Chapter 4

1.5K 51 0
                                    

" ah wala yon ano ka ba ..!!!" maarteng sabi ni Kira

Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami na alala ko ang box na binigay ni Alexa kaya hinalungkat ko ito sa bag ko dahil pagkatapos niya iyong binigay ay agad ko itong tinago sa aking bag....nakuha ko na ang box at nilapag sa lamesa at napatitig ang tatlo sa box......Hinagilap ko si Alexa at hindi naman ako nabigo dahil agad ko naman siyang nakita kasama si Zack nasa tabi lang pala ng aming lamesa at naka tingin sa aming pwesto......Ano kayang laman nitong box..!!?

" Diba yan yung binigay ni Alexa ? Tanong ni Kira at tumango ako

" Sino si Alexa ?" Nakangiting tanong ni Blue ....Nakakainis bakit lagi siyang naka ngiti..!!??

"Ayan oh sa katabi nating lamesa at yung kasama niyang lalaki kamabal ko yun..!" pagmamayabang ni Kira

" Halata naman dahil magkamuka kayo...." walang imosyong sabi ni Silver

Tumingin ako sa direksyon nila Alexa at abala na sila sa pagkain at kapwa naka ngiti kaya naisip ko na silipin ko ang laman ng kahon pero agad itong inagaw ni Kira....

"Hoy Kira akin na ...." mahinahon na wika ko habang kinukuha ang kahon

"Ako ang magbubukas !" prisinta niya kaya hinayan ko nalang at habang busy sa pagkain ang dalawa..

Sinimulan niyang tanggalin ang laso at unti-unti na niyang tinatanggal ang takip ng box at nakita niyang mat laman itong papel na may naka sulat at nilabas niya ito para basahin pero inagaw ko na ito..

'Be Ready'

Ay grabe yun lang ang nakasulat nag effort pa talaga siya ....sa inis ko agad ko itong pinunit at tinapon nalang sa sahig at nag walkout ....

Iniwan ko sila doon sa Canteen at ngayon nasa isang puno at naka upo ng may isang lalaking lumapit sa akin na kulay itim ang damit at naka cap naka hawak ng isang kahoy na agad niyang pinukpok sa aking batok dahilan para akoy mawalan ng malay....

◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼◼

Zakira/Kira's POV

Hinahanap namin si Xandra dahil bigla nalang siyang umalis sa Canteen pagkatapos niyang mabasa ang kung anoman ang nakasulat sa papel na naka kagay sa box na binigay ni Axlexa.....

"Diba si Xandra yung buhat-buhat ng lalaki !" sigaw ni Silver na kumaripas ng takbo patungo sa lalaking may hawak kay Xandra...

Naguguluhan ako dahil parang mas nag-aalala pa si Silver at Blue kaysa sa akin na parang tarantang taranta na parang may mangyayaring masama kay Xandra. Isa pa sa ikinahanga ko
ay bakit magkamuka si.....aaaaaahhh never mind . Bakit kaya wala yung tatlong manliligaw ni Xandra??Baka may sakit ...!

Hindi ko namalayan na nakagapos na pala ang lalaking may buhat kay Xandra at buhat na ni Blue si Xandra bridal style. Ano kayang kailangan nito kay Xandra at kailangan niya pang patulugin.Hindi ko makita kung anong itsura ng lalaki dahil naka yuko ito.

" Ano kailangan mo sa kanya..!?" sigaw ni Silver at hinawakan nito ang baba ng lalaki at unti-unting iniangat.

" Harold .?!" Sigaw ni Blue kaya nabigla ako at pati narin si Silver. Bakit kilala nila si harold...

"Ano kailangan mo sa kanya?" mahinahon na tanong ni Silver habang sinisimulang tanggalin ang pakakagapus ni Harold...

" Binilin ni Mrs. Ana kailangan ko siyang Dalhin sa Mansion." pagpapaliwanag ni Harold habang tumatayo.

I Have A Vampire Blood (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon