CHAPTER 83

1.4K 30 0
                                    

Dedicated to: Jessica Estrera

CHAPTER 83

Desiree's POV

"Mabuti naman at nakalabas ka na ng hospital, Ian." Iyon kaagad ang sinabi ni Amira nang makapasok kami rito sa bahay ni Ian. Pumunta kami rito para bisitahin siya at para na rin tignan ang kalagayan niya.

Nakahawak siya sa tiyan niya at paika-ikang naglakad papunta sa amin.

"But I still need to rest. Hindi pa gumagaling ang mga sugat ko. Umupo muna kayo, kukuha lang ako ng pagkain."

"Tss! Huwag na, pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Hindi naman kami nagugutom, e." Si Amira na umuupo na.

"Okay, if you said so."

Umupo na rin ako. Agad naman akong napangisi nang makita ko si Sharlotte na mukhang tangang nakatayo sa gilid.

"Hoy, Sharlotte. Ano? Tatayo ka nalang ba riyan?" Tanong ko sa kanya.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko nang lumapit siya sa 'kin nang nakayuko. She sits beside me. Hindi man lang tinitignan si Ian. Nahihiya siguro. Hays, masyadong nagpapahalata.

"Kumusta ang birthday party mo, Sharlotte?" Si Ian.

"I-it goes well. May nangyari nga lang." Nahihiyang sagot ni Sharlotte.

"Idelsons really need you right now." I said to Ian. Kinulang kasi ng impormasyon ang sinabi sa kanya ng pinsan ko. "Nagka-amnesia si Shayne. Dahil nga sa nangyari sa 'yo ay ibang doktor ang tumingin sa kanya." I added.

"H-ha? Amnesia?!" Takang-taka siya. "Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

Napabuntong-hininga ako. "Sa araw 'yun ng kaarawan ni Sharlotte. Pumunta si Shayne sa likod ng kanilang bahay and Amira found her there, kaso nga lang nawalan ito ng malay. Paggising nito kinaumagahan, wala na siyang maalala." Paliwanag ko.

"Sabi ng doktor na tumingin sa kanya, nagka-amnesia na raw si Shayne noon pa." Si Amira. "At ngayon nagka-amnesia ulit siya. May ganoon ba Ian?" Tanong nito.

Nag-isip nang malalim ang doktor sa harapan namin.

"I think so, lalo na kapag trauma ang main reason kung bakit nagka-amnesia ang isang tao."

"Exactly!" I yelled. "That's what the doctor said, Ian. I'm really confused kasi ano ba ang nangyari kay Shayne noong bata pa siya?" Tanong ko.

"Mamamatay ka niyan, Des, so better stop thinking or asking about that thing."

Agad kong inismidan si Amira.

Jane's POV

Pag-uwi ko sa mansiyon ni Yakinawa ay agad kong hinanap si mommy. Gustong-gusto ko talagang sabihin sa kanya 'yung tungkol sa nalaman ko ngayon kay Shayne.

That girl lost her consciousness earlier. Sa canteen pa talaga. Nakakahiya ang babaeng 'yun. Ang daming paandar.

"Jane, nakauwi ka na pala."

Napahinto kaagad ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na 'yun. Umirap pa muna ako bago ko tinignan ang taong ito.

"Nasaan si mommy?" Tanong ko kay Yakinawa.

Nakauwi na pala ang taong ito. Sana sa Lebanon nalang siya titira habang buhay nang sa gan'on ay hindi ko na makikita pa ang mukha niya rito.

"Bakit mo siya hinahanap?" Tanong nito pabalik sa 'kin na ikinalaglag ng mga balikat ko.

"Just tell me where she is, I have something to tell her."

"Ano ang sasabihin mo sa kanya?"

Kinuutan ko siya ng noo. Pati ba naman 'yun ay pakikialaman niya pa? Nakakainis! Masyado siyang tsismoso.

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon