ENTRY TWENTY-FIVE

49 4 1
                                    

"Sagutin mo ako Shy! Ano'ng ginagawa ni Nelson sa bahay niyo??!!!"

Aish. Kanina pa ang isang 'to sa garden ah? Hindi talaga niya ako tatantanan???

"Psh. Wala nga sabi!"

"Ano'ng wala? Pupunta ba siya dun sa inyo kung wala siyang motibo? Tsaka bakit mo siya pinapasok?"

"PWEDE BA?! Hindi ko siya pinapasok, okay? Si tita ang nagpapasok sa kanya!"

"Kita mo na? Kahit tita mo, kilala siya! Tsaka pano niya alam ang bahay niyo? Siguro nagkikita kayo ng patago no?"

=___________________________=

Pano hindi magiging magiliw si Tita sa kanya eh nagpakilala siyang boyfriend ko?!

Naman!

"Ewan ko sa'yo! Ang dumi mo kasing mag-isip!"

"Shy, nagtatanong lang ako. kilala ko ang pinsan ko! Baka lang...may ginawa siyang masama sa'yo."

O____o?

"Tss. Wala okay? WALA! Wala siyang ginawa! Nakipagkaibigan lang siya sa akin."

"KAIBIGAN? Wag na wag kang makipagkaibigan sa kanya kung ayaw mong mabuntis!"

=____________________=

"Nakakasuka kang mag-isip,alam mo yun? tss. Diyan ka na nga!"

"Saan ka pupunta?"

"Sa classroom syempre!"

"Hindi yan ang daan! Papunta yan ng covert court!"

O__O

=__=

Whatever.

"May kukunin pa ako sa CC."

"Palusot ka pa. samahan na nga lang kita. Pasalamat ka mahal kita."

Here he goes again. Bakit ba sabi siya ng sabi na mahal niya ako? Eh simula pa lang, alam naman namin na laro lang 'to? Naku talaga!

"Wag mo nga akong pinaglololoko!"

"Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Tss." Hindi ka naman kasi kapanipaniwala!

"Anung 'tss'? psh. Nga pala. Sa Sunday, may lakad tayo."

"At saan na naman?"

"Basta."

"Grabe ka! Hindi pa tayo nagwa-one month, ang dami-dami na nating lakad! Pwede next month naman?"

"Hello? December 1 na kaya sa Sunday!"

"H-Huh? Weh?"

"Tumingin ka nga rin sa kalendaryo minsan!"

"Whatever!"

Nakakainis talaga ang isang 'to! Naku!

Teka...

Inhale... exhale...

Hindi dapat ako magpaapekto. Way niya 'to para inisin ako. dapat akong lumaban.

"Uhh, Cloud?"

"Hmm?"

Aba? Ang bait ah?

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Where stories live. Discover now