Mahal, nakakamiss no?
Nakakamiss yung mga panahong tayo pa
Yung mga panahong ako pa ang dahilan ng mga ngiti sa labi mo
Ako pa ang dahilan ng sayang naramdaman moYung dinaig ko pa si Pia Wurtzback sa ganda ko
Yung sabi mo, ako lang ang Miss universe ng buhay mo
Na ako ang pinakamaganda sa mundo para sayoNaalala ko pa nga nung nagkukulitan tayo
Nakaupo tayo sa ilalim ng puno
Tapos Gagawa ka ng koronang dahon at ipapatong sa ulo ko
At sasabihing "Ang ganda talaga ng prinsesa ko"Nakakamiss no?
Nkakatuwang alalahanin
Nakakatawang isipin
Nakakatawang isipin na ganun pala ako katanga noon
Ganun pala ako katanga na iniyakan pa kita nung mga panahong iniwan mo akong nag iisaSayang
Sayang yung mga luha
Nakalimutan ko kasi noon na isa nga pala akong prinsesaPero mas nakakatawa nung nakita kong may iba ka na
Mahal naman, nagjokoke ka ba?
Akala ko naman iniwan mo ko para sa isang reyna
Pero tangina, yung bago mo mukhang luma
Akala ko reyna yun pala alila
Balak ko pa namang ilipat yung korona
Kasi alam kong masaya ka na sa kanya
Pero, nung nakita ko yung mukha niya
Gusto ko sanang sapatos ko na lang ang ipasa sa kanya
Mukha kasi siyang paaButi na nga lang dumating ka
Wow, ganda ng ngiti mo ah
At may paghalik ka pa sa kanya
Mahal anong lasa?
Buti hindi ka nasusukaAy sorry, nakakasakit na ba ako?
Nasasaktan ko ba siya?
Sorry ha
Pero feeling ko kasi manhid na siya
Mukha kasi siyang kalyo, makapal na matigas paOh baka umiyak na siya ha
Kawawa naman ang mukha niya
Wala na ngang ganda
Magmumukha pang empaktaMahal, maikwento ko lang ha
Akala ko kasi masasaktan ako
Akala ko masasaktan ako kasi may pumalit na sa pwesto ko
Pero hindi e, hindi ko kaya. Natatawa akoMahal, nagagawa niya rin ba yung ginagawa ko sayo?
Yung mga jokes kong tinatawanan mo
Siguro napapatawa ka rin niya?
Kahit nga wala siyang gawin nakakatawa na
Kaya siguro palagi kang masaya
Kasi tumingin ka lang sa mukha niya matatawa ka na talagaKaya siguro iniwan mo ko at nagsawa ka
Sawa ka na sa dyosa kaya naghanap ka ng diwata
Kaso naligaw ka sa paghahanap mo
Kaya ayun nakahanap ka ng engkantoPero pasensya na ha, aaminin ko na
Noon kasing iniwan mo ko hiniling ko na makarma ka
Ang hiling ko lang, karma
Pero di ko akalaing mabubulag ka palaGusto mo samahan kita
Tara, magpatingin ka sa mata
Ang dami mo na kasing hindi nakikita
Di mo na kita ang sinayang mo, hoy mas gumanda pa ako
Di mo na kita ang pinalit mo, ayan mukhang nanuno
At lalong di mo na rin kita ang sarili mo, kala mo naman kung sino kang gwapo?
Gago, siraulo. Tangina mo.Pero kahit anong gawin
Hinding hindi na kita aagawin
Kahit anong gawin
Hinding hindi ka na mapapasakinAt kahit anong gawin
Tanggapin na natin
Na "NAGMAHAL KA NA NAMAN NG MAS PANGET SA AKIN-Meng
08-25-17Request lang po ni Love Veronica😂✌🏻
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryTagalog spoken poetry. Madrama to hahaha. But some are not about love. Some haven't been spoken. At yung iba, ni request at pinagawa lang haha