Chapter 3: Crepuscular

Start from the beginning
                                    

We're happy to be together. We're happy with what we have. Masaya kami pero hindi ibig sabihin hindi kami parehong nasasaktan dahil sa katotohanan. Hindi naman madaling kalimutan. It's like having a clock hanging above our heads. Hindi namin nakikita pero nararamdaman namin ang bawat paglipat ng mga kamay ng orasan.

Kahit gano'n pa man hindi nagkulang si Thunder na iparamdam sa akin na mahalaga ako sa kaniya. Na mahal niya ako. But he's also careful. Not for his sake but for mine. Because no matter how much we want to forget about everything, to just be happy with the time we have left, he still want to make sure that everything will be fine once I'm left all alone.

"Magkaka-wrinkles ka na niyan." sabi ko sa kaniya ng mapansin ko ang pagkakaunot ng noo niya sa sobrang konsentrasyon. Inangat ko ang kamay ko at inabot siya para idampi ang hintuturo ko sa lukot niyang noo.

Hinuli niya ang kamay ko at binigyan iyon ng magaang halik habang nakatingin pa rin sa files sa harapan niya. Nakangusong binaba ko ang bowl ng pagkain ko at pagkatapos ay umusog ako palapit sa kaniya. Inilusot ko ang kamay ko sa bewang niya habang ang isa naman ay nakakapit sa balikat niya. Isinandal ko ang harapan ko sa likod niya at pagkatapos ay ipinatong ko ang mukha ko sa balikat niya at nakisilip sa binabasa niya.

"What's her name again?" I asked.

"Mia Montez."

Ako namana ng napakunot noo nang marinig ko ang pangalan. "Pamilyar siya sa'kin. Is she well known?"

"Hindi siya pero ang pamilya niya oo. Her family is really rich. Old money dahil mayaman na talaga ang pamilya niya noon pa man. Pero simple lang ang buhay na meron siya dahil ayon sa mga kaibigan niya ay talagang pinili niyang magkaroon ng buhay na siya mismo ang magtataguyod. She was an event specialist for Pink Maze-"

"Oh! I know her!"

Lumusot ako sa ilalim ng braso ng lalaki at padapang ibinagsak ko ang sarili ko. I heard him grunt when my entire weight fell to his crossed legs but I just continued on reaching for the files. Nilipat ko ang pahina hanggang sa makita ko ang larawan ng babae.

"Siya nga 'yon!" bulalas ko at nakangiting nag-angat ng tingin sa kaniya. "Napanood ko ang interview niya noon sa TV. Their event shop became famous because of their creative event concepts. Hindi lang kasi normal na mga event ang ginagawa nila. You can even hire them para mag-isip ng kahit na anong concept output sa kahit na anong theme na gusto mo. I remember the one event they did that made them famous was the Mission Impossible movie theme one. It even got featured and she was interviewed kasi siya ang nakaisip ng mga pakulo sa event na 'yon."

"That explains a lot." sabi niya at inilipat ang pahina hanggang sa marating niya ang hinahanap na parte. Nang tumigil siya ay may tinuro siya na kopya ng sulat na may lagda ng babae. "This is her will. She emptied her trust funds and bank accounts and until now no one can find the money."

According to her will, if her family can't find the money she hid in three months time then her attorney will be given the authority to open the last letter she left that will point to the location of the money. Pero sa oras na iyon ang mga perang mahahanap ay mapupunta sa mga taong papangalanan sa pangalawang sulat.

"Wow." I whispered. "Pero bakit ayaw niyang makuha ng pamilya niya ang pera niya?"

"Maybe because they already have a lot of money."

Tumango-tango ako. "Siguro nga. Nilagyan lang niya rin siguro ng challenge kasi hilig niya iyon na gawin. Maybe she know that her family won't mind losing a bit of money when they already have tongs of it."

"And yet they hired us."

I shrugged. "You know how most rich people are when it comes to money. Even if they already have a lot they will still want to have more. Walang kakuntentuhan."

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now