ENTRY TWENTY-SIX

59 3 1
                                    

[Shy's POV]

Nakatingin lang ako sa life-size purple teddy bear nakadisplay sa isang istante dito sa mall. Eh kasi naman, eh! Wala kaya akong pera para bilhin 'yan!

"Psh. Titingin ka lang diyan?"

"Ay kabayo!" napatingin ako sa lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

Bumaling siya sa akin na nakakunot-noo. Ano na man ang ginagawa niya dito? Akala ko ba hindi niya ako sasamahan?

Bigla niya akong hinila papasok sa store.

"Cloud, ano ba?"

"Manahimik ka na lang nga!"

Sumunod na lang ako sa kanya. Hindi dahil nagpatalo ako sa kanya, pero dahil maraming tao do'n. Baka mapahiya pa ako pag nakipagtalo ako sa kanya.

May tinawag siyang isang saleslady. Agad naman itong lumapit sa kanya. May itinuro ito sa display area. Ang kung hindi ako magkakamali, 'yong teddy bear na gusto ko ang itinuturo niya! Bibilhin niya? Sigurado?

Hindi. Baka nagkakamali lang ako. Mamay madisappoint pa ako.

Pumunta ako sa book station at naghanap ng magandang libro kahit na wala naman akong planong bumili.

Di nagtagal ay naramdaman ko na si Butiki sa tabi ko.

"Tara na."

Lumingon ako sa kanya. But my eyes were glued on what he is holding.

'Y-Yong... 'Yong teddy bear!!!

"C-Cloud?"

"O, bakit?"

"P-Para kanino 'yan?" i said while pointing the stuffed toy.

"C'mon Shy! Hindi ako bakla. Alangan naman bilhin ko 'to para sa sarili ko?" pagkatapos ay itinabak niya sa mukha ko ang teddy bear.

Ansama!

"Tara na. Baka gabihin ka sa pag-uwi."

Napangiti na lang ako. Kahit para masama ang ugali niya, may tinatagi rin pala siyang bait no? Di ko akalaing papasayahin niya ako ngayon. It maybe so hard to admit, but I'm really flattered.

Yakap-yakap ko ang teddy bear habang sumusunod sa kanya pabalik ng kotse.

Ano kaya ipapangalan ko dito? Dapat 'yong may sentiment. Di bale na lang. Mamaya ko na pag-iisipan ang ipapangalan ko dito. Inamoy kong muli ang teddy bear. Eh ang bango kaya!

Nakarating na kami sa kotse. Akmang bubuksan ko ang pinto nang unahan ako ni Butiki. Teka, akala ko ba galit 'to sa akin? Ba't ako pinagbuksan?

Her Own Fairy Tale: Chasing His Contract Girlfriend [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon