ng tao sa pagsigaw ko. Basta gusto ko lang makatulog na. At isa pa, kanina pa ako pinapapak ng mga lamok ! 

" Umuwi na tayo... " yaya ko kay Potchi. Aba !  Ayaw patinag ng loka.

  

" Wait lang. Tulungan mo aketch na masighting ang kagwapuhan ni Papa Nate. " wala naman akong magagawa kaya naki join na rin ako. Yung gate binuksan namin ng dahan-dahan.

Hindi ko alam kung stalker si Potchi o talagang malala lang talaga ang taglay na kalandian. Alam niya kung saan ang kwarto ni Nate, alam ang favorite foods, hobbies, likes and dislikes ni Nate. Favorite tambayan ni Nate. Pati class schedule.

" Hoy bakla ! Wag mong sabihing papasok tayo gamit ang front door ? " patanong kong bulong sa kanya. Malilintikan ako nito kay Mama eh.

" Oo naman ! Gosh ! Kailangan pa bang itanong yan ? Bobita ka talaga sisteret. " walanghiya talaga itong baklang ito. Alam na nga niya sasabihin pa. 

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon