Dating tayo, ngayon ay ikaw at ako

2 0 0
                                    

Saan ba ako magsisimula? Paano ko ba sisimulan kung sa t'wing pagdilat ng mata ko ikaw yung palaging nakikita ko, kapag tahimik ang paligid ko, boses mo ang palaging naririnig ko.
Boses mong gumagawa ng ingay sa isip ko.
Ibinabalik ang mga ala ala
Mga ala ala ng sandaling ikay nakasama.
Sapat na ba? Sapat na bang panimula ito?
Panimulang masaya ka na kasama ako.
Panimulang nagdugtong ng salitang ikaw at ako.
Ikaw at ako. TAYO.
Tayo, na bumuo sa salitang pag ibig
Pag ibig na muling nagbigay kaligayahan sa ating pusong minsan ng nasaktan.
Nasaktan sa mga pangakong minsa'y binitawan hanggang sa puso nati'y tuluyan ng maiwan.
At doon nga ika'y nakilala, naniwala akong iba ka sa kanya
Masaya tayo noon, naghihintay ng tamang panahon na ang kwento nati'y maipagsigawan, malaman ng buong mundo na mahal natin ang isa't isa
Isa't isa na kinalauna'y naging isa at isa
Tayo na nagtapos sa ikaw at ako
Dating pinag isa ng pag ibig, ngayo'y may pagitan na.
Sa pagitan ng ikaw at ako ay ang 'at' na nangangahulugang may iba pa.
May iba na sa puso mong inakala kong akin pa.
Ngunit nagkamali ako.
Nagkamali ako sa pag aakalang iba ka sa kanila
Iba ka dahil ikaw ay ikaw
Iba ka dahil pinaramdam mo na may halaga ako
Ipinakita mo ang halaga ko sa'yo
Halagang hindi mapapantayan ng kahit ano
Mala gintong kumikinang, at dahil dito'y nasilaw ako
Nasilaw ako sa pagmamahal mong akala ko'y totoo
Nasilaw ako sa mga pangako mong dinala na ng bagyo
Nagawa ko pang iwan ang taong nagmahal saken ng totoo para lamang sa'yo
Nagpakatanga ako para sa'yo ngunit nalaman kong kasinungalingan lamang ang lahat ng ito

Pinaniwala mo ako sa mga salitang 'mahal kita'
Di mo naman sinabing nagbibiro ka pala.
Gusto ko na lang tumawa. Hahaha.
Ngunit ako ba'y talagang masaya?

'Di ka ba naaawa sa sarili mo?' ani sa sarili ko
Oo. Baliw na nga siguro ako
Pero ano bang kasalanan ko, nagmahal lang naman ako
Ako'y isang simpleng babaeng nagmahal ng malma ngunit kailanma'y di nasuklian ng tama

Oo. Awang awa na ako.
Sa sarili kong napababayaan ko na
Sa mata kong lumiliit na dahil sa walang tigil na pagluha
Sa isip kong naguguluhan sa mga tanong na iyong iniwan
At lalong higit sa aking pusong nasaktan dahil sa iyong paglisan


Meng
02/01/17

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon