CHAPTER 61

1.5K 33 2
                                    

Dedicated to: Melville Rein Dino

CHAPTER 61

Third Person's POV

Mababakas sa mukha ni Mrs. Allensa ang pagkatakot. Nasa harapan siya ng isang mansiyon. Isang mansiyon na kailanman ay hindi niya inaasahang pupuntahan niya ngayon.

Matagal na panahon niyang pinagtaguan ang lalaking nagmamay-ari nito. She has a debt of this person and because she can not pay, she ran away. She runs bringing the two kids with her — her daughter and a girl who she took away from its parents.

She's trembling owing to the fact that it may be her last day of breathing. She knows how enrage the person she wanted to see is. It is not yet in her front however she can picture out the synopsis of what will happen -- she'll get kill.

Sa kabila ng nararamdaman niyang takot ay lakas-loob siyang pumasok sa loob ng mansiyon. Para siyang binubuhusan ng malamig na tubig habang naglalakad. Nahihirapan siyang ihakbang ang mga paa niya.

Men in black are staring at her as she walks. They let her in seeing she's familiar. Sino nga ba ang hindi makakilala sa kanya? She once became their boss.

One more thing, they know their boss is prickling to see the woman. Dahil nagpakita ito sa kanila ngayon nang hindi labag sa kalooban, hindi na sila mahihirapan pa.

"So totoo palang nandito ka Lensa." A man sitting on the couch said. May bahid ng ngiti ang labi ng lalake. Mukha itong nasisiyahan na nasa harapan niya na ang babaeng matagal niya nang sinisingil.

"Yakinawa..."

"Oh wait. How rude. Please take a sit." He gestures the opposite chair.

Umupo rito si Mrs. Allensa. Kinakabahan ito habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Nakangiti nga ito ngunit mahahalatang may binabalak.

"Naparito ka? Magbabayad ka na ba sa utang mo?"

She guzzles at that. She expect that Yakinawa will say that. Ano naman kasi ang iisipin nitong iba kundi iyon lang.

"Hindi pa." She fearlessly answered. "Kailangan ko ng tulong mo."

The man she's talking with chuckled. Hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Inaasahan niya na ito.

"Wow." Yakinawa reacted sarcastically. "Nakakamangha ka Lensa. Isipin mo, pagkatapos mo akong lokohin at taguan, babalik ka para humiling na naman ng isang tulong mula sa 'kin? How's that?"

Hindi kaagad nakasagot si Mrs. Allensa. Naiisip niya na ngayon kung gaano siya katanga noon ngunit sampung taon na ang nakalilipas, ngayon pa ba niya sisisihin ang sarili niya?

"Babayaran mo ako ng isang milyon kapalit ng pag-kidnap ko sa anak ng mga Idelson. Nasaan na ang pangako mo?"

Tuluyan na itong hindi nakapagsalita. Naalala niya kaagad ang pinag-usapan nila noon ni Yakinawa.

- Flashback -

"Kidnapin mo ang anak nila Yakinawa. Babayaran kita ng isang milyon kapalit no'n."

"Pa'no 'pag sumabit? Mahigpit ang sekuridad ng mga Idelson."

"Magagawan mo 'yon ng paraan."

"I can. Pero Lensa, gusto kong pagmamahal mo ang ibabayad mo sa 'kin."

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila.

"Pasensiya ka na pero pera lang talaga ang maisusukli ko sa 'yo."

"Tss! Okay, I'll do it. Basta hindi ako susuko na mapapasaakin ka."

- End of Flashback -

Dino Yakinawa loves Fatima Allensa. Sobra niya itong mahal noon ngunit malaki ang pagkadismaya niya nang iwan siya nito at pinagtaguan.

Ginawa niya naman ang lahat para mapansin ng babae ngunit hindi pa rin pala sasapat 'yon para mahalin din siya pabalik nito.

Ang minamahal nito ay si Aston Idelson na iba rin ang minamahal. Masyadong komplikado ang lahat lalo na at hindi matanggap-tanggap ni Mrs. Allensa na iba ang minamahal ng lalaking ginawa niyang mundo at buhay.

Instead of moving on, she chose to take revenge.

"Inaamin kong malaki ang pagkakamaling ginawa ko sa 'yo Yakinawa." Sabi ni Mrs. Allensa nang makabawi sa pagkatulala. "Pasensiya na."

"Hindi maibabalik ng pasensiya mo ang pagsira mo sa buhay ko."

"Alam ko kaya nga kita hinaharap ngayon kahit alam kong delikado."

"Mabuting umalis ka na lang bago pa kita masaktan."

"Gawin mo nang makaganti ka rin!" Sumigaw ito.

Desperada na ito ngayon. Kung kailangan niyang masaktan para tulungan siya nito ay hahayaan niya ito.

"Kailangan ko ng tulong mo. May nag-iimbestiga sa anak ni Aston ngayon. Natatakot ako na baka malaman nila na si Shayne ay si Lauryn Idelson."

Natawa kaagad si Yakinawa.

"Tapos? Ikaw lang ang malalagot. Huwag mo akong idamay Lensa. Napupuno na ako sa 'yo."

"Iyon ang akala mo. Ikaw ang kumidnap sa kanya baka nakakalimutan mo."

"Dahil utos mo 'yon."

"At pumayag ka naman!"

"Dahil nga utos mo!"

Maririnig ang mga hininga nila. Pareho silang hinihingal.

"Sa tingin ko naman ay hindi mo na kailangan pang problemahin pa ang tungkol do'n kasi may binabalak na ako."

Nagtaka kaagad si Mrs. Allensa. Bahagya pang kumunot ang noo nito.

"Anong sabi mo?"

"Hindi ka makapagbayad sa 'kin di ba kaya gagamitin ko na lang ang pekeng pamangkin mo." Ngumisi ito. "Gagawin ko siyang pain para magkapera ako. Kukunin ko si Shayne at ibabalik ko siya sa mga Idelson at mangyayari lang iyon kapag babayaran nila ako ng sampung milyon. Good idea right? Times ten ang makukuha ko."

"Hindi ako papayag na gagawin mo 'yon!" Muling napasigaw si Mrs. Allensa. "Ayaw kong bumalik siya sa pamilya niya. Ang swerte niya kapag gan'on at ang swerte nila kapag mangyayari iyon!"

"Wala kang magagawa ro'n Lensa."

"May magagawa ako."

Nakangiting nanliliit ang mga mata ni Yakinawa. Gusto nitong malaman kung ano ang iniisip ni Mrs. Allensa. Nasisiyahan siyang makita ang mukha nitong nag-iisip.

"May plano ako at mas malaki pa sa sampung milyon ang makukuha mo." Sabi ni Mrs. Allensa.

"Huwag mo na akong paikutin pa Lensa. Sapat na sa akin ang ginawa mo noon para maisip kong hindi na dapat kita pagkatiwalaan ngayon."

"Pakinggan mo muna ang sasabihin ko bago ka magsalita nang patapos."

"Sige, papakinggan kita pero siguraduhin mong mapapaisip ako riyan. Isipin mo, iba na ako mag-isip ngayon. Mas matalino pa sa nakilala mong Yakinawa noon."

Huminga nang malalim si Mrs. Allensa. Sigurado siyang magdadalawang-isip ang kausap niya sa sasabihin niya.

"Mas mahigit pa sa sampung milyon ang makukuha mo sa mga Idelson kasi lahat ng negosyo at ari-arian nila ay mapapasaatin."

Naintriga si Yakinawa. Napaisip kaagad ito.

"Hindi natin ibabalik ang totoong anak nila. Ibibigay natin sa kanila ang anak ko. Si Jane Allensa ang magiging isang Lauryn Idelson Sy."

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon