Bumuhos ang luha ko ng makita ang kondisyon niya. Bukod sa dextrose at oxygen, kung ano-anong tubo at aparato ang nakakabit sa katawan niya. Napasabunot tuloy ako sa sarili ko.

Tumunog muli ang cellphone ko at nag-aalab ang mga mata ko sa nakita ko.

From: Sven
Una pa lang yan Shinea. Tumatakbo ang oras.

Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to! Kung hindi ko siya iniwanan. Hindi sana ito nangyari. Fuckkk! Napasalampak ako sa sahig habang patuloy lang sa paghagulgol.

Ilang oras na rin akong nakatayo dito sa harap ng ICU. Nagbabakasakali na baka magising si Lauren.

Narinig ko naman ang mabibigat na yabag palapit sa akin. Marahas na hinablot nito ang kamay ko at dinala ako sa labas ng hospital. Madilim na. Hindi ko namalayan na halos kalahating araw na pala akong nakatanga dito. Ibinagsak niya ang kamay ko. Nakatalikod lang siya sakin habang dinig ko ang kanyang paghikbi.

Jethroy's POV

Ibinagsak ko ang kamay niya. Hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko. Nakatalikod ako sa kanya habang patuloy na lumalandas ang luha sa mga mata ko.

Nakita ko siyang nakayuko. "K-kasalanan mo to! Kung hindi dahil sa'yo hindi ito mangyayari! Wala sana dito ang kapatid ko!" Mas lalo lang nag-uumapaw ang galit ko sa kanya. "Ano?? Ha?! Bakit di ka makasagot?!"

"Kasalanan ko."

Napasabunot na ko sa ulo ko. "Dinamay mo pa sa mga pinaggagagawa niyo si Lauren! Di ba sakin naman kayo may kailangan?! Bakit hindi ako?! Bakit kailangan pa si Lauren?! Ha?!"  inis akong napahawak sa balikat niya. "Fuckk!! Answer me!!"

"O-oo Jeth kasalan ko! Kasalanan ko lahat ng 'to. Kasalanan ko!" Bigla siyang napasalampak sa sahig. Dinig na dinig ko ang kanyang paghikbi.

"5 m-months ago. Sumali ako sa G Mafia. Tulad mo, nawalan din ako ng mahal sa buhay. Walang awa nilang pinatay ang nanay ko. Kaya para makapaghiganti ay nagpanggap akong kaanib nila." Napaayos siya ng upo at saka inakap ang tuhod. "Kasalanan bang humingi ng hustis-sya?" Basag na ang boses niya. "Jeth, kasalanan ba?"

Tila ba nararamdaman ko ang sarili ko sa mga sinabi niya. Biglang napawi ang galit na nararamdaman ko sa kanya.

Bigla akong napaupo sa tabi niya. Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at hinimas ang buhok niya. "Tahan na. Hindi gusto ni Lauren na makitang nagkakaganyan ka."

Inaaliw ko na lang ang sarili ko sa liwanag ng mga bituwin.

Napalingon ako sa gawi niya. Nakita kong naidlip na pala siya. "Kasalananan ko." She murmured.

I can put myself in her shoes right in this situation. Alam ko ang feeling ng mawalan. Minsan mas mabuti din palang isantabi mo muna yung galit mo para sa mga taong nasasaktan din. Pinagmasdan ko ng marahan ang mukha niya.

Kanina pa tinatambol ang dibdib ko habang tinititigan siya. Hindi ko maintindihan.

"Bakit nga ba kita nagawang bullyhin?"

Maya maya pa ay binuhat ko na siya at isinakay sa kotse ko. Tinahak ko ang daan patungo sa bahay namin. Sa gate ay pinagbuksan naman ako ng guard at agad ding pumasok.

Binuhat ko naman siya at ipinasok ko kaagad sa loob ng bahay naminl. Nakita ko naman sa table si mommy habang nagpeprepare ng dinner.

"OH MY GOD! Jethy Boy!" mabilis siyang lumapit sa amin. "Hala!! Ang cute! Girlfriend mo?"

"Mom!" saway ko sa kanya. "Hindi ko siya girlfriend, okay?"

"Eh bakit hindi? Sayang naman kung ganon."

Tune of HeartsOn viuen les histories. Descobreix ara