28

76 30 0
                                    

Shea's POV

("Bes! HUHU! Sorry! Nagpupumilit talaga si kuya saka si mommy.") paliwanag ni Lauren sa phone.

Pinatay ko na rin yung tawag.

Napasapo na lang ako sa ulo ko. Kainis! Bakit ba kasi siya nagpupumilit pa?! Bakit ba kasi siya sunod ng sunod?!

Napasilip ako sa bintana. Ang lakas ng ulan sa labas.

Shit!

Bigla akong napalabas. Kinuha ang payong na nakasabit sa gilid at saka pumunta sa tarangkahan namin.

"Chubs!" kahit nasa malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang hiyaw niya. "Papasukin niyo ko sandali. Kakausapin ko lang si Chubs!"

Naabutan ko siya doon sa labas habang nagwawala. Pinipigilan siya ni Kuya Itan na nakabantay ngayon sa gate.

"Senyorita. Kanina pa 'to nagpupumilit na pumasok sa loob." sambit ni Kuya Itan.

Nakita ko naman si Jeth na nakatayo. Basang basa na siya sa ulan. 

"Chubs. Huwag mo naman ako iwan ng ganon ganon lang. Kausapin mo naman ako." puno na ng pagmamakaawa ang boses niya.

"Umuwi ka na Jeth. Wala naman tayong dapat pag-usapan pa." lumakad na ko pabalik sa bahay nang bigla na na naman siyang magsalita.

"Hinding hindi ako aalis Shinea. Hindi ko makakayang umalis ng hindi ka man lang nakakausap."

Pumasok na muli ako sa kwarto ko. Napasapo na lang ako sa inis. 

Leche! Bakit ba kasi kailangan pa niyang sumunod? Lagi niya na lang akong ginugulo.

Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. 

Fuck.

Napabangon uli ako sa higaan ko at napasilip sa bintana. Malakas pa rin ang ulan. Nandoon pa rin kaya 'yon?

Shit!

Napalabas na naman ako. Kinuha ko ulit yung payong sa gilid at saka pumunta na naman sa tarangkahan namin.

Nandoon pa rin siya. Nakasandal sa poste ng gate. Nang magtama ang tingin namin ay bigla kaagad siyang napatayo.

"Chubs. Kausapin mo ko."

Napapikit ako sa inis. Mukhang wala na akong magagawa. "Kuya papasukin niyo po muna."

Binuksan naman ni Kuya Itan yung gate.

Biglang napaakap sa akin si Jeth pagkabukas pa lang ng gate. "I miss you so bad."

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Pinipilit kong kontrolin ang emosyon ko. Ayokong magpadala sa mga salita niya. Ayokong maging mahina sa harapan niya.

Wala na akong magagawa kaya dinala ko na rin siya sa bahay namin. Nasa pinto lang muna siya dahil kumuha pa ko ng tuwalya sa loob.

Iniabot ko na kaagad sa kanya yung tuwalya para kaagad magpunas. Pinahiram ko rin muna siya ng damit ni papa para makapagpalit na siya.

Pagkabalik niya ay napasapo ako sa ulo ko. Sa'n ko nga ba 'to patutulugin? Puno lahat ng kwarto dahil kararating lang nila tita.

"Okay lang Chubs. Sa sofa na lang ako matutulog."

Tiningnan ko muna siya. Nakangiti lang siya sa akin.

"Okay sige. Kung 'yan ang gusto mo."

Iniwan ko na siya doon sa sala. Inis kong ibinagsak ang sarili ko sa higaan. Hayst. Iniisip ko pa rin yung tukmol na 'yon.

Nakailang biling na ko sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako makatulog.

Tune of HeartsWhere stories live. Discover now