SS14:MISSION: CONVINCE THE SAINTS

5.4K 103 8
                                    

WRITTEN BY PINKANIMEKAWAII

SS14: MISSION: CONVINCE THE SAINTS


[ A/N:  Hindi po ito karugtong ng SS38. ]

[ Krizzia's POV ]

" Nate, please lang, sa horror house na lang namin kayo sumama." pagmamakaawa ko kay Nate habang nakaluhod ako at yakap-yakap yung hita niya.

" Tumayo ka nga diyan. Mukha kang tanga. Tsaka tigil-tigilan mo nga kakaamoy mo sa akin. Kulang na lang higupin ng ilong mo yung slacks na suot ko eh. " gravity naman ! Napansin nya yun ? Masyado bang obvious ?

Sinugod ko sya sa tambayan nila para makiusap na sa amin na lang sya sumama. Sigurado akong pag nandoon yung SAINTS, dudumugin yung horror house namin.

" Dali na Nate, ngayon lang ako nanghingi ng favor sayo eh. Please ? " nag puppy eyes pa ako.

Nakita ko yung disgusto sa mukha niya. Habang yung mga kabarkada ni Nate, kulang na lang mamatay sa kakatawa. Diba dapat pag nagpa puppy eyes, sasabihin " aww ang cute " bakit ngayon pinagtatawanan nila ako ?

" Gravity ah ! Halos mawala na nga dignidad ko sa pagpapa cute, kung makatawa naman kayo wagas. Tsaka Nate, girlfriend mo ako, kung tignan mo ako, para kang nandidiri sa akin. " nakakainis ah !

" Nakita mo na ba mukha mo ? Hindi ka mukhang nagpapa cute. Yung mukha mo, para kang mangre-rape. " grabe naman ! Makapanglait wagas ! Bugbugin ko itong lalaking ito eh.

Dahil hindi ko matanggap na sinabihan ako ni Nate na pang rape face itsura ko, padabog akong lumabas ng tambayan nila. Kainis ! Ma testing nga sa ibang lalake. Siguradong sinabihan lang niya ako nun dahil magkaaway kami. Ang ganda-ganda ko kaya. Well, may kasabihan nga, kung merong gandang hindi mo inaakala, meron ding gandang ikaw lang ang naniniwala. Pero in my case, ganon.

Maghahanap nga ako ng poging lalake. Nakita ko yung isang tumpok ng mga estudyante na naglilibot sa school ground at chini-check yung mga booths para sa school festival.

Ito yung mga epal na lalaki na palagi akong pinagdidiskitahan eh. Ang po-pogi pa naman. Halos magkanda dapa-dapa nga ako nung una ko silang makita eh. Pero, pinagtawanan ba naman ako. Kamukha ko daw asawa ni shrek. Sino ba naman matutuwa nun diba ? Kaloka ! Simula nung mangyari yun, tuwing nakikita ko sila, gusto ko silang saksakin ng tinidor.

Dahil sadyang kaaway ko itong mga lalaking ito, sa kanila ko na lang susubukan. Wala akong pakialam kahit na magkaroon sila ng nightmare sa loob ng sampung taon. Nakita ako nung leader nung grupo nila. Hindi ko na kinabisado yung mga pangalan nila. Sayang lang space ng utak ko. Limited space only.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon