HCB: HEART VS. MIND

Start from the beginning
                                    

”Nay, galing po kay Ken yan. Kasama ko po sya kagabi, sinundo ako sa school.”

“Aba, ano bumabalik sya? Ay nako Seiyh ha?! Baka bumalik lang yan para saktan ka, baka gaganti lang yan sayo.” Nanay

Haaaaaaaaaaaaaay. Akala kasi ni Nanay ako ang nakipagbreak kay Jin, di ko maamin na iniwan ako. Hahaha. Tsaka umasa kasi ako before na babalik sya sakin after ilang days or months, kaya di ko sinabi kay Nanay ang totoong nangyari samin ni Jin. Kaso wala. Di sya bumalik nuon e.

“Hindi ko po alam Nay. Pag labas ko kasi andun na sya, tsaka na sa akin naman yun kung magpapaloko ako sa kanya.”

“Baka hindi seryoso yun gagong yun.” Nanay, concern

“Hmm. Bahala sya Nay kung seryoso sya o hindi, hindi na ko papa uto at masasaktan.”

Mukang okay na naman ang paliwanag ko kay Nanay di na kasi sya nagsalita pa at kinain nalang yung isang cupcake.

 Tama nasa akin naman yun diba kung hahayaan ko sa na saktan ulit ako. Kapag di ko masayado papaniwalaan mga sasabihin nya di din ako masaskatan, no expectations, pero kaya ko nga ba yun? Dyan ako mahina e, laki kasi lagi ng expectations ko.

Ginawa ko na lahat ng dapat ko gawin, kinuha ko mga notes ko dahil may quiz kami sa Cognitive Psy, major subj.

**

Sa Psych Room,

Naka upo na ko sa usual na pwesto namin nila Cess, yumuko lang ako sa desk, mag relax muna ko habang wala pa sila, mamaya nalang uli ako magbasa ng notes kapag andito na sila,

Naramdaman kong gumalaw ang upuan sa tabi ko, iginilid ko lang ang ulo ko para makita ko kung sino sa apat ang dumating, may isa pa kong friend, wala lang sya FIL103 kaya wala sya kagabi, she’s Ysa,

“Hi. Seiyh, may nabalitaan ako ha? Kwento naman!” ^^ Ysa

“Bilis kumalat ng balita ah? Sino nag kwento sayo? Haha.” Tanong ko

“Si Mitch, haha. Nang gagalaiti ka nga daw kahapon tapos na cornered ka pa ni Jin, yun ex mo.” Ysa

“Oo nga e. :(“

Ayun nag kwento ako, si Ysa yung listener type ng tao, kaya masarap mag kwento sa kanya at magaling din sa advices to.

“Hmm. Malay mo seryoso naman sya, bakit di mo i~try? Basta wag ka lang magtiwala ng sobra, isipin mo pa din na baka may mangyari na di mo magugustuhan, kung masaya ka and nag e-enjoy go ka lang.” Ysa

Sabi ko sa inyo e, magaling si Ysa dyan sa advices. I’m lucky to have a friend like her. Pero sila Mitch, Ven, Cess? Nako, mga kabaliwan lang alam nung mga yun, de joke lang! Hahahahaha. Maka lokohan lang talaga kami pag nagsasama pero pag oras na kelangan mag seryoso, seryoso talaga, lalo na sa pag aaral. Kapag nga during exam daig pa namin ang mortal enemies, wala talagang pansinan. Ang resume nalang ng pansinan namin pag naipasa na namin yung test booklets. Haha.

Hanggang sa dumating na the rest of my friends at nag kwento ako.

“Basta isa lang masasabi ko babe, mag ingat ka. Wag mo kalimutan ang mga ginawa dati Jin, alam mong mahal ka namin kaya ayaw namin na masaktan ka. Go with the flow ka nalang muna at pakiramdaman mo. Kita naman a mukha mo na naging masaya ka kahit papano na bumalik sya, pero di yan sapat para magpaka bulag ka, okay? Kung san ka masaya dun kami.”, Cess.

Kahit na ganyan sila medyo may mga saltik most of the time pero pag sa ganito sobrang concern sila. Alam ko iniingatan nila ko, at dapat ingatan ko din ang sarili ko.

Ano nga ba talaga ang dapat kong gawin? Sundin ang puso ko? O utak ang pairalin ko? Sa ngayon ang nangyayari sakin ay Heart vs Mind.

A/N

Sa totoo lang mahirap naman talaga yung sitwasyon ni Seiyh, sino ba naman ang hihindi kapag ganito na diba? Yung taong nang iwan sayo ang babalik at susuyuin ka. Pero kailangan mo parin mag isip ng mga ‘what ifs’. Kelangan timbangin ang bawat sitwasyon at mga sinasabi sayo ng taong gustong bumalik sa buhay mo. Kailangan mo sin isa alang-alang ang mga taong nasa paligid mo, at pag isipan ang mga payo nila. Sabi ng iba, dapat sa pag ibig 50% mind and 50% heart, pero pano mo naman yun masusukat diba? Mahirap timbangin lalo na pag sa ganitong mga sitwasyon na sa bawat gagawin nya sumasaya ang puso mo pero deep inside sa isip mo may doubts ka...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He came backWhere stories live. Discover now