Napailing ako habang tinitignan iyon. It's too short for me, hindi ako sanay na mag-suot ng ganito kaikli

Dumako ako sa vanity mirror noon at May mga set ng make-up na nakahanay doon. Napangiti nalang ako dahil hindi naman ako marunong gumamit ng mga kolorete sa mukha.

Nakuha naman ang pansin ko ng isang bracelet at isang silver na container na parang spray na katabi iyon. Kinuha ko ang spray at binasa ang description noon

"Silver spray, allows humans to hide the scent of their blood from Vampires to prevent bloodlust. Spray all over your body Everytime you'll leave your dorms" Basa ko rito. Dahil isa akong masunuring bata ay sinunod ko iyon. I sprayed it all over my body and thank God it was unscented, ayaw ko sa mga bagay na matatapang ang amoy

Kinuha ko rin ang bracelet na nakapatong sa vanity mirror. Halatang gawa ito sa pilak at Parang tangkay ng rosas ang strap nito ngunit imbis na bulaklak ang nasa gitna nito ay isang buwan

Binasa ko ang nakasulat sa maliit na papel na katabi noon

"The Moonlock,an anti vampire weapon. Human student's main defense against Vampires. Won't activate by the owners will but will activate automatically if the owner feels threatened by a vampire. Just press the moon on a Vampires neck and he/she will be paralyzed. Wear all the time"

Isinuot ko ang bracelet sa kanang kamay ko. Mabuti naman at kahit papano May magagamit ako para protektahan ang sarili ko.Binuksan ko ang luggage ko at sinimulang ayusin ang mga gamit ko.

Habang inililipat ko ang mga damit ko sa aking closet ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at sinagot agad. Dalawang bampira lang naman ang nakakaalam ng number ko.

"Yo, Phoenix" I greeted at inipit ang cellphone sa aking tenga at balikat upang ipagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.

"How's your dorm?"

"I didn't expected it to be this good"

I heard him chuckled from the other line

"What's your class schedule?" Tanong nito. Kumunot ang noo ko dahil wala pa namang sinasabi sakin na class schedule

"Check the red folder that the staff gave you"

Tumayo ako at kinuha ang red folder na binigay sakin na nakapatong sa kama. Binuksan ko iyon at binasa ang nasa loob

Aiseah Serene Roxas
Section H-11

Morning Classes(Human Class)

8-9am:Mathematics
9-10am: English
10-11am:Break Time
11-12pm: Science
12-1pm: Lunch Break

Afternoon Classes( Mixed Class)

1-2pm: History Class (Room V:13)

Afternoon Classes( Training Classes)

2-5pm: Weapon Mastery Class (Gym #1)

"Anong room ka sa History Class?" Phoenix asked me on the phone

"Uhm, room V:13" I answered. Nakakamangha dahil halos karamihan ng subjects dito ay inaaral din sa Earthland. I guess the only difference is the existence of Vampires after all.

I heard Phoenix sighed

"Thank God at may isang class rin na makakasama ka namin" He said, ramdam ko ang pagiging panatag nya noong marinig ang room ko

"Sabay tayo mag dinner ha? We'll call you later" He added

"Sure"

"Take care and stay safe, Seah"

"I will, you too" I said and ended the call. Nakakapanibago dahil hindi ko na kasama ang kambal ngayon. For 2 months ay nagtago ako sa mundong ito dahil sa tulong nila ngunit ibang-iba na ang sitwasyon ngayon

Noong matapos ako sa pag-aayos ng gamit ay nakita ko na madilim na sa labas. Tiningnan ko ang relo ko. It's already 7pm, I was organizing my things for about 3 hours

I heard a slow knocking on my door

"Hey Aiseah, let's grab some dinner" alok sakin ni Althea mula sa kabilang side ng pinto

"Wait" I replied at kinuha ang spray sa vanity mirror and sprayed it all over me. Kinuha ko rin yung card na kasama ng red envelope kanina. It should cover up all our expenses in school, including food

Paglabas ko ng pinto ay nginitian ako ni Althea, at katulad kanina, May lollipop ito sa bibig. Kinawit nya ang braso nya sa braso ko at hinila na ko palabas

"The one thing that I like about this place is it's fooooood" excited na sabi nito sakin, I guess her personality changes kung pagkain ang pag-uusapan

Lumabas kami sa dorm, namangha ako sa paligid ko. Napakalawak ng daan at May mga tala ng ilaw din that illuminates the whole place, bukod doon ay sobrang daming alitaptap sa paligid

"It's beautiful" I unconsciously said

Nagpatuloy lang kaming dalawa ni Althea papuntang cafeteria. Pagpasok sa loob ay medyo kinabahan ako, dahil alam kong May mga bampira dito, humigpit ang hawak ko kay Althea at alam kong naramdaman din niya iyon

"Relax Aiseah, They can't do anything as long as they're here in the campus, besides...I got you" She said and winked at me. I smiled at her. I knew that she wasn't that bad

Pagkatapos naming umorder ng pagkain ay naghanap kami ng upuan. Pumwesto kami sa bandang gilid at nagsimula ng kumain

Habang kumakain ako ng pasta ay naramdaman ko ang pag-akbay sakin ng dalawang braso

"Knock it off you two, mabigat braso nyo" reklamo ko sa kanilang dalawa

"Aww, Seah is no Fun" sabi ni Phoenix at nagpout

"Whoa, we got another human here" Sabi ni Nexus habang nakatingin kay Althea

"A-A-A vampire? W-What the fuck?" Halatang gulat na sabi nito. Human's hanging out with Vampires are peculiar I guess

"Relax, they are not bad. They're actually a friend of mine" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Humans and Vampires? Talk about the impossible" hindi makapaniwalang sabi nito at umiling. Kinuha nito ang tinidor nya at tinutok sa kambal. Lumaki naman ang mata ko sa ginawa nya

"If you lay a finger on Aiseah, I swear" pagbabanta nya dito. Tumawa si Phoenix sa pananakot ng babae at ngumisi naman si Nexus

"Dont worry , hurting Seah is the last thing we'll do" Phoenix said

Naputol ang pag-uusap namin nang biglang bumukas ang pinto ng cafeteria. Natigilan din ako.

What is this intense pressure? This heavy aura. Tumahimik ang buong paligid, they probably felt the same thing. Kahit ang kambal na nasa tabi ko at tumahimik din, I can feel their muscles tense

Tumingin ako sa mga pumasok sa cafeteria. Dalawang lalaki at isang babae. Mahaba ang buhok ng babae at kulay violet iyon, ang lalaki naman na katabi niya ay matangkad, maputi at kulay pula ang buhok. Halatang May itsurang maipaglalaban

Dumako ang tingin ko sa lalaking nasa unahan nila. Blonde hair, white skin, tall. Kahit na malayo ay nakikita ko kung gaano katangos ang ilong niya at gaano kapula ang kaniyang mga labi. Laking gulat ko ng titigan din niya ako pabalik. Naramdaman ko na bahagyang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sobrang pagkagulat

He just stared at me and I can't handle the intensity of his eyes so I looked away

Holy fuck, why did I stared at him in the first place?






To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Code : VWhere stories live. Discover now