Chapter 3

0 0 0
                                    

/Kira/

***

Binuksan yun ni Lola at may nakita kaming hagdan pababa.

" Halina kayo at bumaba. " Paanyaya niya. Kahit na naguguluhan pa kami ay sinunod din namin ang utos niya.

Una akong bumaba at agad akong nakaramdam ng pangingilabot ng makababa kami. Madilim kasi rito at alam kong ganon din ang naramdaman nila Sue, Gayle at Sam ng makababa sila.

Hindi muna ako humakbang dahil hindi ko alam kung ano ang nasa harap namin at kung ano ang kinalalagyan namin.

Nagulat pa ako nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil si Lola lang pala.

" Yamabushi Mel. " Pagkasabi nun ni Lola ay bumukas ang mga ilaw. Pagkatapos ay may tumambad samin na hallway. Naglakad naman papunta si Lola don at sinundan naman namin siya.

Pagkatapos ay huminto kami sa harap ng isang pinto. Binuksan yun ni Lola at pagpasok namin ay bumungad ang isang maganda pero simpleng silid. Naiilawan ito ng mga lampara. May book shelves na may iba't ibang klase ng lumang libro. May nag-iisang lamesa at dalawang kahoy na upuan sa may kaliwa at meron ding nag-iisang couch sa kanan kung saan ay nakaupo naman si Lolo Buds.

"Lolo, ano po bang nangyayari at nasaan po tayo?." Tanong ni Sam nang makalapit kami sa kanya.

" Alam kong itatanong mo yan apo,nasa basement tayo ng ating bahay, pero wala na tayong oras kaya hindi ko na masasagot ang isa mo pang tanong at kailangan niyo ng magmadali. " Sagot ni Lolo at tumayo naman siya. Huh?. May basement pala ang bahay nila Lolo. Ngayon ko lang to nalaman. Lumapit siya sa bookshelf at may hinawakang isang libro. Hinila niya yun at pagkatapos ay gumalaw ng kusa yung book shelf.

Napanganga kami dahil sa likod ng book shelf ay may isa pang silid na naiilawan ng blue flames. Pinapasok niya kami at nakita namin ang iba't ibang uri ng mga armas.

Kumuha si Lolo ng ilang armas dun at isa isang binigay samin.

Una niyang ibinigay ang isang axe na kakaiba kay Sam, sunod naman ay bow and arrows kay Sue, at sa akin naman ay isang kakaibang broad sword. Napatingin kami sa isa't isa, dahil lahat ng armas na binigay samin ni Lolo ay may blue linings, ganon rin ang dalawang Sai na binigay ni Lolo Von kay Gayle.

" Ang mga armas na yan ay ang magiging kasangga niyo sa inyong paglalakbay. " Tugon ni Lola.

"Paglalakbay?. Bakit po?. Saan po kami pupunta?. " Sunod sunod kong tanong.

" Pag alis niyo sa lugar na 'to ay maiintindihan niyo ang lahat. " Sagot naman ni Lolo na mas lalong nagpagulo sa isip namin.

" Ihahatid namin kayo sa lagusan palabas dito. May ibibigay kaming mapa sa inyo at sundan niyo na lang yun. May mga nakahanda na ring mga ilang supply ng pagkain para sa inyo at lahat ng kailangan niyo ay nasa loob ng mga bag na yon. " Sabay turo ni Lola sa mga bag na nakalagay sa lamesa sa isang parte ng silid.

Magtatanong pa sana ako pero nagulat kami ng makarinig kami ng malakas na pag balibag mula sa taas. May mga nalalaglag na ring maliliit na bato dito samin dahil lumindol pa siya. Oo nga pala, nakalimutan ko ang tungkol sa halimaw sa itaas dahil sa pangyayari dito sa baba.

" Bilisan niyo na!. Kunin niyo na ang mga gamit niyo!. " Sabi ni Lolo at agad naman naming sinunod ang utos niya.  Natataranta man ay nagawa parin naming iaayos at kunin ang mga gamit na ipinamigay nila Lolo't Lola. Pagkatapos ay ginuide nila kami paalis sa lugar na yon.

Nararamdaman na namin ang tuloy tuloy na paglindol at pagbagsak ng mga maliliit na bato dahil na rin siguro sa pagwawala ng mga halimaw sa itaas habang tumatakbo kami paalis.

UnravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon