Chapter 22

937 34 0
                                    

Xandra's POV

"Xandra nawawala si Zack!" Sigaw ni kira kabang niyuyugyug ako.

Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit naman kasi mawawala si Zack kalalaking tao parang bata. Nilibot nanga kami ni maestro mawawala pa saan naman kaya yon nagpunta.

"Tara na hanapin natin Xandra!" Nagmadali na akong bumangon at sumunod sa kanya.

Nagpunta kami sa likod ng bahay sa may gubat.

" Zack...yuhooh asan kana!" Sigaw ko.

"zack, zack, zack!" Sabi naman ni kira at saka naman siya umakyat sa PUNO.

"Ano ba naman saan ba yon nagpunta nakakainis talaga!" Sigaw ko hindi ko alam na nagaalala ako sa kanta. Pero hindi naman dapat diba ako magalala!

"Tara wala siya dito punta tayo sa gander baka andoon siya!" Aya sa akin ni kira at tumango nalang ako.

Pumunta kami sa garden at ang ago andoon lang pala nakatago sa dulo ng daan sa garden at may hawak na bulaklak. Tumakbo ako papalapit sa kanya at pinagsusuntok siya.

"Aray, aray Xandra masakit tama na!" Daing niya habqng sinasangga ang aking mga suntok.

"Walang hiya ka pinagalala mo kami sabi ni kira nawawala ka tapos makikita ka namin dito may hawak lang ng bulaklak, bwisit ka talaga!" Sigaw ko sa kanya.

"So nagaalala ka sa akin, Xandra!" Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at ako naman lalong nangunot ang aking noo.

Ano ng sasabihin ko !?

"Saranghae Zack, saranghae Zack! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko sa muka niya at umalis na sa harap niya.

Napansin kong natahimik silang lahat maliban kay maestro at Kira na parang siraulong tumatawa. Pinagkibit-balikat ko nalang sila at nagtungo sa loob ng bahay.

Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom. Naiinis talaga ako kay Zack, nakakapanginit ng dugo ang hayop na yon. Kala niya biro lang ang ginawa niya hindi niya alam na kinakabahan kami para sa kanya-- ay teka bakait nga pala ako nagaalala sa kanya eh sino nga ba siya! Ay nakakaasar talaga!

"X-xandra, a-ano ba ang sinabi mo t-totoo ba iyon!?" Si Zack.

Kumulo nanaman ang dugo ko andito nanaman siya!

"Hindi kaba nakakaintindi galit ako sayo at wag kang lalapit sa akin!" Sigaw ko."bakit ka pala nauutal?"

"T-totoo bang mahal mo ako?"

Ay pusang gala saan niya naman nalaman yan! Sino nanaman ang nagsabi niyan! Teka parang umiinit ang pisngi ko! No, no, no, noooooooo!!

"Sino namang nagsabi sayo?"

"Ikaw, sabi mo Saranghae Zack!"

"Tanga ka pala eh ang layo ng Saranghae sa mahal kita! Bingi kaba!?"

Bigla nalang siyang ngumisi.

"Alam mo ba kung ano ang sinabi mo, alam mo ba ang ibig sabihin ng saranghae?"

"Oo, sabi ni maestro ang ibig sabihin daw non at naiinis ako sayo o bwisit ka!"

"Bwahahahaha!!" Tumawa na siyang ng napaka lakas at naiinis ako doon.

Bigla namng pumasok si maestro, silver, at kira. Tmatawa na silang lahat na hindi ko alam ang dahilan.

"Bhahaha ang ibigsabihin ng Saranghae ay I love you o mahal kita yon ang totoong kahulugan non at hindi kung ano-ano Xandra!" Sabi ni silver.

Nakakahiya talaga!!😭😭😭😭

Ikalawang Linggo.

Nasa may likod kami ng bahay at nakalinya kaming apat dahil ngayon ay tuturuan naman kami ni Maestro jong gumamit ng katana. Para nga kaming magiging samurai dahil sa gagawin namin. Isa't kalahating dipa ang layo namin sa isa't isa dahil baka magkasakitan kami. Buti nalang hindi matalim ang mga hawak naming katana pero nasisigurado kong mas mapurol ang hawak ni maesteo dahil gawa lang iyon sa kahoy. Bawat tapat namin ay may isang putol na puno ng saging. Kailangan naming putulin ang saging sa pamamagitan nitong mapurol na katana.

Unang nagpakitang silas si maestro. Iminestra niya ang kahoy na hawak at pumusisyon na siya na parang kahit anong oras aatake. Itinaas niya ang kamay na may hawak na katana at sinimulang niyang atakihin ang puno ng saging. Halos hindi namisn nakita kung pano niya pirapirasuhin ang puno dahil sa sobrang bilis ng kanyang paggalaw. Sa isang iglap ang puno ay naging maliliit na piraso.

"Ikaw ang mauuna, Silver" utos ni maestro kaya sumunot si Silver aa kanya.

Lahat kami at ginawa lahat ang mga sinabi niya. Umakyat muli kami ng puno at nangaso kami ng usa at kung ano ano pa. Sunod naming ginawa ay ang pinaka mahalagang bahagi ang pagpapalabas ng kapangyarihan namin ni Silver.

"Pumikit kayo at mag-concentrate nga mabuti. Gawing mapayapa ang pagiisip at pakiramdaman ang paligid."

Hindi ko alam ang nangyari at bigla nalang uminit ang kamay ko at buo kong katawan. Napamulat ako ng mata at nagulat ako umaapoy na ako. Sa sobrang taranta ko ay tumayo ako at tumakba na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napunta ako sa labas ng East High at ngayon nasa gumat na ako. Ang bawat dinaraanan kong mga dahon ay nasunog at mga puno at kung ano-ano pa. Nagdilim ang paningin ko at natumba ako.
Nagising ako na nasa isang dram na ako ng tubig at nakalublob.

"Bigla ka nalang nag-panic at tumakbo buti nalang at nasundan ka namin ni maestro kaya napigilan naming kumalat ang apoy sa buong kagubatan." Sabi ni Silver.

"Salamat, pasnsya na ho sa nangyari maestro!" Paghongi ko ng tawad sa kanya.

"Kailangan niyo pang mas matuto para mapalakas ang inyong mga kakayahan sa pakikipaglaban upang matalo ang kalaban." Si maestro." Umahon kana at magpalit at kayong lahat ay magpahinga na alam kong pagod na kayo.

Sinunod namin ang sinabi ni maestro at nagtungo kaming sabay ni kira sa aming silid.

Knock knock knock....

Binuksan ko ang pinto ngunit walang tao at sa lapag may nakita nalang akong tatlng piraso ng bulaklak na rosas at mag letter pang kasama. Kinuha ko ang bulaklak at tinignan kung ano ang laman ng letter n naka sulat.

"Ano yan, uy si Xandra!" Pangaasar ni kira.

"Di ko alam kung kanino to baka sayo!" Sabi ko naman sa kanya.

Binuksan ko na ang letter at may naka sulat na 'Sorry --- from: Z' .

"Uuuuyyy si Xandra kinikilig !" Asar nanaman ni kira.

Namula nalang ang aking pisngi sa mga pinaggagagawa ni kira. Alam ko namang si zack ang nagbigay at hindi naman ito ang una kaya hindi na ako magtataka. Araw-araw may bulaklak siyang binibigay sa akin kaso hindi alam iyon ni kira at ngayon niya lang natyempohan at nakita niya. Halos hindi ko na mabilang kung ilang bulaklak na ang naibigay niya pero hindi ko alam parang kinikilig ako. Unti-unti ko na ata siyang nagugustuhan. Hindi na siya ang Zack na nakilala ko noon na lagi akong sinisigawan at sinasaktan ibang iba ang Zack noon na nakilala ko at ang Zack ngayon na nagpakatotoo sa nararamdaman niya.

Isang buwan ang lumipas at tuluyan na nga akong nagkagusto sa kanya. Tuwing nagsasanay kami nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin na parang siraulo at nakangiti pa. Minsan nga ay natatakot na ako sa kanya dahil kapay kinakausap mo parang siraulo na tumatango nalang. Binigyan nga palq kami ni maestro ng tigiisa naming armas kay kira at ang pinakamatalim na katana ni maertro, kay Silver ay ang magandang pana, kay Zack ang dalawang baril, at ako naman na di pahuhuli ang sa akin naman ay dalawa namang dagger.

I Have A Vampire Blood (Completed)Where stories live. Discover now