KABANATA 28

73.8K 4.1K 1.3K
                                    

Kabanata 28:

NAPAKUNOT ang aking noo nang pagbukas ko ng pintuan ng office ni Damulag ay naabutan ko siyang madilim ang mukha habang kausap ang limang tauhan niya.

Bahagya akong sumilip.

"Mga putangina! Sinabi kong huwag niyong hayaang makawala sa inyo ang mga tao na 'yon! It's a simple fucking instruction! Hindi niyo pa magawa! Get the fuck out! Get out!" malakas na sigaw ni Damulag tapos ay ibinalibag niya ang isang laptop sa mga tauhan niya.

Pilit na sinalo iyon ng isa pero hindi niya naabutan.

Ni hindi man lang umiwas ang mga ito. Kitang-kita ko kung paano iyon nagkadurog-durog sa sahig. Ginapang ako ng kaba nang buksan ng isang tauhan ang pinto dahilan para bahagya akong napasubsob.

Kita kong nabigla sila sa presensya ko pero nagderederetsyo na lang silang lumabas habang nakayuko. Ako naman ay ginapang ng kaba lalo nang matira kaming dalawa ni Damulag sa opisina niya.

Napalingon ako kay Damulag na malakas ang pagtaas-baba ng balikat habang nakakuyom ang kamao.

Tinapunan niya ako ng tingin. Bago niya luwagan ang kanyang necktie bago tumingin sa wrist watch niya.

"You're two minutes late," madiin usal niya.

Napanguso ako, kung hindi siya nanermon kanina edi sana umabot ako.

"Ano kasi—ikaw kasi e," panisi ko sa kanya.

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. "What?"

"Wala po sabi ko nga kasalanan ko," sarkastikong sagot ko tapos ay dumeretsyo ako sa laptop na wasak wasak na sa sahig pati screen sira na.

Napailing ako. Ang mahal-mahal nito tapos kung wasakin lang ng mokong na 'to wagas. Porket mayaman akala mong dumudumi ng pera.

"What the hell are you doing?" halos mapaigtad ako nang biglang sumigaw si Damulag dahilan para matusok ako sa isang matulis na parte ng basag screen ng laptop.

Napangiwi ako.

"Bakit ba naninigaw ka? Hindi mo ba nakikita nililinis ko ang binasag mo?" inis na singhal ko tapos ay napatingin ako sa daliri kong tumutulo ang dugo.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Damulag ang aking pulsuhan upang itayo ako. Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin niya ako papunta sa sofa doon. Napatulala lang ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Ito ang unang pagkakataon na mahawakan niya ako pagkalipas ng tatlong taon.

Sunod-sunod ang malalakas na tibok ng puso ko na para bang alam niya kung sino ang nasa harapan ko, napakunot ang aking noo dahil pati sa ibabang parte ko ay pumipintig na rin.

Calm down, heart. Calm down, clitoris.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan matawa sa naisip ko. Pinaupo niya ako sa sofa tapos ay umupo siya sa center table na maliit katapat ko.

"What's so funny huh?" Naitikom ko ang aking bibig sa tanong niya, ang sungit. Ang aga-aga naman e.

Padabog niyang kinuha ang kamay ko habang kunot ang noo niya pero kabaliktaran noon ang haplos niya,  malumay ang kamay niya sa pulsuhan ko.

"You're bleeding," imporma niya tapos ay walang sabi-sabing isinubo ang hintuturo kong nasugatan.

Nahigit ko ang aking hininga habang nasa loob ng mainit niyang bibig ang aking daliri. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya na nakatingin din sa akin habang ginagawa iyon.

Ramdam ko ang kaniyang dila pinapaikot sa daliri ko. Jusmiyo!

Nang tumigil siya sa pagsipsip ay dinukot niya ang panyo sa bulsa ng slacks niya at pinunasan ang daliri ko.

Back to SixWhere stories live. Discover now