-
After 1 hour-
HAkDogNisM
Lulu
uy, magpo-post na kayo? haba na kasi ng convo
namin e.Cerise
oo nga magpopost na kami niyan ni lulu.
LisaMpu
sige kami din.
Taeyeonie
Buti pa kayo.
Yeolyeol
bakit? Hindi ba nagreply sayo si Keiji?
Pansit Jihoon
what happen? diba para sa act nyo yun?
Sage
try mo i-call yeon.
Taeyeonie
Di naman required sa activity yun.
Yeolyeol
try ko i-text tsaka tawagan. Wait.
CaiLeen
Naku tumatakas si Keiji ha😡😡
JisooPerGanda
halaaa.
Taeyeonie
Sige thankyou yeol. Pag nag-post na sila Lulu, magpost na rin ako. Di ko na hihintayin reply nya.Yeolyeol
naka ilang call na ko. Cannot be reach daw. Asan na naman yung mokong na yun.
Cerise
hay nako, pota ka @Keiji Di pa tapos We Got Married tinakasan mo na si taeyeonie.
Lulu
lagot sakin yan.
Yeolyeol
yaan nyo bugbug sakin yan pag nakita ko.
Taeyeonie
Wag na yeol. Salamat na lang wag na haha.
-
Hinintay ko siya hanggang umaga pero wala parin kaya nag decide na akong i-post. Sobrang sakit na din kasi ng ulo ko dahil sa pagpuyat. Nanalo si Clyde at Lisa. Dahil parang ako lang din ang nag bantay ng mga nag like sa mga post namin.
I turned off my phone and decided to sleep.
-
9:30
"Charity!" sigaw ni Mama. "Anak bumaba ka na diyan!" Napabangon ako sa muling pag sigaw ni Mama sa baba.
Sinilip ko ang clock na nasa lamesa katabi ng kama ko. Pinatay ko na ang lampshade. Nine na pala tinanghali na ko ng gising. Kulang pa ang tulog ko kaya napahikab ako dahil inaantok pa ako. Mamayang hapon na pala ang recogniton namin. Sa wakas natapos na din ang Thesis Defense ko. Medyo nakaka-stress pero buti na lang ay nakayanan ko.
Habang nagliligpit ako ng higaan. Naalala ko na naman yung mga text ko kay Keiji, dahilan kung bakit ako napuyat.
"Bwisit kasi yung lalaki na yun! 'Di man lang nag reply o 'di kaya sinabi niya na lang agad kung may gagawin siya." Sa sobrang inis ko hindi ko namalayan na naihagis ko yung unan na hawak ko at natamaan yung phone ko na nakapatong sa side table ng kama ko. Nahulog ito kaya dali dali kong kinuha.
"Shet! Kung minamalas ka nga naman oh. Nagasgasan pa!"
Pagkababa ko may kausap si Mama sa sala. Isang lalaki at babae na kasing edad niya. At sa kabilang sofa, may nakaupong lalaki na kasing edad ko naman .Nakatingin lang siya kila Mama habang nag-uusap. Medyo matangkad, sakto ang kulay ng balat, medyo mahaba ang buhok, at yung katawan niya kasing katawan ni chanyeol. Omg!
Wow as in wow. Hindi ko alam kung nagde-delulu lang ako dahil sa pag pa-fan girl ko o sadyang makatotohanan lang itong nakikita ko. Iyon lang ang reaksyon ko. Pinaglihi ba 'to sa koreano?mala koreano ang style eh. Filipino naman 'tong parents niya.
He's wearing a pair of black ripped jeans and white t-shirt, and also a black and white plaid shirt.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha. Wow angas, napakalakas ng katawan niya. Alam naman natin na mainit dito sa Pilipinas. Sa init ba naman mag susuot siya ng ganon? Sabagay may aircon naman sa sala namin.
BINABASA MO ANG
Fake World
Teen FictionWhat if you fell in love with the person you hate the most? What if in a world you don't want to? Felicity Charlene Cordez, Taeyeon role player in a virtual world, did not expect that she will become famous and hated by some of her co-role players...