ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝟙𝟘𝟘

2K 44 11
                                    

ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝟙𝟘𝟘 (𝕃𝔸𝕊𝕋 ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ)

Shayne's POV

The plane landed securely resulting serenity. I did my best not to make a sound just to keep the place calm and quiet. However, I know it will not last long. Kairum is here. I remember how infuriate he was with Yakinawa.

Hindi naman nagtagal ay nagsitayuan na ang mga taong nandito. Maliban lamang sa akin na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa pasilyo ng eroplano. I can't stand on my own.

"Let's go out. Hawakan niyo ang babaeng 'yan. Tignan natin kung magagawa pa nila tayong lusubin." Sabi ni Yakinawa. Ngumingisi ito na parang demonyo. Naglabas siya ng baril at kinasa na tila handa na siyang makipagbarilan.

"Yakinawa, anong gagawin natin? Sigurado akong hawak nila ang anak natin." Sabi ni tita Fatima. Hindi na ito napapakali habang nakatingin siya sa labas ng bintana.

"Bullshit, Fatima! They will surely use Jane against us pero huwag iyon ang isipin mo!"

"E ano ang iisipin ko? Ha?!"

"Just shut up! Lumabas na tayong lahat! Dali!"

Napapikit ako nang may dumapo na namang mga kamay sa balikat ko. Mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nila sa akin at nasasaktan na ako.

"Dali!" Sumigaw ulit si Yakinawa.

Napilitan akong lumakad dahil tinutulak-tulak na ako ng mga tauhan niya. Napahinto lang ako nang harangan ako ni tita Fatima.

"Ako na ang hahawak sa kanya." Kinuha niya ako sa pagkakahawak ng dalawang lalake. "Sige na, mauna na kayong lumabas."

"Sige po ma'am."

Nilagpasan kami ng mga tauhan ni Yakinawa. Lagpas sampu ang bilang nila at natatakot na ako. Alam kong lima lang sila Kairum at paano sila mananalo sa labang 'to?

"Maging masunurin ka kung ayaw mong masaktan."

Nagulat ako nang bigla akong sakalin ni tita Fatima. Nasa leeg ko ang kamay niya.

Ang mas ikinagulat ko ay ang makaramdaman ako ng malamig na bagay sa sentido ko. Nanginginig kong iginalaw ang mga mata ko papunta sa kanang banda ko. I didn't move my head.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong baril ang itinutok sa akin ni tita. Gusto kong mapahagolgol ulit sa iyak dahil sa takot ngunit may takip ang bibig ko. Napapapikit na lamang ako habang umiiyak. Sobra na akong natatakot.

"Tara! Sumunod ka kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo nito."

Nanginginig man at umiiyak ay sinunod ko pa rin siya. Lalabas na kami ng eroplano at pabor sa akin 'yon. Gusto ko ring makita ang eroplanong nasa tabi raw nitong sinakyan namin. Gusto ko ring masigurado na si Kairum nga ang piloto ng eroplanong tinutukoy nila kanina.

Nang tumapat ako sa passenger door ay bigla akong nagtaka. I thought we landed in an airport but what I see is a field. Mainit ang paligid. Grass ang nakikita ko imbis na semento. Nililipad ng hangin ang nakalugay kong buhok at medyo hindi ko naaaninag ang ibang parte ng field dahil sa usok.

Kung sa bagay, illegal itong pagpunta namin dito. Gumamit lamang kami ng eroplano na mukhang pagmamay-ari ni Yakinawa.

"Baba!" Sinigawan ako ni tita. Marahil masyado na akong nagtagal sa pagtitig sa paligid.

Maingat kong inihakbang ang mga paa ko sa hagdanan. Sa dinadaanan lang namin ni tita ang tinitignan ko. I'm afraid to look around. Baka may makita pa akong mas ikakatakot ko.

"Yakinawa, sina Kairum ba talaga ang nandoon sa isang eroplano?" Nagtanong kaagad si tita kay Yakinawa pagkababa namin.

Ang mga tauhan nila ay nandito na rin sa baba at bawat isa sa mga ito ay may mga armas. Malalaki ang kanilang mga baril na tiyak ikakamatay ng isang tao.

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon