FAKE FAME

1 0 0
                                    

Girl, ang ganda mo
Pero may tanong ako
Ilang beauty app ang gamit mo?
Papasa naman oh.
Share it.

Daming followers oh?
Ilang famous icons ang kinaibigan mo?
Pakilala mo naman ako.
Pa-follow back.

Ayy, hindi mo na nga pala ako kilala
Oo nga pala famous ka na
Este pa-famous pala

Btw, ako nga pala yung dating kaibigan mo
Oo, kaibigan mo ko nung hindi pa madami ang followers mo
Hindi pa madami ang likers mo
Tanda ko pa nga nun, kami kami pa lang nagla-like ng dp mo
Yung mga dp mong picture ng artista
Tapos magcocomment kami ng "Wow, ang ganda."
Tapos may magcocomment din na mga arabo
Di ko nga maintindihan yung sinasabi kasi ang gulo

Pero iba na talaga
Dati, pang international ka
Ngayon pang inter-galactic ka na
Feeling mo naman super star ka
Feeling mo lang yun teh

Pero alam mo, kilala kasi kita
Mas mukha kang moon, alam mo ba?
Alam mo yung moon? Buwan yun tanga
Yung akala nilang bituin ka, yung totoo buwan ka
Nakakita ka na ba ng buwan?
Anong itsura? Maliwanag di ba?
Maputi, oo maputi
Try mo ngang izoom
Yung actual na picture ha
Bes, ang daming butas di ba?

Oy, beastmode na siya
Yung buwan ang tinutukoy ko ha
Ikaw na lang ang bahalang mag isip ng kahulugan ng sinabi ko kanina
Yung "akala nila bituin ka, yung totoo buwan ka"

Ano? naisip mo na?
Oo nga pala, mabagal nga palang mag process yang. . .
Ahmmmm. Ano bang itatawag ko?
Brain cells yun e
Hmmmm, Wala kanaman kasing brain kaya cells na lang

Anyways, bagay talaga sayo yung buwan e
Yung umaasa sa araw para lumiwanag
Oh di ba? Tamang tama
Ang layo mo na nga
Hindi ka na ma reach
May signal pa ba jan?
Aba siguro naman
Di ka naman mabubuhay kapag walang wifi
Pa connect naman oh
Free data lang kasi ako

Masaya ba jan?
Bakit sa gabi ka na lang lumalabas ?
Ah, Takot ka nga pala sa init dito sa Pinas
Masaya ba jan?
Puro stars ang kasama mo ah
Bigatin na talaga
Pero bes kahit anong gawin
Naiiba ka talaga
Kitang kita
Wala kang sariling liwanag tulad ng iba

Bumaba ka naman dito sa pinanggalingan mo
Ang dami na kasing nakatingala sayo
Di ka ba naaawa sa kanila
O baka takot ka
Takot kang magpakita
Takot kang makita nila na peke ka

Matanong ko lang ha?
Ano bang naitulong sayo ng pagiging sikat?
Siguro masaya ka kasi kilala ka ng lahat
Pero nakalimutan mo yatang minsan ka ng hindi naging sapat

Mga kaibigan mo noon
Nilimot mo na sa paglipas ng panahon
Mas priority mo na nga pala ang dami ng likes sa dp mo
at dami ng followers mo
Kesa sa dami ng mga true friends mo
Pero bes, concern pa rin ako
Pati kasi pagkatao mo nabababoy na sa ginagawa mo
Bes, hindi naman sa nakikialam ako
Baka pwedeng yung mga pictures mo ayusin mo
Oo madaming natutuwa
Madaming lalaking natutuwa sa mga pictures mong halos kita na ang hiwa
Pero bes, madami ding audience na bata

Oo bes, ikaw na panalo
Kami na ang talo
Alam naman naming malaki yang dyoga mo
Hindi naman sa naiinggit ako dahil wala ako niyan
Pero bes,
Na-mis interpret mo yata yung kasabihan
Na ang tunay na kagandahan ay sa loob matatagpuan
Bes naman, hindi yan yung loob na dapat mong ilabas
Nahiya ka pa, bat di mo na rin ilabas yung ugali mong ahas?

Wag kang magagalit ha
Nagtataka lang kasi ako
Di ba broken family kayo?
Yun pa nga yung dahilan mo kaya mo nagagawa ang mga bagay na to
Pero, pwede magtanong?
Nakita mo na ba totoong tatay mo?
Nakikita ko kasi, iba't iba kasama mo sa mga posts mo
Sino ba talaga sa kanila?
Ang dami mo kasing sugar daddy
Yung mga tumatawag sayo ng baby
Alam mo, nakakalito kasi
Di ba ikaw yung baby?
Bakit sayo dumedede?

Oooopsss, sorry
Masakit ba? Natatamaan ka ba?
Nasasaktan ba kita?
sanay ka namang magtiis ng sakit para sa pera di ba?
Sa perang naging puhunan mo kung bakit ka nanjan
Ganda ng phone mo, magkano hulugan?
Dami mong kotse, nasasakyan mo ba?
Dami mo ding bahay, nakakapasok ka ba?
Ang gaganda pa ng mga kuha mo, may photographer ka?
Ay model ka nga pala
Model ka nga pala ng sarili mong kalendaryo
Yung lahat ng copies nasayo, nakadikit sa dingding ng kwarto mo

Alam mo, sayang ka
Sayang ka talaga
Sayang yung pangarap mong maging doktor
Di ba nung bata ka gusto mong magturok?
Bakit ngayon ikaw na yung tinuturukan?

Hayyyy, tama na nga
Hindi na yata tama yung mga sinasabi ko
Pero mas hindi kasi tama yung ginagawa mo

Bes, hindi pa huli pwede ka bang magbago
Gusto mo tulungan kita?
Halika kapit ka?
Pumasok ka sa mundong mapanghusga
Iwan mo yung dati mong mundo
Ipakita mo yung totoong pagkatao mo
Ipakita mo kung ano lang yung kaya mo
Ipakita mo na kaya mong magbago
Ipakita mo ang totoong halaga mo
"Ipakita mo na GAWA KA SA TANSO AT HINDI SA GINTO"

-Meng
08-26-17

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now