Chapter 6

1.4K 45 0
                                    

Hinatid na ako ni Kira sa bahay dahil napansin niyang parang nanghihina ako. Nasa loob na ako ng bahay at dali kong hinanap ang pintuan sa likod ng bahay. Sa likod ng aming bahay ay isang gubat kaya dito ako naghahanap ng hayop na pwedeng makuhanan ng dugo para maibsan ang aking uhaw. Ng meron pa si mama ay hindi ko siya hinahayaang makita niya ako dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya at kung minsan ay nakikita ko siyang pumupunta rin dito at sabi niya nangangahoy lang daw siya kaya pinaniwalaan ko naman.

Nasa labas na ako, tumalon ako sa isang puno upang mapagmasdan ko ang ibaba para masmadaling maka huli ng hayop. Habang nagmamasid nahagilap ko ang isang usa na abala sa pagkain ng damo at di ito kalatuan. Unti-unti at dahan-dahan akong bumaba sa puno para mahuli ko na ang usa at hindi niya namalayan na nakalapit na ako kaya agad ko siyang sinunggaban.Nagbago ang kulay ng akng mga mara , naging mahaba at matulis ang aking kuko, at lumabas ang aking mga pangil.

Binaon ko ang aking mga kuko sa kanyang tiyan na dagilan ng kanyang pagkamatay. Pagkatapos ay binaon ko na ang aking mga pangil sa kanilang leeg at unti-unting hinigop ang dugo ng usa. Patuloy ng ako sa aking ginagawa sa usa.

"Xandra..?!" walang emosyong tanong ni Kira na siyang ikinagulat ko

Tumigil na ako sa aking ginagawa dahil sa pagkabigla.

"K-kira magpapaliwanag a-ako..!!" nauutal at takot kong sabi ngunit ngumiti lang siya.

"Wag kang magalala hindi ako magtataka na umiinom ng dugo dahil ramdam kong magkakaiba sa iyo.!"

Lumapit ako sa kaniya na puno ng pagtataka. Alam niya kung ano ako..!!
"P-pano mo nalaman.?!Bakit parang hindi ka takot ..!?"

"Dahil isa din akong kagaya mo at ramdam ko na hindi ka isang tao. Matagal ko ng alam simula pa noong magkakilala tayo."

Nayakap ko siya ng mahigpit at nagpasalamat sa kaniya. Naghugas na ako ng aking kamay dahil may poso dito kaya dito nalang ako naghigas. Pumasok na kami sa loob ng bahay at umopo na sa sofa. Ainimulan ko ang pagkwekwento ng bagay na hindi niya pa nalalaman tukol sa akin.S inabi ko sa kanya na kukunin na ako ng tunay kong mga magulang sa ikalawang linggo.

Kung ano-ano pa ang ainabi ko sa kanya. Ng natapos ako ay agad siyang umuwi at ako naman ay natulog na....

K I N A B U K A S A N

Linggo ngayon at wala akong gagawin kasi yung damit ko pinapalaba ko sa isang laundry shop sa tapat ng bahay namin. Pupunta nalang ako sa may Grocery para bumili ng pagkain ko ng pang dalawang linggo.

Naligo na ako, kinuha ko na ang pera na iniwan ni mama at lumabas na ako ng bahay. Nagaimula na akong maglakas hang gang kanto para maka para ng sasakyan. Nakasakay naman ako kaagad ng sasakyan at nagpahatid na ako sa may Grocery store.

Kasalukuyan akong nangunguha ng mga kung ano-anong mga kailangan sa bahay. Sanay naman na akong bumili ng mga kailangan sa bahay dahil ako lagi ang inuutusan ni mama pumunta sa grocery. Hindi ko parin makalimutan si mama ang sakit parin sa loob na naglihim siya sa akin at pagkatapos niyang sabihin ang katotohanan ay iiwan na niya ako kinabukasan. Naiisip ko tuloy bakit lagi nalang akong iniiwan ng mga taong mahalaga sa akin. Bakit kaya kailangan akong pinaampon ng tunay ko mga magulang? Bakit hindi ba nila ako mahal, tapos kukunin na nila ako kung kaylan nila gusto. Kung kaylan malapit na ang ika-walong taong kaarawan ko ..?

"Miss ayos ka lang?" tanong ng isang pamilyar na boses at agad kung pinunas ang aking mga luha.Inangat ko ang aking tingin .....

"Kira ..? " puno ng pagkagulat kong tanong.

"Bakit ka umiyak..?! Sinong may gawa sayo niyan..?!"

"Wala may naalala lang ako wag kang magalala..!"

I Have A Vampire Blood (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora