Chapter 19

1.1K 38 0
                                    

"Wag kang magalala gagawin ko lahat ng nabasa mo sa isipan ko, liligawan kita at ako ang mananalo. Magiging akin ka!" Bulong niya sa akin.

Nanindig lahat ng aking balahibi pagkatapos niyang sabihin iyon. Halos hindi na ako makagalaw at ......

"Hoy Xandra!" Sigaw ni Silver na nagpabalik sa aking huwisyo.

"A-ano yon?" Utal pang sabi ko.

"Kanina pa kita tinatawag, nakaalis na sila kanina pa! Tara kakain na!" Sabi ni Silver at nagtungo na sa kusina.

Nagtungo narin ako sa kusina at nagulat ako meron na sila Mom at Dad. Umupo na din ako sa tabi ni Xander at nagsimula na kaming kumain.

"Anak ang ganda mo! Sabi ko sayo masgaganda ka pa!" Puri ni Mama sa akin.

"S-salamat po mom!" Sagot po.

"Oo nga , mom alam mo ba pumunta yung mga kaklase namin dito at kambal sila babae at lalaki anak sila ni Mr at Mrs Marquez!"

" I know Mr. And Mrs. Marquez sila yung kasamahan natin at nangangasiwa sa kaligtasan sa San Francisco! Sila pala ang tinutukoy nila!" Ngiting wika ni mom.

"Yung isa sa kanila may gusto kay Xandra!" Sabi pa ni Kuya Xander.

Ano ba naman ito! Nilalaglag na ako agad! Huhuhuhu! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang gusto ko nalang lumubog dito sa kinauupuan ko!

"Oh pumapagibig na pala ang maganda nating anak !" Natatawang sabi naman ni Dad.

"H-hindi ko po s-siya type! Ang sama ng ugali at walang pakielam sa damdamin ng iba!" Dipensa ko.

Ano ba nasasabon na ako dito! Humanda talaga mamaya yan sa akin si Silver!

"Anak hindi mo siya gusto ngayon pero baka balang araw sa kanya din ang bagsak mo."

"Baka hindi lang po ako, baka si Silver din po nagkakagusto na din at sa Bestfriend ko pa po mom! Siya din po yung anak na babae ni Mr. At Mrs. Marquez!" Bawi bawi din tol!

"Tsk tsk tsk, ang pagibig nga talaga kapag tinamaan ka!" Si Dad.

Natapos kaming kumain ay nagtungo na kami sa kanya kanya naming kwarto at natulog.

Hindi ako makatulog dahil iniisip ko yung sinabi ni Zack at hindi ito matanggal sa aking isipan.

Ano namang nakain niya at naisip niya yo! Bakit ako ang liligawan niya! Kapal din ng muka niya pagkatapos niya akong gaguhin ng ilang taon tapos ngayon may balak siyang ligawan ako! Kapal din ng muka niya! Oo hindi ko naman maipagkakaila na siya ay gawapo, matangkad, maganda ang hubog ng katawan Zack minsan mabai---- ano ba tong iniisip ko ?

Kinabukasan.

Maaga akong nagising kaya maga din akong nakaligo. Nasa living room kaming lahat at nagplaplano na aila Mom at Dad.

"May tinawagan na kaming mga mananahi at sila ang magsusukat sa inyo para gawan kayo ng damit para sa kaarawan ninyong kambal! Pati narin kami ay Magpapasukat na din!" Halata ang excitement sa boses ni  Mom.

"Mahal na Reyna andito na po yong apat na mananahi." Sabi ng isang kasambahay.

"Sige tawagin mo na dito!" Utos naman ni Dad sa kasambahay.

Isa-isang nagsidatingan ang apat na mga mananhi at agad kaming sinukatan sa katawan. Pagkatapos ipinakita sa amin at iba't ibang disenyo ng mga tuxedo at mga Gown. Ang kulay ng tuxedo ni Kuya Xander ay White at Black ang Design. Kay Silver naman ay Dark Blue at light blue . Ang akin naman ay may design na Black at Red na gown. Kaya nilang tapusin ang lahat ng mga damit sa loob lang ng isang araw dahil mayroon din silang ginagamit na salamangka sabi ni Mom kaya matatapos din nila ito bukas at maidi-deliver nila sa amin.

I Have A Vampire Blood (Completed)Where stories live. Discover now