KABANATA 5

86.2K 4.6K 1.6K
                                    


Kabanata 5:

Pagkatapos kong maligo ay kaagad napakunot ang aking noo pagkalabas ko ng banyo dahil hindi ko makita si Damulag. Pagkatapos ko siyang paliguan ay ako rin ang nag-bihis sa kaniya dahil nakatitig lang siya sa akin kahit anong utos ko sa kanya.

Pinaglalaruan pa niya 'yong abs niya sa harapan ko, akala ata pandesal.

"Hoy Damulag?!" tawag ko sa kaniya.

Mabilis kong inilibot ang aking paningin sa buong lugar. Nasaan na ba 'yon?

Dumeretsyo ako sa kusina at gano'n na lang ang paglaglag ng aking panga nang makita ko siyang nakaupo sa lababo roon, sa laki niyang iyon ay isiniksik niya ang sarili roon habang pinapapak ang cheese powder.

"What the? Anong ginagawa mo?!" gulat na aniko tapos ay mabilis na lumapit sa kaniya.

Gulat siyang napatingin sa akin tapos ay bumaba sa lababo habang puro cheese ang gilid ng labi. Bahagya siyang yumuko animong takot na salubungin ang aking tingin habang sinisimot pa rin ang mga tirang cheese sa daliri.

Mariin akong napapikit bakit ba kumuha pa ako ng sakit sa ulo? Imbes na wala akong iintindihin ay kumuha pa ako ng poproblemahin.

Magaling, Denzy.

"Bakit mo kinakain 'yan? Sira na ata 'yan, matagal na 'to rito," sabi mo sabay agaw ang cheese powder.

Ibinalik ko iyon sa istante, nameywang ako paharap sa kanya. Ang inis ko ay biglang nawala nang makita ko ang buo niyang katawan. Medyo masikip sa kanya ang short ni Berto, hindi man iyon umabot sa itaas ng kaniyang tuhod hindi ko maiwasan hindi mapatangin sa nakabukol doon. Ang pinahiram kong shirt ay fit din sa kanya kaya kitang-kita ko ang kanyang braso.

Napakurap-kurap nagbabakasakaling maalis iyon sa aking isip. Napaka bait ko, hindi dapat ako nag-iisip ng gano'n. Tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon na ngayon ay abala sa paglalaro sa sariling kamay.

"Kakalinis ko lang sa'yo tapos nagdudumi ka na naman," sermon ko tapos ay hinila ko siya sa lababo para hugasan ang kanyang kamay.

Pagkatapos no'n ay tumingin ako sa kanyang mata nahuli ko itong nakatingin sa akin habang pinupunasan ko siya. Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon blanko ang mukha niya pero may kakaiba sa kanyang mga mata.

Nag-iwas tingin na lang ako tapos ay kinuha ang adobo sa ref na kahapon ko pa niluto.

Hindi pa naman siguro sira at saka kung sira man nandyan naman ang banyo feel free naman siyang tumambay roon.

Humarap ako sa kaniya nakita ko siyang sinisipat din ang loob lang ref tapos nang nakita niya akong nakatingin ay bumaba ulit ang mata niya sa kanyang mga paa. Geez, ang cute niya para siyang bata na nahuli ng magulang.

"Umupo ka muna roon." Turo ko sa isang kahoy na upuan sa harap ng maliit na mesa ko.

Hindi siya nagsalita, hindi rin siya gumalaw tumabingi lang ang kanyang ulo.

Napailing na lang ako saka siya iginaya paupo sa isang plastik na upuan. Hindi pa siya tuluyan nakaka-upo ay nabiyak na ang paa no'n, napasalampak siya sa sahig habang napamura naman ako.

Ilang taon sa akin 'yan!

"Shit!" Kinuha ko ang sirang upuan saka ginilid, nang balikan ko siya ay nasa sahig pa rin siya habang hawak ang balakang. "Tumayo ka, masakit ba? Ang laki mo naman kasi."

Napanguso siya.

Nagpalinga-linga ako upang humahanap ng matibay na uupuan niya.

Sa huli ay sa timba ko siya pinaupo, tinaob ko na lang iyon.

Back to SixWhere stories live. Discover now