CHAPTER 86

1.3K 27 0
                                    

Dedicated to: Shen Sherlyn Bodino

CHAPTER 86

Shayne's POV

Sinungaling talaga ang Kairum na 'yun. Mabuti nalang talaga at binawi niya 'yung sinabi niya tungkol kay David. What he says to me about David was very opposed of what I have seen now. Ibang-ibang.

Sinabi niya pang masama raw ang taong ito. I don't think so. Wala naman akong nararamdamang kakaiba kapag kausap si David, e. Wala akong naaamoy na kapahamakan. Siguro advance lang mag-isip ang Kairum na 'yun kaya gan'on na lamang siya magsalita. Palaging may konklusiyon sa mga bagay-bagay.

Kasalukuyan akong nasa M.P. Hall ngayon. Kasama ko sina Jewel at David. Dumeritsiyo kaagad kami rito pagkatapos naming bumili ng snack doon sa canteen. Nakaupo kami sa edge ng stage habang tinatanaw ang mga naglalaro ng basketball dito.

"Magkwento ka naman, David." Sabi ko. Close na kami. Hindi naman kasi siya mahirap pakitunguhan, e. Hindi ko alam kung dati pa ba kaming close sa isa't isa basta ang importante ngayon ay nakakausap ko siya.

"Ano naman ang ekwe-kwento ko?" Tanong niya at uminom ng mineral water. Napagitnaan nila akong dalawa ni Jewel kaya madali ko lang siyang nalilingon.

"Marami tulad ng paano kita nakilala. Close ba tayo, parang gan'on. Gusto ko kasing malaman, e. Alam mo naman 'di ba na... na... nawala ang mga alaala ko." Sabi ko at tumingin sa mga naglalaro ng basketball.

"Transferee ka rito sa school kaya ngayong taon lang talaga tayo nagkakilala." Panimula niya.

"Tama, Shayne." Si Jewel. "Nag-transfer ka rito, e."

Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Hays, mahabang kwento 'yun, kaya David, ituloy mo na."

Muli kong binalingan ng tingin si David.

"Mailap ako sa mga babae kaya hindi talaga tayo nag-uusap. Until one time, nagkasama tayo sa iisang grupo sa Oral Communication." Tinanguan ko siya. "That was the first time I approached someone. Nilapitan kita noon para kausapin ka tungkol sa gagawin nating task." Tumango lang ulit ako. "Ang huling araw na nagkausap tayo ay 'yung exam natin sa second grading."

Napangiti ako. Short story but I'm contented with it. Hindi niya man masyadong na-elaborate, naintindihan ko pa rin naman. Sapat na 'yun upang malaman kong wala namang masyadong nangyaring closeness sa aming dalawa.

"Bakit pala nawala ang mga alaala mo?" Tanong niya.

"Trauma." Tipid kong sagot.

"Naku, kung alam mo lang David kung ano ang mga sinapit at pinagdaanan niya noon, baka pati ikaw ma-trauma rin." Sabi ni Jewel.

Kanina pa ako nagtataka sa mga sinasabi niya. Una, 'yung may nagpapahirap daw sa 'kin. What she says now is connected of what she said earlier.

"Bakit, Jewel? Ano ba ang mga pinagdaanan niya?" Mausisang tanong ni David. Tinignan niya pa si Jewel kaya napaatras ako nang konti para makita niya nang maayos ang kaibigan ko.

"Sige, sasabihin ko at, oy, Shayne, makinig ka na rin para malaman mo ang kawalangyaan ng Tita mo." Kaming dalawa na ni David ang nakatingin sa kanya ngayon. Gusto ko ring marinig ang sasabihin niya.

"Bata palang 'yang si Shayne, I think mga eight years old, pinapahirapan na 'yan ng Tita niya. Sa murang edad, siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay samantalang 'yung Tita at pinsan niya ay parang mga reyna."

Assassin's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon