SS43

4.1K 81 0
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS43

[ Krizzia's POV ]


Pagdating ko sa bahay, nagmamaganda sila Potchi sa sala. Natutulog sila nang nakanganga. Air Pollution.

Pumunta naman ako sa kusina. Tinitira ni mudra yung niluto niya. Masyado kasi siyang obssess sa luto niya. Buti na nga lang nag improve all over the years yung pagluluto niya. Palagi kaming na pu food poisoning dati ni Potchi dahil sa luto ni mudra. Yung niluluto niya, nagiging green, violet at almost black.

" Haler mudra ! Nandito na yung maganda mong anak. " napatingin naman sa akin si mudra.

" Naku Krizzia. Sabi ko naman sayo na tigil-tigilan mo yung pagsinghot ng katol. " inisnaban ko si mudra.

" Pa isnab isnab ka pa dyan. " binatukan ako ni mudra.

" O siya, tumigil ka na sa pagmamaganda. Magbihis ka na baka matuyuan ka pa ng pawis. Tapos kumain ka na. " tumingin ako sa kanya.

" Bakit ka ganyan makatingin sa akin ? " tanong sa akin ni mudra.

" Mudra, sabihin mo lang kung may nagawa akong kasalanan. Wag mo akong konsensyahin. " ang weird weird naman kasi. Hindi naman kasi ganito si mudra eh.

" Abat ! Masama bang mag-alala sa anak ko ha ? " isang batok na naman ang natanggap ko. Napahawak ako sa ulo ko.

" Hindi mudra, sabihin mo na lang kung anong kasalanan ko...aaminin ko naman kung ako eh. Hindi yung ganito, kinokonsensya mo ako. " kinuha niya yung sandok. Napatakbo naman ako sa may sala.

Baka mamiligro pa ang buhay ko at hindi ko ma seduce si Nate. Nag-iiba si mudra kapag hawak niya yung mahiwagang sandok niya. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Well, puro panlalaki yung nasa damitan ko. Pinagpalit ni Potchi yung laman nung cabinet namin. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako. Nakita ko si mama na hawak yung picture frame na magkakasama kami. Bata pa kami nun ni Potchi.

" Mudra ! " inilapag nito yung picture frame sa coffee table.

" Ano na namang trip mo mudra ? " napatingin ito sa akin at ngumiti. Ang weird talaga.

" Dalaga ka na. Akala ko talaga dati, mawawala ka sa akin. " hinaplos ni mudra yung fez ko. Naiinggit yata si mudra sa balat ko. Ang ganda ko talaga.

" Mudra, naiinggit ka ba sa skin ko ? I safeguard mo lang yan. Matatanggal pa yung germs sa katawan mo. " bigla na naman akong binatukan.

" Seryoso ako ngayon Krizzia ah. Nagmo moment ako dito, sinisira mo. " pinalo naman niya ako sa kamay. Ang sakit !

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon