PWEDE PA BA GAYONG HULI NA (Radio Drama Version)

0 0 0
                                    

INTRO:
"Sa dami na ng naisulat kong linya ng tula
Sa dami na ng papel na nasira
At Sa dami na ng tintang
nabalewala
Nagdalawang isip pa ako
Nagdalawang isip pa ako kung itutuloy ko pa ba ito
Madali lang kasi kung ilalahad ko lang yung kwento
Ang hindi ko lang makakaya ay yung unti unti kong nakikitang nagwawakas ito"

>dati<

Sandra:  xander xander play tayo
Xander: sige sandra
Sandra: ano lalaruin natin?
Xander: alam ko na, doktor doktoran tayo, ikaw daw yung doktor tapos ako yung patient, tapos gagamutin mo daw ako. Di ba you want to become a doctor
Sandra: yes yes. Yehey ang saya naman yan, sige laro na tayo.

>dati<

Sandra: naalala mo pa yun? Haha, dati maghapon tayong naglalaro lang samantalang ngayon maghapong nakikipaglaban sa mga lessons sa school.

Xander: ikaw kasi , masyado ka kasing masipag mag aral. I enjoy mo lang, sige ka baka tumanda kang dalaga. Sumama ka kina jane oh, hang out ka naman minsan.

Sandra: alam mo namang walang akong panahon sa mga ganyan. You know naman, Handouts before hangouts

Xander: di naman masama yung paminsan minsan

Sandra: eh basta.

Xander: oo nga pala, magpapaparty ako sa birthday ko, malapit na yun. Di ka pupunta? Sige. Okay lang, okay lang naman. Okay lang naman talaga kahit wala ka dun. Di naman ako magtatampo. Sasabihin ko na lang kay mama na busy ka. Hahanapin ka pa naman nun.

Sandra: galing mo no? Galing mangonsensiya. Syempre pupunta ako no? Matitiis ko ba naman ang bestfriend ko?

>bestfriend

Kim: bro! Ganda nun oh! Pakilala mo naman kami
Xander: wag yun pre, magiging akin na yun

Jane: Sandra, napapansin mo ba kanina pa sila nakatingin sayo
Sandra: oo nga e.
Xander: Sandra, usap tayo.
Jane: Hi xander
Xander: Hi jane, enjoy ka ha. Kakausapin ko lang si sandra

Sandra: seryoso mo naman, ano ba yun? At saka bakit kanina pa kong pinagtitinginan ng mga tao ha?
Xander: Sandra mahal kita
Sandra: Hay nako, lasing ka na. dami mo ng nainom, wait , tatawagin ko lang si tita, sabihin ko patulugin ka na
Xander: Sandra, maniwala ka naman, please. Mahal na kita. At sa ayaw o gusto mo, liligawan kita. Maghihintay ako, kakayanin ko. Please, pakinggan mo naman ako.
Sandra: Xander, uuwi na ko. Hinahanap na ko nina mama.
Xander: Kahit ngayon lang, maging seryoso ka naman.
Sandra: Alam mo namang wala akong panahon sa mga ganyan. Masasaktan ka lang, hindi kita masusuklian kaya please.
Xander: Kaya kong maghintay sayo kahit pa masaktan ako.

>right here waiting<

Jane: Bes, may nagpadala ng bulaklak. Para daw sayo
Sandra: kanino daw galing?
Jane: ayan oh, basahin mo. Love, XANDER. Yieeeeee, lumelevel up na ha, from bestfriends to lovers
Sandra: hindi ah, trip niya lang to. Alam mo namang study first ako no?

"
Pasensiya ka na kung kelangan kong unahin ang pag aaral para sa pangarap
Oo, pangarap din kita pero pasensiya
Pasensiya dahil hindi ko nagawa ang ipaglaban ka"
Pero salamat, salamat sa pagtitiyaga mo sa ugali ko
Salamat sa paghatid at pagsundo araw araw kahit na minsan naiinis ako sayo
Salamat sa mga bulaklak at mga sulat
Salamat sa pagmamahal mo ng tapat
Kahit na araw araw mong naramdaman na hindi ka pa rin sapat"

Xander: eto nga pala binili ko para sayo, di ba favorite mo to? Chocolates oh? Alam kong meron ka kaya ka moody. Pero alam mo, ang cute mo pa rin kahit nakasimangot ka.

"Halos apat na taon kang nagtiis
Naghintay, at lubos na nagmahal
Pero apat na taon ka ring hindi nasuklian
Dahil apat na taon
Apat na taon ko ring pinigilan ang totoo kong nararamdaman
Itinago ko para sa pangarap
Sa pangarap na binuo ko mag isa
Sa pangarap na gusto para sa akin nina mama"

Kim: huy! Kanina ka pang nakatulala jan sa phone mo
Sandra: ah, wala, hindi, ah iniisip ko lang yung tungkol dun sa thesis
Kim: ah kala ko hinihintay magtext si . ..
Sandra: si xander? Hindi ah. Pero nabanggit mo na rin, asan ba siya.
Kim: ayun, busy din sa thesis.
Ahmmm, matanong ko lang ha. Di ka ba naawa dun? Halos apat na taong nanliligaw sayo di mo pa rin sinasagot? Kung ako yun, di kita pagtitiisan.
Sandra: iba kase siya. Marunong siya maghintay, ilang buwan na lang din naman gagraduate na tayo
Kim: ayan na pala siya. Sige mauna na ko
Xander: sandra, sorry. Di kita maihahatid ha. Dami kasing gawain.
Sandra: okay lang, naintindihan ko
Xander: sige

"Mahal malapit na
Ilang buwan na lang makakatapos na tayong dalawa
Ilang buwan na lang malalaman mo na
Ilang buwan na lang magiging tayo na
Ilang lang buwan na lang
Ilang buwan na lang pero ramdam kong pagod ka na"
Sige mahal, pahinga ka muna
Para kapag bumalik ka na, bumalik na din yung dating sigla
Pahinga ka muna
Ipahinga mo yung apat na taon na nasaktan kita
Pahinga ka muna tapos balikan mo ako ha
Di ba sabi mo
Na kapag napagod, magpapahinga lang pero hindi susuko"

Sandra: Roxette, nakita mo ba ang pinsan mo? Asan si xander?
Roxette: Ah, nasa ospital kasi yung lola namin, siya yung nagbabantay. Pero susunod na yun.
Sandra: sige salamat.

"Handa na ako
Handa na akong tanggapin ang diploma
Handa na rin akong magtapat sayo sinta
At ayun nakita na kita
Kumakaway ka, nakita ko kung gaano ka kasaya
Papalapit sayo, tila humihinto ang mundo ko
bakit ganun?
May kaba
Pakiramdam ko iba
May hindi tama"

Sandra: Xander!
Xander: Sandra, Congrats!
Sandra: Congrats
Xander: sa wakas, tapos na tayo
Sandra: ( nalungkot ) ah, oo nga no. Sa wakas nakatapos ka na at nakatapos ako, walang tayo uy.
Xander: Sayang nga yung tayo no?
Sandra: Pero. . .
Xander: pero masaya na rin ako. Btw, San ka magcecelebrate? Wag mong sabihing handout before hangout na naman ha?
Sandra: hindi no! mez? Ano sama ka? Tara? May sasabihin din sana ako sayo.
Xander: ah, may pupuntahan pa kasi ako.
Sandra: sa ospital? Babantayan mo lola mo? Bakit di mo sinasabi saken? Kay roxette ko pa nalaman. Tara puntahan natin, sama ako.
Xander: sorry, di ko na nasabi sa sobrang busy. Nakalabas na lola ko. 
Sandra: san ka pupunta? May date?
Xander: ah, Oo , oo may date ako. Naalala mo pa si jane?
Sandra: si jane? Yung naging barkada natin nung first year? Kaya pala todo ngiti mo jan ha?
Xander: oo, siya nga. Pero ikaw pa rin ang bestfriend ko. Ang doctor ko.
Sandra: sige, nandito lang ang doctor kapag kelangan ng pasyente niya.

"Mahal! Wag ka namang ganyan oh
Wag mo namang sayangin yung apat na taong paghihintay mo
Eto na nga oh
Sasagot na ako
Maririnig mo na ang matamis kong OO
Ngayon ka pa ba susuko?
Ngayon ka pa susuko kung kelan kaya ko ng lumaban"

>all i ask<

Sandra: oh tita napadalaw po kayo
Tita: nak, alam ko, ramdam ko na mahal mo din ang anak ko. Kaya please, sabihin mo na kung ano mang nararamdaman mo, gusto ko lang sanang maging masaya ang anak ko kahit sa huling sandali?
Sandra: Huling sandali? A-ano pong ibig sabihin niyo?
Tita: May sakit si Xander. Stage 4 cancer. Hindi totoo yung sa kanila ni jane. Ayaw niya kasing malaman mo to kasi ayaw ka niyang mahirapan kapag nawala siya. Pero hindi ko kayang itago to. Kaya please, kahit sa huling sandali malaman lang niya na mahal mo rin siya.

"
Sandra: Xander, ano ba? Umayos ka nga. Bumangon ka jan. Bakit di mo agad sinabi saken. Di ba ako ang doctor mo, dapat ako yung nag alaga sayo. Sinaktan mo pa ako, oo sinaktan mo ko. Bakit mo pa sinabing masaya ka kay jane? Kung nasabi ko lang sana sayo yung nararamdaman ko, sana naging masaya tayo nung mga araw na malakas ka pa. Xander, wag mo naman akong iwan oh. Lumaban ka kahit imposible.

"
Mahal pwede pa ba?
Pwede pa bang ulitin yung panahong hindi ka pa napapagod
Pwede ba bang ulitin?
promise di na ako magdadalawang isip na aminin
Mahal pwede pa ba?
Pwede pa bang bumalik ka saken
Ligawan mo ulet ako hinding hindi kita ba-busted-in
Mahal pwede pa ba?
Pwede pa bang mas piliin kita kesa sa mga pangarap ko
Pwede pa ba kitang makasamang bumuo ng bago?
Mahal pwede pa ba?
Pwede pa bang ipaglaban kita kahit alam kong masaya ka na
Kahit pakiramdam kong nasa tama ka na
Mahal pwede pa ba?
PWEDE PA BA GAYONG HULI NA?"

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now