Nakakainis kase sya hindi pa rin ba nya maramdaman na mahal na mahal ko sya na handa akong sumugal kasama sya.

"You know what...sa pagsasalita mo Cy parang hindi mo na ko mahal...and so what kung ganyan ka....lahat sayo minahal ko. Willing naman akong gawin ang lahat para maging maayos tayo. I'll be here with you..wag mo naman akong pagtulakan." Hindi ko mapigilan yung iyak ko.

"I know sooner you will regret it..." naiiyak na saad nya. Talagang nabwiset na ko.

"Tang ina Cy! Sabihin mo nga sakin yung totoo! Siguro ibang babae yung gusto mo makatabi hanggang sa gumaling ka! Yung pangtataboy mo wagas!" Nagpupumiglas ako para makalayas sya sa ibabaw ko. Mas masakit 'to! Yung mas bet nya yung ibang babae!

Lalo akong nabwiset ng tumawa sya.

"Roian ano ba, san mo naman napagkukuha yung idea na yan?" Natatawang saad nya habang nilalabanan nya yung pagpiglas ko.

"Hindi dahil pinapakopya mo ko ng assignment nung high school hindi ibig sabihin nun na hindi na ko magaling gumawa ng conclusion sa isip ko! Tabi nga dyan!" Nakakainis mahal na mahal ko naman sya napaka arte nyang itaboy ako! Yung tawa nya ngayon wagas.

Nagulat ako ng sunggaban nya ko ng halik sa labi ko. Isang malalim na halik. Alam ko sya yung baliw dito pero parang ako yung nawawala sa katinuan sa halik nya. Nakakagigil yung lower lip nya!

"Are you sure to be with me?" She ask between our kisses.

"Ang kulit...Oo nga." Saad ko at hinalikan ko sya ulit.

"Ngayon palang magaling na ko..." natatawang saad nya pagkatapos ng kiss namin. Umayos sya ng higa sa gilid ko at yinakap ako.

"Umidlip ka ulit wala pa yung pagkain natin..." saad nya at isiniksik nya yung mukha ko sa leeg nya at gumanti ako ng yakap sa kanya. Ito yung totoong pag uwi ko sa kanya.

"I love you." Buong pagmamahal nyang bigkas.

"I love you too..." tugon ko.

"Ako na makakasama mo sa pagtanda..." natatawang saad nya.

"That's a good idea....sabay tayong magpapagawa ng pustiso sa dentist..." natatawang saad ko at napatawa din sya.

Ayoko ng gumawa ng same mistake gaya nung anim na taon ng nakakaraan. Kung mali man ito sa paningin ng iba atleast I will count it as my sweet mistake.

Yuri's POV

Nakaupo ako sa sofa habang nakaupo sa lap ko si Shannon at sobrang dikdikan yung pagkukumbinse nya sakin na sumama sa akin sa hospital. Napapatawa ako dahil sobrang frustrated na sya parang ilang segundo na lang bibilingin na nya yung mukha ko.

"O after mo makita si Cy sa hospital saan ka naman pupunta?" Usisa ko at inipit ko sa tenga nya yung ilang hibla ng buhok nya na tumatabing sa mukha nya. Lately, para kong ginagayuma dahil gandang ganda ako sa kanya.

"Uuwi na sa bahay ko...saan pa ba?" Naiinis nyang paliwanag kaya napataas yung isang kilay ko.

"Hindi dito?" Seryoso kong tanong at parang nabigla sya.

"Wala akong gamit dito noh! Saka maawa ka sa unit ko puro alikabok na dun..." saad nya.

Napangiti ako. Yinakap ko sya at parang nanigas pa sya. Ang cute! Bawal kaming magkiss pero wala naman syang nabanggit na hindi ko sya pwedeng yakapin. Hindi ko naman siguro naba-violate yung mga rules nya.

"Kung maglagay ka na kaya ng gamit dito sa unit ko? Ipagluluto kita ng lahat ng gusto mo..." saad ko. Parang ang babaw naman ng dahilan ko. Ewan ba...sobrang nakakastress yung trabaho ko sa hospital pero kahit napakataray nitong babaeng to naaaliw ako sa kanya at nakakawala ng pagod maramdaman ko lang yung presensya nya sa paligid.

"Hindi ka masarap magluto..." prangkang saad nya kaya napatawa ako. Ang brutally honest naman nitong babaeng ito. Lalo ko syang yinakap ng mahigpit. Nakakagigil. Para syang hinulma sa mga bisig ko.

"Makakatipid ka kung dito ka sakin titira..." saad ko. Kumalas sya ng yakap sakin pero nasa lap ko pa din sya pero yung mga braso nya nakapalupot na sa leeg ko. Napalunok ako ng mapatingin ako sa labi nya. Naalala ko na naman yung sa elevator.

"Nagpaplano kang ma-rape ako noh?" Naniningkit yung mga mata nya nung bigkasin nya 'to kaya napataas muli yung kilay ko.

"Mawawalan ako ng lisensya kapag ginawa ko yan...kaya willing naman akong mag antay hanggang sa ibigay mo sakin yan...." saad ko at sobrang pula ng mukha nya.

"Kapal!" Bulong nya.

"Sige na dito ka na lang tumira....hindi kita gagawan ng masama...promise" saad ko. Hindi naman talaga ko makulit na tao pero basta gusto ko lagi ko syang makita.

"Umamin ka nga Yuri..." malditang panimula nya pero pinutol ko sya.

"Yuri? Love not Yuri...gusto ko yun gaya ng tawag mo sakin sa Palawan." Reklamo ko.

Tinaasan nya ko ng kilay pero hindi nya napigilang mapangiti kaya napangiti din ako.

"Fine! Love...." sarkastikong saad nya
.
"Okay that's fine..." nakangiting saad ko.

"Siguro kaya kating kati ka na patirahan ako dito kase pinagnanasahan mo ko...." saad nya.

Ngumiti ako ng nakakaloko.

"Pagnanasahan lang kita kapag naghubad ka sa harap ko..." natatawang saad ko

Pakkkk!

Napatawa ako ng sampalin nya ko. Pikon talaga!

"Ulol mo! Bakit naman ako maghuhubad sa harap mo!" Singhal nya.

Tinitigan ko sya ng direkta sa mga mata nya. Hindi ko maintindihan bakit ang daming nagrereject sa taong 'to? She have a beautiful soul.

"I want you here because you are worth to keep...." seryosong saad ko.

Hindi ko na kaya..I'm going to kiss her until someone knocking in my door.

Pareho kaming napaigtad at umalis sya sa pagkakaupo sa lap ko.

Sayang!

Pagbukas ko ng pintuan.....

"Mama?"

........................
Thanks for Reading
Vote and comment kayo guys pampalakas loob lol
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now