"Hi, ako nga pala yung sinayang mo"
Ay mali. Mali.
"Hi, ako nga pala yung. . .yung. . ."
Hindi, wag na lang nating ituloy.
Tinapos mo na nga di ba?
Tinapos mo na habang ako lumalaban paPara san pang magpakilala ako sayo at ipaalala sayo na naging masaya tayo
E wala ka namang pakialam di ba?
Di ba?
Wala ka ng pakialam sa kung anong nararamdaman ko
Wala ka ng pakialam, dahil hindi mo ramdam
Hindi mo ramdam kung gaano kasakit ang dinulot mo
Hindi mo ramdam dahil ikaw ang gumawa nitoNi wala ngang pagsisisi na namutawi sa bibig mo
Sa bibig mong walang ibang alam kundi ang magpakilig gamit ang mabulaklak mong mga salita
Mga salitang kahit kaila'y hindi mo napatunayan sa gawaKaya nga ako'y iyong napahanga
Ako'y iyong napahanga
Ako'y naging alila
Naging alila ako, at napasunod sa mga kagustuhan mo
Nabulag ako
Nabulag ako at hindi nakita ang mga maling ginagawa mo
Nabingi ako
Nabingi ako sa katotohanang ipinagkait mo
Napilay ako
Hindi ako makalakad sa sarili kong mga paa dahil nakadepende ako sayo
Napipi ako
Wala akong masabi sa galing mo sa panloloko
At nahulog ako
Nahulog ako sa bingit ng kasinungalingan moMahirap, masakit
Ginawa ko ng lahat pero nanatili lahat ng pait
Pait at pagdurusa dulot ng iyong pagkawala
Pagkawala mong nagbunga ng lubos kong pangungulila
Nangulila ako sayo
Nangulila ako sa boses mong gustong marinig ng mga tenga ko
Nangulila ako sa amoy mong hinahanap ng ilong ko
Nangulila ako sa mga labi mong minsan ng dumampi sa mga labi ko
Nangulila ako
Nangulila ako sa mga yakap mo
Nangulila ako sa mga ala alang naiwan sa isipan ko
Nangulila ako sa pagmamahal mong nagmarka sa puso ko
At ang pinakamasakit sa lahat
Nangungulila ako sayo habang ginagawa mo ang mga bagay na ito kasama ang bagong nagpapasaya sayo
Kasama ang taong bumuo sayo
Kasama ang taong mahal moAng sakit
Ang sakit na hindi na ako
Hindi ako yung nag aalis ng init ng ulo mo
Hindi na ako yung lumalambing sayo
At hindi na ako ang kapiling moPero okay lang
OKAY LANG AKO
Okay lang ako kasi wala naman akong magagawa
Dahil ikaw na yung kusang kumawalaOkay lang ako kasi alam kong ito ang dapat
Ang sumuko na lang kesa gawin ang lahat at hindi pa rin mahalin ng tapatOkay lang ako kasi alam kong mas mabuti na ang ganito
Mas mabuti na ang mag isa kesa kasama kita pero nasa isip mo'y ibaOkay lang ako kasi alam kong masaya ka na
Masaya na rin ako dahil nakahanap ka ng katulad niyaOkay lang ako kasi alam kong hindi ka na babalik
Kesa naman umasa akong may pag asa pa tayo gayong ako na lang ang nag iisip nitoOkay lang ako kasi alam kong hindi na ako sumasagi sa isip mo
Kahit na parati ka pa ring sinisigaw ng damdamin koOkay lang ako kasi alam kong may pumalit na sa pwesto ko
Pumalit upang punan lahat ng pagkukulang koOkay lang ako kasi alam kong wala ka ng paki alam sa akin
Sa ganun, kampante na siyang hindi ko kayo kayang sirainHindi ko naman talaga balak na wasakin kung anong meron kayo
Dahil alam ko
Alam ko kung gaano kapait
Alam ko kung gaano kasakit
Kung gaano kasakit na mawala ang lahat na parang bula
Mawala ang lahat ng alaala ko sayo
Mawala ang lahat ng ito dahil sa bago mong mundo(Music)
Ang dami kong nasabi pero ito lang ang nai-type ko
"Kamusta ka na?"At agad kang sumagot ng
"Masaya naman ako, buti na lang nakilala ko siya. Ikaw kamusta ka?""Okay lang ako, buhay pa naman kahit mag isa. Buti na lang di ko sinabing mamamatay ako kapag nawala ka."
Meng
08-25-17
![](https://img.wattpad.com/cover/185291162-288-k840491.jpg)
CZYTASZ
Spoken Poetry
PoezjaTagalog spoken poetry. Madrama to hahaha. But some are not about love. Some haven't been spoken. At yung iba, ni request at pinagawa lang haha