Ngumiti na lamang ako sakaniya ng pilit, dahil kahit na maganda ang kasuotan ko hindi ko rin naman ito masyadong magagamit kasi iba naman ang pakay ko.

“Sige, dyan ka muna’t titignan ko lang si Ma’am Heroine.” Paalam niya kaya tumango  na lang ako. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin, at napabuntong- hininga ako dahil sa aking mga iniisip. Hinaplos ko ang kwintas na nakalagay sa aking leeg at hinawakan ang nakasabit na maliit na bote rito.

Tama ba ’tong papasukin ko?

Hindi ko alam pero kagabi ko pa tinatanong ang sarili ko kung tama itong gagawin ko. Para kasing nakokonsensya na kaagad ako. But, every time I remember the night my parents die, my eagerness toget revenge is triggered. Hayst.

“Ija..” Napabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Madame S. Napalingon ako sakaniya ngunit ako’y napanganga ng makita ang kaniyang itsura. “Ang.. ang ganda niyo ho!” Di makapaniwalang wika ko habang namamanghang nakatingin sakaniya.

Bumagay kasi talaga sakaniya ’yung gown at mga hairstyle na pinili ko.

“Ay! Achuchu!” Hampas niya saakin na tila isang nahihiyang dalaga. Hindi ko naiwasang mapatawa dahil sa kaniyang inakto.

“Ma’am Heroine! Baba na po tayo.” Parehas kaming napatingin sa direksyon ng pintuan ng makarinig ng boses mula rito. “Let’s go, Ija.” Aya niya saakin ngunit umiling ako.

“Mamaya na po ako baba, kasi ’di naman ako royal highness eh.” Rason ko sakaniya. Tumango na lamang siya at umalis na.

Napabuntong- hininga ako bago tuluyang umalis sa kaniyang opisina. Ngunit sa isang labasan ako nag- tungo, kasi kapag sa nilabasan ni Madame S baka maagaw ko ang atensyon ng mga tao dahil yung hagdang pababa roon ay patungo sa great hall.

Pagkabukas ko sa pintuan ay kaagad akong natigilan ng bumungad saakin ang isang tao habang may kasama siyang babae. Gulped. Hindi ko naiwasang matameme at mapalunok habang nakatitig sakaniya. Kaso hindi ko alam kong nanadya ang tadhana kasi nang lumunok ako ay tumunog. Taena.

“Pft. Haha!” Tawa ng babaeng kasama nito na medyo may katandaan na. “Miss Gaea, Pagpasensyahan mo ng kung sobrang gwapo ngayon nitong anak ko ah.” Aniya, ngunit hindi ko siya pinansin at sa mga mata niya lang akong nakatingin. Na naging dahilan para kumabog na naman ng husto ang aking puso.

“C’mo, Mom.” Aya niya sa kaniyang ina. Naiiwas ko naman kaagad ang aking nga mata nang dumapo saakin ang hiya.

“And by the way, you too looks so gorgeous.” Pahabol niyang komento, kasabay ng pagsilay ng kaniyang ngiti.

Napasandal ako sa pintuan nang tuluyan na silang mawala habang inaalala ang kaniyang itsura. Bakit ang kisig at gwapo mo, Uno ha?! Hindi ko alam kong sisimangot ako o kikiligin, kasi putcha lang! Ang gwapo niya.

Prinsepe Theseus? Pinatitibok mo ng kay bilis ang puso ko. Wieh! Ang harot.

“Nako, Gaea! Hibang ka na..” Bulong ko sa aking sarili ng ako’y matauhan sa aking ginagawa. Tumayo ako ng tuwid at sinimulang rumampa pababa para magtungo sa labas ng palasyo. Ofcourse dahil sa wala akong imbitasyon, sa kusina ako dadaan.

Kung sakali mang may taga- bantay ru’n alam ko namang papapasukin nila ako kasi katiwala naman ako rito sa palasyo. Nang ako’y tuluyang makarating rito ay hindi na ako nagtaka ng may makita akong bantay.

Tindig na tindig ako habang rarampa- rampang lumalapit rito. “Invitation, please?” Harang niya saakin dahilan para mapatigil ako sa aking ginagawa. Ha!

“’Di mo ba ’ko kilala?” Atungal ko habang nakataas ang aking kilay at nakapamaywang na nakatingin sakaniya. Wala e’ nawala ’yung tindig ko dahil sa irita sakaniya.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now