Naidantay ko ang aking kamay sa aking mga tuhod ng siya'y humarap saakin. Hindi kaagad ako nakapag salita ng maayos dahil sa hinuhuli ko pa ang aking pag- hinga.

"Spill it, Chisse." Yamot na yamot niyang wika. Uso ba ngayon ang wala sa mood?

Pagkaayos ng paghinga ko ay dali- dali akong tumayo ng tuwid habang ngiting- ngiti. "Tangina ka!" Pilyong ngiti ko habang pakurap- kurap na nakatingin sakaniya.

Napansin ko ang pag- awang at pag- ngiwi ng kaniyang mga labi dahil sa aking sinabi. "What?!" 'Di makapaniwalang tanong niya.

"Ang sabi ko! Tangina ka!" Ulit ko sa aking sinabi at medyo nilakasan ng ka- unti.

"Who taught you that?!" Nangangalaiti nitong sigaw, dahilan para ako'y mapaatras sa takot. Napalabi ako habang kakamot kamot sa aking buhok. "Ah.. Si.."

"Uy! Chisse!" Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang pagtawag saakin ni Baby. Naiiyak naman akong lumapit sakaniya at kaagad na yumapos sa kaniyang braso.

"Sinisigawan niya ako, Baby." Sumbong ko sakaniya. "Tumigil ka nga, chisse! Para kang di matanda eh." Mahinang sita nito saakin. Kung alam mo lang eh.

"You?" Duro ni Kuya Theseus kay Baby. "Did you taught him that word?" Dugtong niya kaya kaagad akong natakot para kay Baby. Sobrang sama na kasi ng timpla ng mukha ni Kuya, at parang ilang segundo na lang ay mangangain na siya ng buhay.

"Eh ano naman saiyo?" Palabang tanong ni baby kasabay nito ang pagtago niya saakin sa kaniyang likuran. "Are you picking up a fight?"

Hindi ko maiwasang maguluhan dahil sa inaakto nila mula sa isa't isa. Kaya ba wala sila sa mood ay dahil sa may problema silang dalawa? Nako po!

"Kung 'yan man ang sa tingin mo ang nais kong ipahiwatig. Eh, di wala na 'kong magagawa." Kalmadong wika ni Baby.

"Ouch!" Narinig kong daing niya dahilan para ako'y kaagad na lumabas sa kaniyang likuran. At halos ikalaglag ng panga ko ang ginagawa ni Kuya.

"Kuya! Nasasaktan si Baby!" Awat ko habang nag- aalalang nakatingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ni Baby. Panigurado akong magkakapasa yan mamaya. Pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Bakit ganito? Galit ba siya kay Baby? Hindi ito maaari! Sobrang sama niyang magalit.

"You! If you dare to teach him one more bad word. I'll cut your tongue off. And don't treat him like a dog. He's more precious, than you are." Madiing duro ni Kuya sa harapan ng mukha ni Baby.

Heck. It was painful.

Napatingin ako kay Baby at bakas na bakas ang sakit sa mukha niya, halos bigwasan ko ang lalaking nasa harapan ko dahil sa inis. Pero di ko pala alam pano makilaban. Hehe.

"Get your hands off."

Hindi ko maiwasang hindi kilabutan dahil sa tindi ng lamig ng kaniyang boses. "Akala ko iba ka, pero nagkamali pala ako. Tsk." Iiling- iling na wika ni Baby kasabay nito ang pagtalikod niya at ang paglakad niya papaalis.

Napabaling ako ng tingin kay Kuya na ngayon ay tila natauhan sa mga pinag- gagawa niyang katarantaduhan. Sinamaan ko siya ng tingin, "Akala ko iba ka, pero nagkamali rin ako ng akala." Iirap- irap kong talikod sakaniya.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Where stories live. Discover now