Chapter 7

0 0 0
                                    

/Kira/

" Maligayang pagdating sa Onaji Sekai. " Pag welcome samin ni Shiro.

Nakarating na kami dito sa lupang natatanaw namin kanina at ito na nga ang Onaji Sekai.

Kitang kita ko na busy ang mga narito. Kung titingnan ay para lang silang simpleng mga tao.

Nagtatrabaho para may makain.

Ang mga gawain dito at ang itsura ng paligid ay wala ring pinagkaiba sa pinanggalingan naming mundo. Parang nasa makalumang panahon nga lang.

Hindi sila gumagamit ng mga plastic, o kaya naman ay paper bags. Gumagamit sila ng mga bayong o baskets na gawa sa kawayan o mga tuyong dahon ng buri o pandan. Ang mga damit naman nila ay hindi katulad ng mga damit na branded at imported na galing sa ibang bansa, katulad ng mga sinusuot sa mundo ng mga tao. Ang mga damit nila ay simple lang, at ang ilan pa ay mahahalatang sariling gawa lamang nila. Nakakamangha pa nga dahil napakaganda ng pagkakagawa ng mga ito.

" Sila ang mga mamamayan ng Onaji Sekai. " Ani ni Shiro.

Nginitian ko naman ang mga Roshiguming tumitingin sa amin. Kumakaway naman sa direksyon namin ang ilang mga bata.

Nagbigay daan naman sila samin para makadaan. Nasa unahan si Shiro at siya ang naglelead sa grupo.

" Uhmmm.. Ba't sila yumuyuko?. " Tanong ko kay Shiro ng magsimula na kaming maglakad.

" Pagpapakita nila yan ng galang para sa mga bagong dating galing sa ibang mundo, lalo na ang mga may misyon at koneksyon sa the land of the dead and the living. "

" Ahhhh... Okay. " Pero bakit parang may iba pang rason?.

Hinayaan ko na lang ang tanong na bumabagabag sakin at sinundan na lang si Shiro sa paglalakad.

Tumigil ulit kami sa paglalakad ng makarating kami sa harap ng isang kalsada na hindi ko alam kung saan papunta. Mayroon ding karwahe na nakatigil sa harap namin.

" Maligayang pagbabalik Master Shiro. " Bati sa kanya ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang taong magpapatakbo ng karwahe. Tinanguan lang naman siya ni Shiro at pinagbuksan niya naman ito ng pinto.

Pumasok na si Shiro sa loob ng karwahe at sumunod naman kaming apat sa kanya.

" Ba't ka tinawag na Master ng mamang yun?. " Tukoy ni Sue sa lalaking bumati kanina kay Shiro na ngayon ay pinaandar na ang karwahe.

Nagkibit balikat lang naman si Shiro at tumingin na sa labas ng bintana ng karwahe.

Nagtataka man ay hinayaan ko na lang ulit yon. Tumingin na lang din ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga puno na nadadaanan namin.

Tahimik lang ang buong biyahe namin, hanggang sa nawala na ang mga punong nadadaanan namin kanina. Bumungad naman samin ngayon ang mga patag na lupa.

Sa may bandang kaliwa naman ay may mahabang ilog na pinaganda naman ng araw. May malaking bridge na gawa sa bato sa bandang gilid nito.

May mga bahay at tao ulit na makikita malapit sa bridge. Isa nanamang bayan ang bumungad samin.

Sa kabilang banda naman ng bridge ay mayroong napakagandang palasyo. Hindi ito napapalibutan ng matataas na pader katulad ng mga napapanood ko sa TV o ng ibang kastilyo, bagkus ay mayroon lang itong malaking pinto sa gitna ng palasyo. Mayroon din itong dalawang malalaking tore sa magkabilang side nito at sa bawat bubong nito ay may nakatayong transparent na watawat na hugis tatsulok. Ni hindi mo nga mapapansin na may watawat don kung hindi mo titignan ng maayos. Sa gitnang pang-itaas na bahagi naman ng kastilyo ay may malaking bandera. May kalasag na nakaguhit rito at may dalawang espada na naka ekis dito, may krus din sa bandang gitna ng kalasag at may korona rin sa tuktok nito. Sa ibaba naman nito ay may nakasulat na hindi ko pa mabasa dahil medyo malayo pa kami.

UnravelWhere stories live. Discover now