Chapter 2

0 0 0
                                    

/Kira/

Masaya kong pinapanood ngayon sina Sue at Gayle na nagtatampisaw sa may dalampasigan. Pagkatapos kasi ng nangyari kahapon ay napag isipan naman naming pumunta ngayon sa may dagat. Nakakapagod rin kasi kahapon dahil puro habulan at bawian ang ginawa namin kahit na mga teen agers na kami. Si Sam at Sue ay 17 years old samantalang kami naman ni Gayle ay 16.

Nakaupo lang ako sa may lilim nang maramdaman kong may umupo sa kanang bahagi ng kinaroroonan ko. Nakita ko naman si Sam na may hawak na buko juice at mga ilang pagkain pagkalingon ko. Inalok niya ako ng buko juice at tinanggap ko naman yun. Nilapag niya naman yung iba niya pang dala sa tela na nilatag namin sa buhangin.

" Ba't di ka makisali sa kanila?. " Tanong niya sakin nang makaayos na siya sa pagkakaupo. Ang tinutukoy niya ay sila Gayle.

" Mamaya na lang, ayoko pang magpakabasa. "

Tumango lang siya at naging tahimik kami ng ilang minuto.

" Nga pala, ilang buwan kayo rito sa probinsya?. " Basag niya sa saglit na katahimikan.

" Mga dalawang buwan, bakit?. " Umiling lang naman siya at tumingin lang ulit kila Sue, or more like nakatitig siya kay Gayle.

" Ang ganda ni Gayle no. " Pasimple kong pang aasar sa kanya.

" Huh?. " Takang tanong niya sakin.  "Hindi kaya, mukha nga siyang amazona eh. Baka nga walang lalaki ang magkakamaling ligawan siya. "

" Tss, in denial pa. Halata naman. " Pabulong ko sabi.

" Ano yun?. May sinasabi ka?. "

" Ang sabi ko, mas lalong walang papatol sayo. Bulag lang siguro ang magkakamaling pumatol sayo dahil mukha kang tsonggo!. "

"Ah.. Ganon ha. " Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinapon niya sakin yung buko juice na iniinom niya kanina at tumakbo siya ng mabilis sa may dalampasigan kung nasaan sila Sue at Gayle.

Sinundan ko naman siya dun at nang maabutan ko siya ay agad ko siyang tinulak dahilan para mapa subsob siya sa may tubig. Face first ang pagkakatumba niya at ang malala pa ay dumeretso pa ang mukha niya sa may buhangin. Masyado pa kasing mababaw ang tubig dito kaya ganon ang naging resulta.

Agad naman siyang bumangon sa pagkaka tumba at kitang kita sa mukha niya ang ebidensya na nasubsob nga siya sa buhangin,dahil may mga buhangin pa ang mukha niya at mamula mula pa.

Masyado na ba akong harsh sa pinsan ko?. ^-^*Nakakaawa tuloy siya.

Tumakbo na agad ako paalis sa dalampasigan para makatakas sa kanya. Kaso wrong move ata, kasi napatid ako dahil sa isang bato kaya naabutan niya ako agad. Hinila niya yung paa ko at kinaladkad pabalik sa may tubig. Literal na kinaladkad niya ako hanggang sa makarating kami sa tubig. Sinubukan ko pang magmakaawa pero binalewala niya lang yun.

Binabawi ko na pala yung sinabi ko sa kanya kanina. Hindi ako naaawa sa kanya. Demonyo pala siya.

" Huhu, tulungan niyo ako. " Paghingi ko ng tulong sa dalawang babae na kasama namin. Kaso tinitignan lang nila ako. Bumabawi ata sila sakin dahil kahapon eh.

Nararamdaman ko namang lumalalim na yung tubig kaya kinabahan na ako dahil hawak pa rin ni Sam yung isa kong paa at patuloy lang siya sa pagkaladkad sakin.

" Uy!. Tama na!. Lumalalim na yung tubig oh!. Bitaw na!. " Pagmamakaawa ko kay Sam.  Nakahinga naman ako ng maluwag nang tumigil siya. Pero mas kinabahan naman ako nung humarap na siya sakin.

Seryosong seryoso yung mukha niya na nakatingin sakin. Nakakatakot na. Ngayon ko lang ulit nakita na ganyan ang expression niya. Nakakatakot kasi kapag talagang napikon at nagalit na si Sam.

UnravelWhere stories live. Discover now