KABANATA 9

78.2K 4.3K 2.1K
                                    


Kabanata 9:

"Huwag kang aalis dito ha, matulog ka o kaya manuod ka na lang. Huwag na huwag kang lalabas, nako siguradong malilintikan ako sa boss ko kapg nalaman 'to," mahabang usal ko kay Damulag na ngayon ay nakaupo.

Kasalukuyan kaming nasa staff room at kadadating lang namin. Sana lang talaga ay hindi ako ilaglag ng mga kasamahan ko rito.

"Naiintindihan mo ba?"

"Yes Mee," sabi niya na sumaludo pa tapos ay umayos ng upo bago ko buksan ang maliit na TV roon na para bang pagmamay-ari niya.

"Aalis na ako, babalik ako pagbreak na kaya umayos ka ha."

Tatalikod na sana ako nang tumayo si Damulag at halikan ako sa pisngi katulad ng ginawa niya kahapon. Napakurap-kurap ako ulit dahil doon bakit ba sa tuwing ginagawa niya iyon ay napapatulala ako sandali at bakit hindi ako nagagalit sa kaniya?

Siguradong hindi dahil sa gwapo siya dahil hindi naman sa pag mamalaki pero ligawin ako ng gwapo noon pa man kahit nasa probinsya pa ako at hindi naman ako nakakaramdam ng ganito oo kinikilig ako pero never akong kinabahan.

Naging mabilis ang oras sa trabaho ko katulad ng normal na araw ay maraming kostumer ang shop kaya naging abala rin ako.

Lalo't wala ang gumagawa ng kape kaya naman ako ang pumalit sa kanya, kapag may bakanteng oras kasi kami noon ay tinuturuan niya ako.

Minasahe ko ang aking leeg bago tumingin sa orasan.

Malapit na akong maglunch break halos dalawang minuto na lang kaya naman inayos ko na ang gamit ko para makabalik sa staff room.

Medyo tahimik ang buhay ko at walang baklang tanong nang tanong dahil day off niya ngayon araw.

Napakunot ang aking noo nang maabutan ang isa kong katrabahong babae na nasa tapat ng staff room.

"Anong meron?" tanong ko.

"Nasa loob si Boss kasi narinig niyang nakabukas ang TV oras ng trabaho." Halos manlaki ang aking mata dahil sa sinabi niya, mabilis na nilagpasan ko siya papasok sa kwarto.

Naabutan ko ang boss namin na matandang babae na salubong ang kilay habang nakatingin sa TV na ngayon ay nakapatay na. Kaagad akong kinain ng kaba at agad inilibot ang paningin upang hanapin si Damulag.

Halos magbuhol-buhol ang hininga ko nang hindi ko siya makita sa loob. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o kabahan na wala siya roon. Nasaan na kaya 'yon?

"B-Boss bakit po kayo nandito?" tanong ko sa amo namin, may pagkamasungit pa naman ito lalo't matandang dalaga masyadong bitter sa buhay.

Tinaasan niya ako ng kilay bago pinagkrus ang braso sa harap ng kanyang dibdib.

"At bakit hindi? Kanino bang shop 'to? Bawal na ba ako ngayon sa shop ko?" masungit na aniya kaya nagakat ko ang aking ibabang labi saka mabilis na umiling.

Nagtatanong lang naman, galit kaagad.

Nakita ko pang inirapan ako ng amo kong matanda bago niya ako lagpasan, doon nakahinga ng maiwan ako mag-isa kwarto.

Kaagad din nanlaki ang aking mata nang maalala si Damulag parang nanuyo ang aking lalamunan, mabilis kong isinara ang pinto ng staff room bago ko tawagin si Damulag.

"Damulag?" kinakabahang usal ko.

Napabaling ako sa ilalim ng papag na nandon nang may nakita akong kamay na palabas, nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ang malaking katawan na gumagapang palabas galing sa ilalim.

"Aw," daing niya nang tuluyan siyang makalabas.

Kaagad akong lumapit sa kanya, napakunot ang noo ko pero nakahinga rin ako nang maluwag dahil hindi siya nahuli.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon