KABANATA 13

73.6K 4.1K 1.4K
                                    


Kabanata 13:

"Mamaya ho may pupunta ritong nurse para ibigay ang gamot na irereseta ko, ipainom niyo lang ho iyon isang beses sa isang araw. Iwasan na lang rin muna ang magpa-araw baka kasi lalong lumala ang rashes niya. Iyon lang ho muna Misis mauna na ako babalik ako mamaya," paliwanag ng Doctor bago mabilis na tumalikod.

"Doc hindi ko siya asa—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tuluyan ng makalabas ang Doctor habang hawak ang kanyang chart.

Napabuntonghininga na lang ako bago ibalik ang tingin kay Damulag na ngayon ay natutulog na, bahagya nang nawala ang pagkapula ng kanyang mukha. Ang mga pantal sa kanyang leeg at braso ay numipis na rin.

Muntik na siyang magkulay katamis sa sobrang pula kanina.

Ang maga niyang labi ay nandon pa rin hindi ko naman kasi alam na gano'n kalala ang allergies niya sa bitter gourd.

Kung alam ko lang na bawal sa kanya iyon edi sana hindi ko na siya pinakain nang madami. Napakurap-kurap bago tumingin sa wallclock sa ospital, mag-aala-una na ng madaling araw.

Mabuti na lang talaga at kaagad na naisugod si Damulag dahil sabi ng Doctor ay kung medyo napatagal pa kami ay mahihirapan na siyang huminga dahil sa pamamaga ng kanyang lalamunan.

Mabuti na lang at inihatid kami ni—oh God!

Napabalikwas ako ng upo bago humangos na lumabas sa kwarto, kaagad kong inilibot ang paningin sa labas.

Wala na siya.

Mabilis akong tumakbo papunta sa guard na nakita ko. "Manong, nakita niyo ho ba iyong lalaking naka-leather na itim tapos medyo magulo ho ang buhok." Hinihingal pang tanong ko.

"Ay iyon po bang nakatayo diyan kanina sa pinto niyo? Umalis na ho," aniya.

Kaagad bumagsak ang aking balikat bago tipid na ngumiti sa sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi bumalik na lang sa kwarto ni Damulag.

Nandon na e, kasama ko na si Kier Mauv kanina hindi ko alam paano niya nalaman ang bahay ko, kung paano siya napunta sa lugar na iyon at lalong kung paano niya ako nakilala.

Nang makita ko siya kanina ay agad niya akong hinila papasok sa kotse pati si Damulag. Mabilis ang biyahe namin papunta sa ospital, ni hindi ako nakapagsalita sa bilis ng pangyayari at dahil gulat pa ako. Namalayan ko na lang na nasa ospital na kami at lalo akong nawala sa focus nang makita kong namamaga na ang bibig ni Damulag kaya nawala na sa isip ko ang mga dapat sabihin sa Kier na iyon.

Nakakainis!

Hindi ko maipagkakaila, kamukang kamuka ni Kier si Dem. Parang pinatandang version siya ni Dem ang hindi ko lang maintindihan ay bakit nagpakita siya sa akin samantalang hinahanap siya ng asawa niya.

Naagaw ang pag-iisip ko nang bumalikwas si Damulag mula sa pagkakahiga ay bigla siyang napaupo habang nakapikit pa rin ang mata tapos ay biglang humawak sa ulo animong naalimpungatan siya bago humiga ulit na pero narinig ko siyang bumubulong animong nananaginip.

"Holy fucking fuck! What the fuck are you doing to me?! You fucking son of the bitch. Damn it! Go to fucking hell you fucking idiot. I will surely kill you mother fucker!"

Napanganga ako matapos sabihin iyon ni Damulag habang pahina nang pahina ang boses hanggang maging ungol na lang at hilik.

Hindi na siya ulit gumalaw animong bumalik siya sa pagtulog.

Tengene ano yon?

Napatulala ako dahil do'n pinagmasdan kong lumalim na naman ang kanyang paghinga at bahagya pang paghilik.

Back to SixWhere stories live. Discover now