Chapter 5

443 2 0
                                    



Kanina pa ko hindi mapakali, ilang beses ko tinitignan ang itsura ko sa salamin. Yung suot ko kung maganda ba, pati ayos ko. Ngayong araw kasi kami magkikita ni Nass. Buti nalang talaga at nakapag paalam kagad ako sa amo kong mag deday off ako. Salamat na rin at pumayag.

"Jusko sai, mababasag na yang salamin kanina ka pa nakatingin diyan" pansin sakin ni ate ara

"Okay na ba itsura ko Ate? Di ba ko mukhang pokpok tignan?" Tanong ko dito

"Oo nga, ilang beses ka ng tanong ng tanong" sabe nya pa "hala umalis ka na" pahabol nya pa

"Maya maya konti, to naman nagmamadali" sagot ko dito.

"Anong oras ka ba aalis?"

"Mga 2 pm"

"O 1:45 na Oh" sabe nya pa

"Oo na eto na eto na, mamadali mamadali?" Pagbara Ko dito "kunware ka pa mamimiss mo lang ako e hahahah" sabe ko pa

"Tse kala  mo naman matagal ka mawawala, tigilan mo ko sa kaartehan mo"

Tinawanan ko nalang siya, actually 3 pm pa usapan namin ni Nass na magkita sa Starbucks sa Sm San Lazaro. E dahil sa Parañaque pa ko manggagaling napagpasyahan kong umalis ng 2pm para walang hassle. Di naman ako masyadong excited, konti lang hahah
Bumyahe na ko ng makita kong 2 pm na, Di ko na sya tinext na paalis na ko, Okay lang naman sakin kahit maghintay ako ng matagal. Di uso Pilipino time sakin hahaha

Nakarating ako ng sm san lazaro ng 2:30, sheeeete ang aga pa. maglilibot libot na muna ko habang nagiintay.
Then suddenly a cake shop got my attention.
Naalala ko tuloy kung pano kami nagkakilala ni Nass.
Birthday nya nung araw na pumunta sila sa bar kung san ako nagtatrabaho.

* Flashback *

"Napaka arte mong babae ka, kung ayaw mo palang binabastos ka dapat sa kumbento ka pumasok" habang nakakapit sa braso na sobrang higpit at hinihila ko palabas ng vip room

"Tangina mo, kaya kong bayaran lahat ng ginastos mo, a-ano ba, nasasaktan ako, bitawan mo ko" sabe ko habang hinihila yung kamay ko sa kanya

"E Tangina mo pala e,"

Akmang sasampalin nya na ko ng may humawak sa kamay nya

"Tol hindi ka dapat nananakit ng babae, baka pwede naman pagusapan yan" rinig kong salita nung lalaking pumigil.

Nakita ko rin na pati pala yung amo ko at mga floor manager ay lumapit na rin.

"Boss ano pa bang problema?" Tanong ng amo ko pagkalapit

" eto kasing babaeng to e napak arte, pumayag magpa vip pero nagiinarte, ayaw pagamit" galit na galit na sabe ng guest

"E boss mukhang mali po kayo ng napuntahan, Hindi naman po casa ito, bar po. At ang Silbi lang po ng vip ay para makapagusap kayo ng tahimik ng kayong dalawa lang" mahabang paliwanag ng amo ko

Nakayuko lang ako habang nakahawak sa braso kong sobrang sakit, feeling ko magkakapasa to mamaya.
Nagwawala parin yung guest at sila naman ay pilit tong pinapakalma. Gusto kong sumagot pero pinipigilan nalang ako ng mga kasamahn ko. Nakita ko ring nasa harapan ko parin yung lalaking tumulong kanina at nakatalikod ito sakin. Nakaharap sa costumer

"Tumigil na po kayo, nakaka iskandalo na kayo oh" singit nung lalaki

"Bakit sino ka ba sa palagay mo? Sabe nung costumer at biglang nagbasag ng bote

"Maaari po kayong kasuhan baka hindi nyo alam, pulis tito ko sa lungsod na to, kung hindi ka titigil magpapatawag ako ng pulis" kalmadong anas nito

Confession of a HarlotTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang