Chapter 3

664 2 0
                                    



"San ba tayo pupunta" tanong ko sa bestfriend kong si tanya

"Basta labs, may papakilala ko sayo" sagot niya habang hila ako palabas ng bahay nila.

Nandito kami sa tarlac, taga dito kasi siya.
Lumuwas ako dito sa kadahilanang gusto kong mag move on.

Niloko kasi ako ng boyfriend ko, huli na nung nalaman kong may kinakasama at anak na pala ito.

Mahal na mahal man namin ang isat isa mas minabuti kong lumayo nalang, alam kong tama ang desisyon kong ito, lalo pa't di ko maaatim na lumaki ang anak niya na walang kinikilalang ama. Paglaki nito ay sisisihin ako sa pagkasira ng pamilya niya.

Pinipigilan man ako ni mama ay wala siyang nagawa. Ayoko na muna dun, lahat ay makakapag pa alala lang sakin ng katangahan ko na dati pa man bat Hindi pa ko nakinig sa mga sabe sabe.

Siguro ganun naman talaga diba? Tanga ka pag nagmamahal ka.










"Labs san na ba tayo?" Naiinis kong sabe sa kanya ng huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay

Sa labas palang ay naririnig ko na ang mga ingay na nagmumula sa loob nito.

"Andito na tayo"

"Diyan? E kanino bang bahay yan? Tignan mo anong oras na, delikado na o" habang nakaturo sa bahay na nasa tapat namin

"Diyan na nga, sandali lang itetext ko sya at sasabihin kong sunduin tayo dito sa labas" sabay kalkal sa cp nya

Di nagtagal e may lumabas ding lalaki na talaga namang may itsura.

"O ayan na pala siya e" sabe ni Tanya "kenneth, si xyra nga pala bestfriend ko. Labs si Kenneth boyfriend ko" pakilala niya pa samin ng bf nya kuno

"Hello" tanging sambit ko

"Hi, tara pasok na kayo, kami lang ng mga kaibigan ko ang naririto. Wala sila mama nasa ibang bansa" sabe nung Kenneth habang papasok kami

Malaki ang bahay sa loob. Halata mong mayaman ang nakatira. May kotse pa
Inilibot ko ang mata ko at nakita ko ang mga kaibigan nyang nagiinuman habang naglalaro ng billiard

"Labs labs tara dito dali" nagmamadali nyang hila sakin

Aba ang gaga feel na feel at home

"Ano ba yun?"

"Wala yung ipapakilala ko sa iyo e kaya siya nalang muna" sabe nya pa.

-_- tanginang yan, ano siya mamasang? May choices pa gud.

"Labs si kenneth the second" sabe nya sabay kuha ng kamay ko at inabot nya dun sa kenneth the second

"The second?"

"Oo, kaibigan yan ni kenneth e parehas sila ng name kaya the second sya, syempre dapat first parin ang bebe ko" sabe nya pa na parang kinikilig

Tanginang to, ipapakilala nalang ako Di pa naghanap ng gwapo. Oo broken ako pero di ako desperada maghanap ng lalaki myghad.

Nagkausap kami nung kenneth the second, well okay naman sya, mabait naman pero medyo hirap sya mag tagalog.
Kinalakihan nya kasi magsalita ng kapampangan. Nasabe nya rin sakin na may gf sya. Naka "owssss" pa ko
Hahaha ang meanie ko pero totoo naman kasi, Di naman sya gwapo pero mabait hahah, not my ideal type.

Hanggang sa lumipas ang isang oras at napansin kong tumigil na maglaro yung mga nagbibilliard. Inaya nila kami mag inom, Di na naman ako bago sa pag inom so why not?

Lumipas ang ilang araw na ganun. Pupunta kami dun, kung sino sino ipapakilala sakin pero wala talaga kong type well naging friends ko naman silang lahat. Kwentuhan, inuman at billiard lang ginagawa namin. Dito ko rin natry mag drugs o gumamit ng bawal na gamot.

Confession of a HarlotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon