Chapter 16

1.2K 34 0
                                    


Sunod naming pinuntahan ang Heaven's Bar pero ganon din ang nangyari pati ang sumunod na bar ang Glitch Bar ay ganon pa din. Ang pinaka huli ay ang ZZ bar ang bar nila Kira. Siguro andito na yung lalaki kasi ito na ang pinaka huling bar na pinuntahan namin ni manong. Ang laki kaya ng binayad ko kay manong dahil sa haba ng oras na pagbyahe byahe namin.

Bumaba na ako ng taxi at dumiretso sa pinto ng bar at binuksan ko ang pinto. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nilibot ko agad ang aking paningin at di ako nabigo dahil may nagiisang lalaki na nakapatong ang ulo sa lamesa at nasa harap niya ang nasa walong bote ng alak.

Lumakas ang aking pangamoy at hindi ako nagkakamali ang kaniyang dugo..........siya si Zack. Nainis nalang ako bigla dahil naisip ko kaya pala pamilyar nakakaasar hndi na sana ako pumunta siya din pala ang tumawag grrrhhh!! Wala na din naman akong magagawa andito naman na ako konsensya ko pa kapag kung anong masamang mangyari dyan. Kumag talaga saan kaya naman niya nakuha ang number ko.

Lumapit ako sa kanya at nagulat ako ng bigla nalang niyang iniangat ang tingin niya sa akin.

"Mag lashing ka....shamahan mo....ako!" Amoy ko ang alak sa kanyang hininga.

Inaabot niya ang isang bote ng alak at kinuha ko naman ito pero nilapag ko lang sa lamesa. Alangan namang sabayan ko siya edi parehas na kaming lasing. Kung di lang ako mabait inuwan ko na to. Ano naman gagawin ko bakit niya ako tinawagan.

"Bakit mo ako tinawagan?" Tanong ko sa kanya hindi na ako aasang sasagot siya pero.....

"Kashe gusho......ko lang na may kashama......kashamang maglasheng pero hindi pa ako lasheng ah baka shabihin.......suabihn mo lasheng na ako."

Hindi pa daw lasing pero yung salita niya halatang halata na. Ano ba naman nakain nito at nagsaling at ako pa ang tinawagan  niya eh pwede naman yung mga katropa niya oh di kaya yung kambal niya. Nakakainis ako pa talaga grrrhhh!!! Siguro iuuwi ko nalang siya sa bahay nila pero hindi ko siya kayang buhatin.

"Halika na iuuwi na kita sa bahay niyo.!" Sigaw ko dahil naaasar ako sa kanya.

"Eh shino ka ba at ala mo ba kung shaan ako nakatira!?"

Mokong talaga to tinawagan yung hindi niya kilalang tao hay bwisit...!!!

"Halika n----"

"Hindi muna ako uuwi shinabi ko kay mom! At saka kailangan ko ngayon ng kausap!" Bigla nalang siyang nag emote para tuloy akong na awa sa kanya.

Nakita kong namuo ang mga luha sa kanyang mga mata at tumulo. Siguro ay may pinagdadaanan siyang mabigat kaya siya naglalasing ng todo.

"May problema ka ba? Andito ako kung gusto mo ng may makikinig sayo!" Sambit ko.

"Kunin mo yung ishang bote at mag inuman tayo!" Masyang sabi pa niya.
Hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinunod basta kinuha ko nalang yung bote at nag toast kaming dalawa.

"Alam mo ba nagbreak na kami ni Alexa." May lungkot at galit akong naramdaman sa pananalita niya." Hindi ko alam matagal na niya akong nililiko, hindi ko lang napansin na may katarantaduhan na pala siyang ginagawa. Pinagpalit niya ako sa iba, pinagpalit niya ako habang meron pa kami. Pero bakit ganito hindi ako masyadong nasaktan, hindi mabigat sa dibdib at parang ang gaan pa ng pakiramdam ko dahil sa nangyari."

"Alam mo hindi ko talaga siya mahal!" Nabigla ako sa tinuran siya. " Oo hindi ko siya mahal tinuon ko lang sa kanya ang aking atensyon para mapansin ako ng babaeng matagal ko ng gusto, at para narin makalimutan ko siya.     Naiinis ako dahil nalaman ko din na ginamit niya lang ako para makilala siya at para maging sikat."

Hindi ko lilala kung sino ang tinutukoy niyang mahal niya. Ramdam ko ang na hindi siya nasasaktan at naiinis lang siya dahil ginamit siya ni Alexa.

I Have A Vampire Blood (Completed)Where stories live. Discover now