CHAPTER 16

1.8K 39 0
                                    

Dedicated to: Roslyn Acha

CHAPTER 16

Shayne's POV

Halos gusto kong matawa nang makita ko kung paano nagulat si Kairum dahil sa rami ng pagkain sa lamesa namin.

Hindi na nga ito nagkasya lahat dito kaya mamaya nalang daw 'yung iba.

"Ah, Shayne, may kasama ba tayong baboy na papakainin mo?"

Tumingin ako kay Hanz nang magsalita siya.

"Wala, bakit?"

Narinig kong tumawa si Kieth at Apple. Si Eunice naman ay nagpipigil na lamang ng tawa.

"Ito ba ang sinasabi mong konti?"

Tumingin ako kay Kairum.

"Oo."

Wahahahaha! Grabe! Ang sarap ilabas nun.

"I think she ordered everything." Ani Eunice.

"Grabe! Hindi ko alam na ganyan ka katakaw."

Tss! Wala siyang pakealam.

"Mauubos mo 'yan lahat Shayne? Trust me, tataba ka niyan." Si Apple.

"Hindi naman ganon kagandahan ang katawan ko kaya ayos lang."

"Anong hindi? Ang sexy mo kaya. Nakita nga namin ni Eunice."

Namula ako bigla. Bakit kailangan niya pa iyong sabihin? Nakakahiya.

"Kainin mo lahat 'yan ha."

Hindi ko pinansin si Kairum. Kainin niya ang mukha niya.

"Sa akin ka sasabay mamaya."

Doon na ako napatingin sa kanya.

"Kay Apple nalang."

Sasabay ako sa kanya? Ayoko nga. Baka kung saan-saan niya lang ako dalhin.

"Pag sinabi kong sa akin ka sasabay, sa akin ka sasabay."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba?"

Hindi niya na ako sinagot pa. Kumakain na silang lahat kaya kumain na rin ako.

Marami ang natira sa pagkain ko kaya ang sama ng tingin niya sa'kin pagkatapos naming kumain.

"Ayan, hindi mo pala mauubos." He hissed and stood up.

Umalis na siya at irap na lamang ang tangi kong nagawa.

"Sa kanya ka nalang sumabay mamaya, Shayne. Iba magalit ang isang Kairum Sy." Sabi ni Kieth at tumayo na rin.

"Ayoko! Sabihin mo 'yun sa kanya ha. Wala akong pakealam kahit magalit pa siya." Pagmamatigas ko pa rin.

Ayoko talagang sumabay sa kanya.

"Hayaan niyo siya guys, iyon ang gusto niya e." Sabi ni Eunice. "I'll go ahead."

Tinanguan ko lang siya nang magpaalam siya sa'kin.

"Ano, Shayne? Ihahatid pa ba kita sa classroom niyo?"

Inilingan ko si Apple.

"No, hindi na. I can manage."

"Okay, bye. Tara na Hanz at Kieth."

Kinawayan ko sila at isinabit na ang bag ko sa likod.

Naisipan ko kaagad na bumalik sa classroom. I have no friends here so I can't do anything I want.

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon