Chapter 7

184 1 0
                                    


"ANO? BUNTIS KA?" narinig kong tanong ni ate jay kay zakura

Napansin kong nakayuko lang ito

"Sinong ama niyan? Guest ba?" Galit na tanong ni ate jay

"Opo ate" humihikbi hikbi na sya

"San ba ko nagkulang zakura? Puro paalala naman ako sa inyo diba? Lagi ko sinasabe mag condom, mag condom para maiwasan yan, pero di ka nakikinig ang tigas kasi ng ulo mo" sabe pa ni ate Jay

"Sorry po ate, makulit po kasi talaga yung guest na yun e" paliwanag pa nya

"Sinong guest yan?"

"Si nakamura po"

"Ahh kaya pala ikaw lang nirerequest nyan kasi pumapayag kang di magpa cd, Sai" biglang tawag sakin "napuntahan mo na yun si Nakamura diba?" Baling na tanong nito sakin

"Opo ate" sagot ko dito

"Ayun yung guest na ayaw sayo diba?

"Opo ate sobrang kulit nun, Di nalang ako nag eextra ayaw kasi mag cd e" paliwanag ko dito

"Narinig mo zakura? Pwedeng tumanggi"
Iyak lang sya nag iyak "o anong plano mo dyan?" Dagdag na tanong nito

"Tutuloy ko po to ate" desididong sagot nya

"Tutal nakapag desisyon ka na, maaari ka ng umalis" sabay talikod ni ate "sawang sawa na ko magsalita sa inyo"

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa pag amin ko pero kung pagtatanggol ko naman sya ay ako naman ang masasabon.

"Sai" narinig kong tawag ni zakura "tu-tulungan mo nga kong mag ayos ng gamit" pakiusap nya habang humihikbi

"Ge"



























....
"Desidido ka na ba talaga?" Tanong ko dito habang paalis

"Oo sai, ayokong magpalaglag, walang kasalanan yung bata kaya bubuhayin ko to, eto yung matagal ko ng gusto diba?"

"O sya bahala ka, pasensya na kung Di kita matutulungan pero pag nasa labas ka na, text mo lang ako"

"Te zakura aalis ka na talaga?"

"Wag ka umalis te"

Sabe ng mga ka samahan namin, alam ko naman na Ayun yung matagal nya ng gusto, ang magka anak kahit walang tatayong ama. Swerte na nga lang nya kung tatanggapin ng jowa nya yun.

"O sige na, nandyan na yung taxi, mag ingat ka"

"Salamat sai" sabe nya ng naka ngiti

Bumalik na ko sa loob ng bahay pagka hatid ko kay zakura, daming message at missed call ng cp ko.

*hey*

*morning babe*

*babe are u awake?*

*babe?*

*message me when you wake up*

*i love you*

*active 10 mins ago? Seriously?*

*arent you going to reply?*

*damnit*

*fvck sai, can you answer the goddamn phone?*

Oh no, galit ata hahaha
Tatawagan ko na Sana pero nauna na sya, syempre sasagutin ko na, baka magalit hehe

"God sai, bakit ngayon ka lang sumagot? I've been calling you for two hours"

"Relax, pwede?" Sarcastic kong sagot dito "di ba pwedeng may ginawa lang kaya Di nasagot?"

"Pwede mo namang sabihin sakin, kahit isang reply lang, kahit ok lang. Kahit seen lang Pero Di mo man lang pinansin yung message ko"

"Myghad Nass, Ang oa mo. Bf ba kita?"
Pasigaw kong sabe dito, ang oa kasi
Nanahimik bigla yung kabilang linya, oh-ow parang below the belt na ata yung sinabe ko.

"Hayssss" narinig kong buntong hininga nya "you're right , sorry. Siguro nga masyado na ko. Okay, Di na kita kukulitin, I'm sorry"

"Okay, bahala ka" sabe ko lang kahit iba talaga yung gusto kong sabihin

"Bye, take care" rinig kong huling sabe nya bago ibaba

Kalalaking tao napaka arte, dinaig pa babae, bahala nga sya. Magmemessage din naman yun bukas e. Daming alam



~~~~
Kinabukasan

Nagising ako sa tunog ng ccp.
Myghad nakakailang text at tawag na pala sila ate,wala pa rin sumasagot.

Nagreply agad ako ng okay at ginising si hazel.

"Hazel duty ka, bilisan mo kanina pa yan. Magagalit na sila ate" tugon ko habang ginigising sya.

"Oo ate, sandali lang" biglang takip pa ng kumot

Ayaw nyo talagang kinakausap ko kayo ng malumanay? Pwes sige

"BABANGON KA BA DYAN O IPEPENALTY NA KITA? MAMILI KA" pataray kong sabe sa kanya

Bigla naman syang bangon, ganyan yan sila kelangan tatakutin mo pa jusko.

Ring *** Ring***
Tumatawag na tuloy sila kuya

"Hello po ate kuya"

"Si hazel paalis na ba? Kanina pa yang duty, wala man lang gising sa inyo?" medyo iritableng talak ni ate jay

"Kagigising ko lang din po kasi pasensya na, late na po kasi duty ko kagabe"

"Oo nga pala, e sila dyan mga tulog din? Di naman sila nakarami ah"

"Opo ate"

"O sya sabihin mo bilisan kumilos at knina pa nagaantay yung guest, pag yan na cancel sya talaga magbabayad nyan"

"Opo ate" yun nalang at binaba ko na rin yung tawag

"Narinig mo hazel? Bilisan mo na"

Bumaba na rin ako para magtimpla ng kape, himala wala pang message si Nas.
Bahala nga sya


Lumipas ang ilang oras,, paalis nalang kami pero wala pa din kahit isang text o chat man lang. I know im at fault pero sya tong nanliligaw, hanggang dito nalang ba siya? Suko na kagad? Yoko na muna mg isip. Trabaho muna.

Sinurender ko na lahat ng cp namin at binigay isa isa yung mga ccp.
Trabaho na, trabaho lang, di pwedeng dalhin yung personal na problema.

But ......

Ilang oras na ko dito sa trabaho pero di ako mapakali, nakakainis. What if nainis na sya sa ugali ko? What if may nkita na syang iba? Puro nalang what ifs. Hays nakakatamad tuloy.

Beep* beep*

PanPacific
Room# 2103
Mr. Matsumoto
(Bago presyuhan)

Kung kailan pa ko wala sa mood tsaka pa bago pupuntahan ko. Bahala na nga si batman.


Haysssssssss

Confession of a HarlotΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα