SS39: Date

4.4K 93 2
                                    

A/N : Dedicated to ravience_rose. Sorry kung mali-mali yung grammar. Hehehe ! Peace !

-----------------------------------------------------------

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS39: Date

[ Krizzia's POV ]

♫ hamkke babeul meogeuryeo haedo nega eopguna 

   gachi yeonghwal boryeogo haedo nega eopguna

   urin amugeotdo eopguna jeongmal amugeotdo eopguna

   every day every say neowa hamkke georireul

   geotneunda geotneunda dasi hamkke geotneundamyeon

   uri hamkke geotneundamyeon ♫

asdfghjkl ! Sino ba yung istorbo na yun ?! Kaloka ! Ang sarap na nga ng tulog ko eh ! Makapag text naman sa kalaliman pa ng gabi. Hindi ko na idinilat yung mata ko. Kinapa ko na lang yung bedside table ko. Lagot talaga sa akin itong nag text na to. Bubugbugin ko ito kung sakaling kilala ko. 

Nung makuha ko na yung cellphone ko, dahan-dahan kong iminulat yung mata ko. Halos magising ako dahil sa pangalan na naka-register sa screen ng cellphone ko. Si Chasten ! My gawd ! Dali-dali kong binasa yung text.

Chasten :

Hey ! I forgot to tell you. Susunduin kita bukas sa school niyo.

Hindi ko alam kung bakit pero parang wala ako sa sarili. Dahil sa sobrang excite ko, hindi ko na alam kung ano yung  sinend kong text sa kanya. Pumunta ako sa sent items ng cellphone ko. Parang gusto ko nang mamatay nung makita ko yung text ko sa kanya. Alam niyo ba yung nakalagay doon sa text ?

Krizzia :

So it's a date ? Hihihi ! Kinikilig naman ako.

Gaga ka talaga Krizzia ! Baka isipin niyang easy to get ka ! Bawiin mo yung text mo ! Sabihin mo para kay Nate yun ! Umupo ako sa kama ko. Halos sunggaban ko yung cellphone ko nung tumunog.

Chasten

It's a date then. :)

My god ! Kilig to the bones ! Kinikilig lahat ng organs ko ! Pwede na akong mamatay ngayon din. Hindi na ako nakatulog dahil sa sobrang excited ko. Nung nakita kong 5:00 na nang madaling araw, lumabas ako ng kwarto ko at patakbong bumaba ng hagdan.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon