ENTRY THIRTHY-TWO (Walking Away)

48 0 0
                                    

[Shy’s POV]

NAKAKAINIS! ARRGGHHH!

Sobra na talaga ang Cloud na ‘yon! Gusto niya talagang ako na lang ang bumugbog sa kanya ‘no?

Argh!

Naabutan ko si Max na nakaupo sa gutter.

“Tom, ang bilig niyo naman atang nag-usap?”

Hindi ko siya pinansin.

“Teka Tom, ano’ng nangyari?” Nag-aalalang tanong niya at nilapitan ako.

“Psh. Ba’t di mo tanungin ang walanghiyang Cloud na ‘yon? Arrgh! Nakakainis! Bahala nga siya sa buhay niya! Bahala siya!”

“Oh, kumalma ka. Tatanda kang dalaga. Sige ka.”

“Tom naman eh! Kita mong naiinis na ako, mang-aalaska ka pa!”

Itinaas niya ang dalawang kamay niya na animo sumusuko.

“Sorry. tara na nga. Baka magtransform ka pa into a vampire pag hindi pa tayo umuwi.”

Tumigil din siya ng sinamaan ko siya ng tingin. Pag ganitong mainit ang ulo ko, walang makakalampas sa akin kahit bestfriend ko pa. Kaya humanda ka Cloud! Baka akala mo!

Babalik na ang amasonang si Shy Grace Abellar!

Grrrrrrr!

*********************************************

Fourth Grading Examination na namin. At sa mga linggong nagdaan, ni hindi man lang pumasok si Cloud. Gano’n ba kalala ang mga pasang inabot niya? Bakit aabot pa ata ng isang buwan ang absent niya?

Psh. As if I care diba? Sabi nga naman niya, wag na raw akong makialam. Papasok naman siguro ngayon ‘yon. Exams namin eh.

Nagpaalam na ako kay Max at pumasok na sa room namin.

My feet we’re glued on the floor when I saw a VERY familiar guy sitting just beside my seat.

Naisipan rin niyang pumasok. =__= langyang puso ‘to. Ano ba’ng problem nito bakit bigla na lang bumilis ang tibok?

With my heart still beating fast, nagawa kong mapagmasdan siya. Hindi maitago ang pangangayat niya.

Akala ko ba nagpahinga siya? Eh di dapat tumaba siya. Ba't baliktad ata? Butiki na nga siya, dinadagdaan niya pa. Psh.

Without minding my abnormal heartbeat, I made my way to me seat.

Napalingon siya sa akin ng dumaan ako sa likuran niya. I saw a spark of emotion in his eyes, but I can't figure out what feeling was it.

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Where stories live. Discover now